June Francis LLB, PhD

Chair ng Komite, Co-founder ng Co-Laboratorio (CoLab Advantage Ltd.) at Director ng Institute for Black and African Diaspora Research and Engagement, Cofounder ng Black Caucus sa SFU at isang Professor sa Beedie School of Business ng SFU 


Si Francis ay isang advocate para sa equity (pagkamakatarungan), diversity at ingklusyon para sa mga racialized o mga grupong nakakaranas ng negatibong epekto ng panlahing diskriminasyon. Siya ang chair ng Hogan’s Alley Society, na ang misyon ay isulong ang panlipunan, pulitikal, ekonomiko at kultural na kapakanan ng mga indibidwal na may lahing African sa pamamagitan ng pagbibigay ng pabahay, built spaces at programming. Siya rin ang direktor ng Institute for the Black and African Diaspora Research and Engagement ng SFU, na ang mandato ay pagtibayin ang kaugnayan ng akademikong pananaliksik, polisiya at pagsasanay na kaugnay sa mga komunidad na multikultural at ng diaspora, at ng kanilang papel sa pagbuo ng mga inisyatibang may inobasyon, sustainable at ingklusibo. Ang kanyang pananaliksik ay naka pokus sa pagtatagpo o interseksyon ng racism at ng akademiya, ang merkado at marketing, diversity o pagkakaiba-iba, interculturality, pamumuno at mga participatory engagement approach at epekto nito sa komunidad, ang COVID-19 at mga grupong bulnerable at excluded, pati na rin ang pagsulong ng hindi tradisyonal na intellectual property law, kasama na ang tradisyonal na kaalaman kaugnay sa well-being o pangkalahatang kalusugan ng komunidad, at kultural at karapatang pantao.

Shirley Chau, BSW, MSW, PhD (UofT)

Associate professor, school of social work, UBC Okanagan


Si Chau ay nakatira at nagtatrabaho bilang isang settler sa mga minana (ancestral), tradisyonal at kasalukuyang sinakop (occupied) na lupain ng mga mamamayang Syilx Okanagan, na siyang mga residente at tagapangalaga ng mga lupaing ito mula pa noong unang panahon. Naging co-chair si Chau ng President’s Task Force on Anti-Racism and Inclusive Excellence (2021-2022) ng University of British Columbia (UBC) at nakaraang chair at co-chair ng Race, Ethnicity and Cultural Issues Caucus ng Canadian Association of Social Work Education (CASWE-ACFTS).

Naninilbihan siya sa United Against Discrimination Coalition Committee sa Kelowna, kung saan ang pokus niya ay ang pagsubaybay at paghanap ng solusyon sa mga isyung may kaugnayan sa diskriminasyon at kapootan, at intersectional na diskriminasyon batay sa Indigeneity (pagkakakilanlan bilang katutubo), gender, sekswal na identidad, relihiyon, edad, identidad na kaugnay sa lahi at wika (racial-linguistic), etnisidad, at iba pang identidad at salik sa Thompson Okanagan region ng B.C.

Donald Corrigal

Mamamayang Métis at isang Environmental Public Health professional


Si Don ay may malawak at makabuluhang karanasan sa trabaho, kung saan ipinapakita ang kaniyang dedikasyon sa environmental public health, Indigenous cultural safety (paggiging angkop sa kulturang Indigenous) at kagalingang pang-atleta.

Mula sa pagtiyak ng mga kagawian sa environmental public health hanggang sa pagbuo ng curriculum sa cultural health and safety para sa mga propesyonal sa health-care, nakapokus si Don sa pagtataguyod ng isang ligtas at malusog na kapaligiran kung saan umuunlad ang mga komunidad. Kasalukuyang nakapokus si Don sa pagbuo ng mga patakaran, curriculum sa kultural na kalusugan, wellness, at kaligtasan ng Indigenous people para sa pakikitungo ng mga health-care professional sa mga komunidad ng Métis, First Nations at Inuit sa B.C. Nagtuturo rin si Don ng Indigenous cultural health, safety and wellness sa mga health-care professional.

