Paano kami nakikipagtulungan sa Indigenous Peoples
Dedikado kaming makipagtulungan sa mga mamamayang First Nations, Metis at Inuit upang matugunan ang sistemikong rasismo sa mga programa at mga serbisyo.
Ang Anti-Racism Data Act ay nagbibigay-daan sa pagkolekta at paggamit ng mga personal na impormasyon upang makatulong sa pagtugon sa sistemikong rasismo at isulong ang katarungang panlahi.
Ang pagkikilala sa Indigenous data sovereignty (karapatan ng isang Indigenous na pamahalaan na kontrolin ang datos tungkol sa kanila) ay isang mahalagang bahagi ng patuloy na konsultasyon sa mga Indigenous governing entity (IGE) sa ilalim ng Anti-Racism Data Act. Ipagpapatuloy namin ang pakikipagtulungan kasama ang mga Indigenous na pamahalaan sa lahat ng mga inisyatiba sa datos na binuo sa ilalim ng Act, kasama na dito ang:
- Mga direktiba at mga pamantayan upang magabayan kung paano at ano ang mga datos na kokolektahin
- Mga priyoridad sa pananaliksik na tututukan ng aming pagsisikap sa mga pinakamahalagang isyu para sa mga mamamayang First Nations, Metis, at Inuit at iba pang mga racialized na komunidad.
- Ang paglathala ng mga estadistika ng pananaliksik o iba pang impormasyon upang malaman ng mga komunidad ang tungkol sa ano mang impormasyon na aming ilalathala.
Sinusuportahan ng Batas na ito ang mga patuloy na pagsisikap para sa rekonsilyasyon sa ilalim ng Declaration on the Rights of Indigenous Peoples Act.
Mga priyoridad sa pananaliksik
Noong Hunyo 1, 2023, naglabas kami ng mga priyoridad sa pananaliksik. Makakatulong ang mga ito sa paggabay sa aming pananaliksik tungkol sa anti-racism at equity (pagkamakatarungan) sa susunod na dalawang taon.
Inimbitahan ang lahat ng miyembro ng First Nations at Metis Nation BC na naninirahan sa B.C. para tumulong sa pagbuo ng mga priyoridad sa pananaliksik.
Pagtatatag ng mga ugnayan
Nakatuon kami sa pangmatagalang rekonsilyasyon kasama ang mga komunidad ng First Nations, Métis, at Inuit.
Upang masuportahan ang mga pagsisikap na ito, kami’y nagsasagawa ng data circles kada buwan kasama ang mga Indigenous na pamahalaan bilang isang espasyo para sa bukas at transparent na diskusyon tungkol sa mga paksang may kaugnayan sa Act o sa mga datos na may kinalaman sa mga Indigenous na komunidad. Inaanyayahang lumahok ang lahat ng mga First Nations at miyembro ng Metis Nation BC sa mga pagpupulong na ito.
Naghahanap ng karagdagang impormasyon?
Patuloy na magbasa ng karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano kami nakipagtulungan kasama ang mga mamamayang First Nations at Métis upang buuin ang Anti-Racism Data Act.