Anti-Racism Data Committee

Tungkol Sa Komite
Binuo ang Anti-Racism Data Committee sa ilalim ng Anti-Racism Data Act upang magbigay ng payo sa pamahalaan tungkol sa kung paano ligtas na mangalap, gumamit at magbahagi ng impormasyon upang makatulong na matukoy at mapuksa ang sistemikong rasismo at itaguyod ang racial equity o katarungang panlahi.
Kinakatawan ng mga miyembro ng komite ang malawak na hanay ng mga Indigenous at racialized na komunidad at heograpikong rehiyon ng B.C.
Nakikipagtulungan ang komite sa Province para sa ilang inisyatiba upang matukoy at mapuksa ang sistemikong rasismo sa mga programa at serbisyo ng pamahalaan. Kasama dito ang:
- Pagsusuri ng mga taunang estadistika bago ito ilathala upang maiwasan ang mga pinsala sa komunidad
- Mga priyoridad sa pananaliksik, upang maunawaan kung saan dapat munang magtuon ng pagsisikap ang Province para malaman at matugunan ang sistemikong rasismo
- Mga pamantayan para sa datos, upang matukoy kung anong uri ng personal na impormasyon ang kinokolekta, ginagamit, at ibinabahagi
- Mga direktiba para sa datos, upang maging gabay ng pamahalaan sa pagkolekta, paggamit at pagbahagi ng impormasyon
Layunin ng komite na tiyaking:
Ang pagpapatupad ng Anti-Racism Data Act ay hinubog ng mga karanasan at expertise ng mga Indigenous at racialized na indibidwal
Ang kanilang mga pagsisikap at ginagawa ay naaayon sa mas malawak na layunin ng lehislasyon na alamin at sugpuin ang rasismo sa mga programa, polisiya at serbisyo ng gobyerno, at isulong ang katarungang panlahi
Patuloy ang koneksyon at kolaborasyon kasama ang mga racialized na komunidad
Kilalanin ang Anti-Racism Data Committee
Ang mga miyembro ng komite ay may iba’t ibang mga karanasan at kaalaman na kanilang dala sa kanilang tungkulin. Panoorin ang video na ito upang mas malaman pa ang tungkol sa Anti-Racism Data Committee. Noong May 30, 2024, inilabas ng komite ang kanilang sariling ulat tungkol sa kanilang trabaho at kung paano ito sumusuporta sa Anti-Racism Data Act.

Dr. June Francis, Ph.D.
Chair ng Anti-Racism Data Committee
“Tinitiyak ng rebolusyonaryong Anti-Racism Data Act na ang B.C. ay isang province kung saan ang lahat, anuman ang kanilang lahi, ay maaaring umasenso. Ang Anti-Racism Committee ay magiging kritikal sa pagkamit ng mga hangaring ito. Itinatag ang komite upang matiyak ang representasyon ng mga Indigenous at racialized na komunidad at magsisikap nang mabuti upang matupad ang mga pangakong tugunan ang sistemikong rasismo at mga pagkukulang sa mga serbisyo ng pampublikong sektor. Kabilang dito ang patuloy na proseso ng pakikipagtulungan sa mga komunidad, kasama ang kanilang mga pananaw, at pagpapanatili ng cultural safety habang nakikipagtulungan kami sa pamahalaan upang magtatag ng mga pangunahing priyoridad sa pagsasaliksik. Ang pangunahing pokus ay ang pagkuha at pagsubaybay sa datos upang mabawasan ang mga pagkukulang na kaugnay sa racial equity na umiiral sa pampublikong serbisyo.”
