Pagtugon sa sistemikong rasismo sa B.C.
Ang Pamahalaan ng British Columbia ay kumikilos upang matugunan ang sistemikong rasismo sa mga probinsiyal na programa at serbisyo. Ito ay isang mahalagang bahagi ng aming mga pagsisikap upang gawing mas matatag ang aming mga serbisyo para sa lahat.
Ano ang mga natutunan namin mula sa BC Demographic Survey?
Pagpapanatili ng kaligtasan ng iyong datos
Mga update sa aming mga priyoridad sa pananaliksik tungkol sa anti-racism
Ulat ng Progreso para sa Ikalawang Taon
Noong Mayo 30, 2024, inilabas namin ang isang update hinggil sa aming mga pagsisikap sa ilalim ng Anti-Racism Data Act. Kasama dito ang mga sumusunod:
- Mga natuklasan mula sa mga priyoridad sa pananaliksik
- Impormasyon tungkol sa BC Demographic Survey
- Isang progress report na nagpapakita ng iba’t ibang pangunahing proyekto
Mga updates sa mga prayoridad ng pananaliksik para sa 2024
Paano nakakaapekto ang karaniwang mga kondisyon sa kalusugan sa mga komunidad sa buong B.C.
Mga pagtatalaga sa espesyal na edukasyon sa ating sistema ng K-12
Representasyon sa BC Public Service
Anti-Racism Data Act
Narinig namin mula sa mga komunidad sa buong B.C. na dapat gawing priyoridad ang pagpapahusay ng mga serbisyo para sa mga mamamayan, lalo na sa larangan ng edukasyon, pagtatrabaho, at kalusugan.
Narinig namin mula sa maraming Indigenous (mga Katutubo) at racialized na mamamayan na sila ay napag-iiwanan dahil ang mga serbisyo ay idinisenyo nang hindi sila isinasaalang-alang. Binuo ang Anti-Racism Data Act upang matulungan kaming magsagawa ng pagsasaliksik na magpapakita ng mga puwang at pagkukulang sa aming mga serbisyo. Makakatulong ito sa aming gawing mas accessible at mas ingklusibo ang mga ito para sa lahat.