Ang pagkakaiba sa pagitan ng anti-racism questionnaire at ang BC Demographic Survey

Pagpapanagot ng Pamahalaan

Para masuportahan itong pangungulekta at paggamit ng mga datos, bumubuo kami ng mas malawak na batas laban sa kapootang-panlahi

Ang input mo ay mahalaga!

Kaya namin inilulunsad ang isang online questionnaire upang marinig mula sa mga tao sa lahat ng background kung paano dapat tugunan ng pamahalaan ang kapootang-panlahi sa B.C.

Ang feedback mo ay hindi papangalanan at matutulungan kami nito upang gawing mas mahusay gumana ang probinsya para sa lahat.

Ang questionnaire ay mga 7-12 minutos para kumpletuhin at ito ay meron sa 15 mga wika.

Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng BC Demographic Survey at ang anti-racism na questionnaire?

Ang feedback na matatanggap namin sa pamamagitan ng anti-racism questionnaire ay makakatulong upang maintindihan namin kung anong mga suporta ang kailangan ng mga tao upang paghilomin ang kasalukuyang kolonyal at panlahing trauma at kung papaano matutugunan sa pinakamabuting paraan ang sistematikong kapootang panlahi sa pamahalaan.

Anong uri ng mga tanong ang tatanungin sa questionnaire?

Ang mga respondente ay tatanungin kung paano sa tingin nila dapat tugunan ng gobyerno ang kapootang panlahi, anong mga serbisyo ang kapaki-pakinabang sa pagharap sa mga insidenteng panlahi at ano ang mga pinakamahalagang mga kadahilanan sa pagbubuo ng mga patakaran laban sa kapootang panlahi.

Lahat ng mga impormasyon na nakalap ay di papangalanan at ang mga resulta ay ibabahagi sa publiko sa taglagas ng 2023.

Pwede ko bang gawin ang questionnaire, maski na hindi ako Katutubo o racialized?

Habang ang aming mga pakikipag-ugnayan para sa batas na ito ay limitado sa mga Katutubo at racialized na mga tao, alam namin na bawat tao ay mayroong iba’t-ibang mga karanasan at mga opinyon kung paano dapat tugunan ng pamahalaan ang kapootang panlahi

Lahat ng input ng bawat isa ay mahalaga, at makakatulong sa amin na gawing mas mabuti at mas mapagpabilang ang probinsya.

Nais mo bang mas matuto?