Pagtugon sa sistemikong rasismo sa B.C.
Ang Pamahalaan ng B.C. ay nagsasagawa ng aksiyon para matugunan ang sistemikong rasismo sa mga probinsiyal na programa at serbisyo. Isa itong mahalagang bahagi ng aming mga pagsisikap para ang province ay maging mas makatarungan, ingklusibo at malugod na tumatanggap sa lahat.

Tapos na ang panahon para masagutan ang BC Demographic Survey. Mahigit 200,000 katao ang sumagot nito. Maraming salamat sa lahat ng sumagot ng survey.
Ano na ang mangyayari ngayong tapos na ang survey?
Kasalukuyan kaming nagsisikap upang pagsamasamahin ang mga sagot sa survey kasama ang ibang impormasyon na mayroon kami upang matukoy ang mga pagkukulang sa aming mga serbisyo at para gawin itong mas accessible at ingklusibo para sa lahat sa B.C.
Susuportahan rin ng mga sagot sa survey ang ating mga priyoridad sa pananaliksik tungkol sa anti-racism, na inilabas noong Hunyo 1, 2023. Ang mga priyoridad na ito ay binuo kasama bilang partner ang Anti-Racism Data Committee at Indigenous Peoples upang maituon ang aming pagsisikap sa mga isyu na pinakamahalaga para sa mga mamamayan sa B.C.
Sa unang bahagi ng 2024, ibabahagi namin ang mga resulta ng survey at mga update kung paano namin ginagamit ang impormasyong ito upang masuportahan ang mga priyoridad sa pananaliksik.

Ano ang BC Demographic Survey?

Ang aming mga priyoridad sa pananaliksik

Pagpapanatili ng kaligtasan ng iyong datos
Anti-Racism Data Act
Narinig namin mula sa mga komunidad sa buong B.C. na dapat gawing priyoridad ang pagpapahusay ng mga serbisyo para sa mga mamamayan, lalo na sa larangan ng edukasyon, pagtatrabaho, at kalusugan.
Narinig namin mula sa maraming Indigenous (mga Katutubo) at racialized na mamamayan na sila ay napag-iiwanan dahil ang mga serbisyo ay idinisenyo nang hindi sila isinasaalang-alang. Binuo ang Anti-Racism Data Act upang matulungan kaming magsagawa ng pagsasaliksik na magpapakita ng mga puwang at pagkukulang sa aming mga serbisyo. Makakatulong ito sa aming gawing mas accessible at mas ingklusibo ang mga ito para sa lahat.

Mga estadistika, insights at mga ulat tungkol sa anti-racism

Paano binuo ang mga priyoridad sa pananaliksik para sa anti-racism

Paano isasagawa ang pananaliksik sa anti-racism?
Paano kami nakikipagtulungan sa Indigenous Peoples