Si Don ay dati ring isang high-performance na atleta ng martial arts na lumalahok sa mga nasyonal at internasyonal na patimpalak na kilala sa buong mundo. Siya ay isang internationally certified master instructor sa karate at mayroong designasyon bilang registered professional coach ng Coaching Association of Canada sa judo, soccer at Aboriginal sports. Si Don ay may nasyonal na sertipikasyon mula sa Judo Canada bilang isang self-defence instructor at nagtuturo ng situational awareness (pag-unawa sa sitwasyon) at personal na kaligtasan sa mga grupo sa komunidad na kinakatawan ang mga bulnerableng populasyon. Sa pamamagitan nito, naipapakita niya ang kaniyang komitment sa pagtataguyod ng kaligtasan at awareness sa pamamagitan ng martial arts.

Ang dedikasyon ni Don sa serbisyong pampubliko ay naipapakita ng kaniyang kasalukuyang paglahok bilang miyembro ng inaugural advisory committee sa ilalim ng probinsiyal na Anti-Racism Data Act, kung saan nakatulong siya sa paghulma ng mga patakaran upang malabanan ang sistemiko at istruktural na rasismo.

Marion Erickson

Research manager, Health Arts Research Centre


Si Marion Erickson ay isang babaeng Dakelh mula sa komunidad ng Nak’azdli at isa siyang miyembro ng Lhts’umusyoo (Beaver) Clan. Nagagalak siyang maglingkod bilang miyembro ng komite para sa Anti-Racism Data Committee. Siya ay isang PhD student na nag-aaral ng Health Sciences sa University of Northern British Columbia, kung saan nakapokus ang kaniyang pananaliksik sa pag-revitalize o muling pagbuhay sa paraan ng pangungumadrona (midwifery) ng mga Dakelh at pagsulong ng mga oportunidad sa pagkatuto na pinangungunahan ng Indigenous Peoples para sa mga health-care provider. Nagsisilbi rin si Marion bilang research manager sa Health Arts Research Centre at nagtuturo ng wikang Dakelh, kung saan sinusuportahan niya ang muling pagbuhay at ang pagpapasa ng kaalamang Dakelh sa susunod na henerasyon. Kasalukuyan siyang naninilbihan bilang miyembro mula sa publiko ng BC College of Oral Health Professionals.

Si Marion ay nagtapos ng Master of Education mula sa Thompson Rivers University, Bachelor of Public Administration and Community Development mula sa University of Northern British Columbia at Applied Business Technology Certificate mula sa College of New Caledonia.

Sa kaniyang trabaho at mga karanasan, binibigyang-diin ni Marion na ang kalusugan at well-being ng Indigenous peoples ay hindi maaaring ihiwalay sa kalusugan ng mga lupain. Kinikilala rin niya ang sining at pagkukuwento (storytelling) bilang mahahalagang kasanayang pang-ugnayan na nagpapatatag sa mga koneksiyon sa komunidad at sumusuporta sa kolektibong aksiyon upang tugunan ang mga hindi pagkakapantay-pantay sa kalusugan sa mga komunidad sa hilagang rehiyon ng province.

Daljit Gill-Badesha

CEO, Affiliation of Multicultural Societies and Service Agencies of BC


Mayroong higit na 30 taong karanasan bilang isang senior na lider sa sektor ng non-profit at pampublikong sektor, dinadala ni Gill-Badesha ang kaniyang pagkadalubhasa sa pamamahalang ehekutibo, pananaliksik, knowledge mobilization, at pagbuo ng patakaran para sa mga bata at tinedyer, matatanda, imigrante and refugee settlement, at mga portfolio para sa accessibility at ingklusyon. Bumuo siya ng mga award-winning na pangmalawakang inisyatiba at estratehiya para sa pangmatagalang community planning, at nagtulak ng mga pagbabago sa mga polisiya upang gawing mas accessible ang pagkolekta at pag-uulat ng mga datos sa loob ng lokal na pamahalaan at magdagdag ng mga hakbang para sa accountability sa datos na kaugnay sa rasismo at kapootan (hate). 

