Racial Diversity sa BC Public Service
Update sa Pananaliksik, Mayo 30, 2024
Sa kasalukuyan, ang mga Indigenous at mga taong may iba’t ibang lahi ay kulang sa representasyon bilang empleyado sa loob ng BC Public Service.
Ang agwat na ito ay mas malaki pa para sa mga posisyon sa pamamahala
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang pagsulong ng racial equity (katarungang panlahi) sa BC Public Service. Upang gawin ito, sinisimulan namin ang pag-unawa sa kasalukuyang antas ng pagkakaiba-iba sa pamahalaan.
Ang pag-unawa sa diversity o pagkakaiba-iba ng lahi ng mga indibidwal sa pamahalaan ay itutulak tayo patungo sa aming layunin na magkaroon ng isang pampublikong serbisyo na sumasalamin sa angkin na pagkakaiba-iba ng populasyon ng province. Makakatulong ito sa amin upang maipatupad ang katarungang panlahi sa lahat ng aming gawain.
Mahalagang magkaroon ng diversity o pagkakaiba-iba ng mga lahi. Hinahangad namin na ang mga taong bumubuo ng aming mga serbisyo ay sumasalamin sa mga aktwal na karanasan at pananaw ng mga tao na kanilang pinagsisilbihan.
Ano ang aming natutunan at ano ang mga susunod na hakbang?
Ang isang pampublikong serbisyo na kumakatawan sa mga mamamayan sa B.C. ay makatutulong sa amin na makapagbigay ng mga serbisyong epektibo para sa lahat.
Ang unang yugto ng pananaliksik ay nakatuon sa:
- Representasyon ng mga lahi sa buong BC Public Service, kabilang ang kung anong mga tungkulin ang isinasagawa o ginagampanan ng mga Indigenous at mga racialized na mga empleyado.
- Mga trabaho para sa mga intern na lumahok sa Indigenous Youth Internship Program (IYIP)
Sa unang yugto, tiningnan namin kung paano kinakatawan ang iba’t ibang Indigenous at mga racialized na grupo sa buong BC Public Service. Natuklasan namin na maraming grupo ang kulang sa representasyon, lalo na para sa mga posisyon sa management (pamamahala) at executive (ehekutibo).
Pinapatunayan ng mga resultang ito ang mga matagal nang ipinapahayag ng mga Indigenous at racialized na empleyado.
Mahigit pa sa pag-unawa sa kahulugan ng representasyon ang kailangan upang makamit ang racial equity sa pampublikong serbisyo. Ang pananaliksik na ito ay isang simula. Nakikita na natin na ang sistemikong rasismo ay pumipigill sa mga talentadong indibidwal na lumahok at umangat sa BC Public Service. Kabilang sa aming mga susunod na hakbang ang:
- Pagpapatuloy ng pananaliksik upang maunawaan ang mga karanasan ng mga empleyado.
- Pagsusuri sa aming mga pamamaraan sa pagtanggap ng mga empleyado, kultura sa lugar ng trabaho, at paraan ng promosyon
- Pagpapabuti ng mga programa at patakaran upang alisin ang mga hadlang para sa mga Indigenous at mga racialized na mamamayan
Ang pananaliksik na ito ay sumusuporta rin sa aming komitment sa rekonsilyasyon at sumusunod sa ilang aksyon sa Declaration Act Action Plan kasama ang:
- Pagpapahusay sa pagtanggap bilang empleyado at pagpapanatili sa trabaho ng mga Indigenous Peoples sa buong sektor ng pampublikong serbisyo (Action 3.2)
- Pagsusuri at pagpapahusay sa Indigenous Youth Internship Program (Action 4.44)
Tungkol saan ang pananaliksik na ito?
Ang pananaliksik na ito ay nagpapakita ng kasalukuyang antas ng racial diversity sa pampublikong serbisyo
Dedikado kami sa paglutas ng diskriminasyon at sistemikong rasismo sa ating pamahalaan. Isang paraan upang magawa ito ay gawing mas sumasalamin sa populasyon na pinagsisilbihan nito ang BC Public Service.
Bakit mahalaga ito?
Ang ating pamahalaan ay isang kolonyal na institusyon. Ito ay binuo sa pamamagitan ng mga racist at diskriminatoryong paniniwala, patakaran, saloobin, at kilos. Ang pundasyong ito ay nananatiling hindi nagbabago at nagdudulot ng rasismo at diskriminasyong nangyayari sa kasalukuyan.
Ito ay nangangahulugan na ang henerasyon ng mga Indigenous at mga racialized na mamamayan ay patuloy na hindi naisasama o nagiging kabilang dahil sa sistemikong rasismo.
Anong mga datos ang aming ginamit?
- Mga demograpikong impormasyon mula sa mga survey sa mga empleyado (Work Environment Survey at New Job Survey)
- Impormasyon ng Empleyado tulad ng organisasyon at ginagampanang trabaho
Tuklasin ang mga resulta
Anong mga datos ang aming ginamit?
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa humigit-kumulang 30,600 katao na nagtrabaho sa Pamahalaan ng B.C. noong January 2022.
Kasama rin dito ang 406 na mga Indigenous intern na lumahok sa Indigenous Youth Internship Program mula nang ito ay simulan noong 2007.
Para sa pananaliksik na ito, ginamit namin ang:
- Mga demograpikong impormasyon na boluntaryong ibinigay mula sa mga survey sa mga empleyado (Work Environment Survey at New Job Survey)
- Impormasyon ng empleyado tulad ng organisasyon at ginagampanang trabaho
Sino ang nagsasagawa ng proyektong ito?
Ang BC Stats at ang BC Public Service Agency ay nagtutulungan sa pananaliksik na ito
Sa mga susunod na yugto, magtutuon kami sa racial equity at sismulan ang pagsusuri ng mga karanasan ng mga empleyado.
Naghahanap ng karagdagang impormasyon?
Noong Mayo 30, 2024, inilabas namin ang isang teknikal na ulat tungkol sa research project na ito. Basahin ang ulat na ito upang magkaroon ng karagdagagang impormasyon tungkol sa aming mga paraan at proseso para sa proyektong ito.