Ang Anti-Racism Data Act 

Noong May 2, 2022, ipinakilala namin ang Anti-Racism Data Act

Ang Act ay naging batas noong Hunyo 2, 2022

  • Pagtatanggal sa mga hadlang para ma-access ng mga tao ang aming mga serbisyo
  • Siguraduhing ang mga racialized na mga tao ay hindi disproportionately targeted 
  • Pagpapabuti sa mga serbisyo upang maramdaman ng mas maraming tao na sila ay ligtas sa pagkuha ng kailangan nilang tulong

Isang pagkakataon na gumawa ng mas mahusay 

Ang batas ay ipinaalam ayon sa mga kaisipan ng higit pa sa 13,000 na mga taga British Columbia sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga katutubong tao at racialized na mga pamayanan, pati na rin ang mga pangunahing stakeholder gaya ng BC Human Rights Commissioner, First Nations Leadership Council, ang BC Association of Aboriginal Friendship Centres at Metis Nation BC. 

Ito ay isa sa mga unang batas na nabuo kasama ang mga taong Indigenous sa ilalim ng Declaration on the Rights of Indigenous Peoples Act. 

Ang Lalawigan ay patuloy na magtatrabaho kasama ang mga taong Indigenous at mga racialized na pamayanan habang ipinapatupad ang batas na ito.

Ang Act ay naka pokus sa apat na pangunahing lugar: 

Patuloy na pakikipagtulungan sa mga taong Indigenous sa paraang kinikilala ang natatanging pagkakakilanlan ng First Nations at Métis na pamayanan sa BC. 

Dagdagan ang pagiging transparent at pananagutan habang pinipigilan at binabawasan ang pinsala sa mga tao sa Indigenous at racialized na pamayanan. 

Sabihan ang pamahalaan na maglabas ng datos taon-taon, at balik-aralin ang act paminsan-minsan 

Pagpapanatili ng Kaligtasan ng Iyong Datos

Sa ilalim ng Anti-Racism Data Act, sisiguraduhin ng pamahalaan na ano mang datos na nakulekta ay itatago ito ng maayos. Lahat ng privacy at mga proteksyon sa seguridad sa ilalim ng Freedom of Information and Protection of Privacy Act ay i-aaplay sa mga impormasyon na nakulekta o nagamit sa ilalim ng batas na ito. 

Upang masimulang makilala ang systemic racism sa paggamit ng datos ,gagamitin ng pamahalaan ang British Columbia’s Data Innovation Program at ang kilala sa buong mundong privacy at security model na tinatawag na Five Safes model para protektahan ang datos. 

Ang Five Safes model ay makakabawas sa panganib ng pag-access at hindi tamang paggamit ng datos sa pamamagitan ng: 

  • Pagtanggal ng mga impormasyong personally identifiable mula sa datos
  • Paggamit ng ligtas na teknolohiya upang pagsamahin ang mga datos 
  • Pagpahintulot lamang sa mga proyektong merong maliwanag na pampublikong benepisyo at wala itong pinsalang idudulot sa mga indibidwal o mga pamayanan 
  • Pagbibigay lamang ng access sa mga awtorisadong indibidwal 
  • Siguraduhing may karagdagang proteksyon para sa privacy sa mga output ng pananaliksik

Kilalanin ang Komite ng Anti-Racism Data

Noong Septyembre 23, 2022, inianunsyo ng Lalawigan ang 11 mga miyembro, kasama ang pinuno, ng Komite ng Anti-Racism Data.