Jessica (t’łisala) Guss

Leader ng strategic initiatives in Indigenous Health para sa Health Quality BC


Si Jessica (t’łisala) Guss ang Lead ng Strategic Initiatives, Indigenous Health sa Health Quality BC, kung saan pinamumunuan niya ang pagpapatupad sa buong organisasyon ng BC Cultural Safety and Humility Standard. Nakapokus ang kaniyang trabaho at mga pagsisikap sa pagtataguyod ng anti-racism na nakatuon sa Indigenous peoples, pagpapatatag ng accountability sa mga sistema ng kalusugan at pagsuporta sa angkop sa kulturang pangangalaga (culturally safe care) para sa First Nations, Métis at Inuit Peoples.

Siya ay may halong lahi ng Haida, Xaxli’p, Xwisten at Squamish Nations, at halong dugo mula Europe. Ang kaniyang tradisyonal na pangalan ay t’łisala (nangangahulugang “nagbibigay-liwanag sa iba” sa wikang Kwak’wala), na siyang sumasalamin sa kaniyang mga pinapahalagahan sa kaniyang trabaho, pagtataguyod ng mga komunidad, pagbuo ng mga ugnayan at pagsulong ng equity o pagkamakatarungan.

Sa pamamagitan ng mahigit 20 taong karanasan sa administrasyon at pamamahala ng negosyo, at mahigit isang dekadang dedikasyon sa pagsulong ng kalusugan at wellness ng Indigenous peoples, dinadala ni Jessica ang kaniyang expertise sa pagbuo ng mga polisiya, pagpapatupad ng mga pamantayan, at data governance (pamamahala ng datos), na may matatag na komitment sa Indigenous data sovereignty (karapatan ng Indigenous Peoples na kontrolin ang datos tungkol sa kanila).

Kasalukuyang naninilbihan si Jessica para sa kaniyang ikalawang termino bilang miyembro ng Anti-Racism Data Committee, kung saan nagbibigay siya ng mga Indigenous na pananaw upang masuportahan ang ligtas at responsableng paggamit ng demograpikong datos para malutas ang sistemikong rasismo sa mga pampublikong serbisyo at isulong ang equity sa iba’t ibang bahagi ng pamahalaan. Kadalasan niyang ipinapahayag na ang trabaho at pagsisikap na ito ay “moving at the speed of trust” (pagkilos na hindi minamadali at ginagabayan ng pagtitiwala).

Noong 2025, kinilala si Jessica bilang isa sa BC’s Most Influential Women ng Drishti Magazine, at nitong 2026, siya ay naging nominado para sa YWCA Metro Vancouver Women of Distinction Award para sa kategorya ng Health & Wellness.

Ellen Kim

Equity and inclusion consultant


Si Kim ay isang equity and inclusion consultant na nakikipagtulungan sa iba’t ibang konteksto ng pamahalaan, mga korporasyon at labour upang isulong ang equity at hustisya. Ang kaniyang trabaho at mga pagsisikap ay nakatuon sa pagsuporta sa mga organisasyon upang matukoy at malutas ang mga sistemikong hadlang, at magkaroon ng kolaborasyon at pakikitungong mas makatao at batay sa mga ugnayan.

Kasama rin niyang pinamumunuan ang isang grassroots collective na nagsasagawa ng community-based na pananaliksik at organizing upang malutas ang anti-Asian racism. Sa pamamagitan ng mga datos mula sa komunidad, hinahamon nila ang mga laganap o dominanteng pananaw at nagsisikap upang lansagin ang sistemikong kawalan ng representasyon ng anti-Asian racism sa pambansang polisiya at pampublikong diskurso.

Zareen Naqvi

Director, Institutional Research and Planning, Simon Fraser University


Si Naqvi ay nagtapos ng PhD in economics sa Boston University at nagtrabaho bilang isang akademiko at international development professional sa World Bank. Pinamumunuan niya ang equity, diversity and inclusion data working group sa SFU at siya ay nanunungkulan bilang co-chair para sa data governance council at iba pang mga kaugnay na mga proyekto. Siya ay may maalab na pasyon tungkol sa pagpapahusay ng access sa data upang matiyak na angkop ang pangangatawan para sa mga bulnerableng grupo sa mga pampublikong serbisyo at mas mataas na edukasyon. 

Smith Oduro-Marfo

Lead author and researcher, Black in B.C. report


Si Oduro-Marfo ay may PhD sa political science mula sa University of Victoria. Ang kanyang pang-akademikong interes mula noong 2016 ay tungkol sa mga isyu ng privacy, proteksiyon ng data, mga sistema ng surveillance (pagmamasid) at identification (pagkakakilanlan). Siya ang pangunahing may-akda at mananaliksik para sa Black in B.C. report na pinondohan ng pamahalaan ng B.C. at inilabas noong Pebrero 2022. Kasama siya sa advisory committee for Ending Violence Association ng anti-racism and hate response program ng B.C. at miyembro din siya ng Greater Victoria Police Diversity Advisory Committee. 

Jacqueline Quinless

PhD, Adjunct Professor, Public Sociologist & Data Justice Advocate


Isang public sociologist at BIPOC researcher, si Jacqueline ay isang biracial na indibidwal na may lahing Indian (Secunderbhad/Hyderbhad) at Irish/British. Kasama ang kaniyang pamilya, siya ay nakatira sa mga tradisyonal at minanang (ancestral) teritoryo ng Lekwungen peoples, Wsanec at Esquimalt Nations sa Vancouver Island.

Bilang isang senior data advisor at gamit ang gender-based analysis (GBA+) at mga decolonizing framework nang mahigit 20 taon, lumahok siya sa mga community-based research partnership kasama ang mga komunidad ng Indigenous peoples, mga racialized na tao at mga indibidwal na gender expansive. Noong 2013, kinilala siya ng Canadian Sociological Association at Angus Reid Foundation, at pinarangalan siya ng Angus Reid Award para sa kaniyang community-based research na nagsulong ng kapakanan ng mga tao (human welfare) sa Canada. Siya ang may akda ng “Decolonizing Data: Unsettling Conversations About Social Research Methods” (2022), University of Toronto Press, at co-editor ng “The Data Revolution: Confronting Data Colonialism and Reclaiming Digital Sovereignty” (2026), University of Toronto Press.

Si Jacqueline ay nagtapos ng PhD sa Sociology sa University of Victoria, at ang kaniyang pag-aaral ay nagpokus sa kalusugan, di-pagkakapantay-pantay, anti-racism, intersectionality, decolonisasyon ng datos, applied statistics at gender. Nagtrabaho nang 10 taon si Jacqueline sa Gathering Strength Initiative ng Statistics Canada at malawak siyang nakapagturo ng data analysis sa mga Indigenous na komunidad sa iba’t ibang bahagi ng Canada at Inuit Nunangat. Natapos niya ang isang data fellowship noong isinagawa niya ang kaniyang postdoctoral work sa Council on Library and Information Resources (CLIR) sa Washington, DC, at sa University of Victoria kung saan nagpokus siya sa mga kasanayan sa loob at labas ng bansa para sa research data management, ethics at data curation. Siya ay isang adjunct professor sa Sociology sa University of Victoria at nasisiyahang magturo ng mga kurso para sa undergraduate at graduate sa University of Victoria at Camosun College sa Vancouver Island.