Jag Nagra, Pitt Meadows, B.C

Si Jag Nagra, isang queer Punjabi visual artist, ay iniaalay ang kanyang gawa para sa pagpapaunlad ng komunidad at pagtanggal ng dungis ng LGBTQ+ sa loob ng South Asian komunidad.


Ang kanyang sining ay may tapang na nagpaparangal sa mas madilim na kulay ng balat at South Asian na pananamit at motif, na kinakatawan ang kumpiyansa at tapang.

Siya ay isa sa mga tagapagtatag ng Punjabi Market Collective sa Vancouver, isang non-profit na nagtatrabaho upang muling buhayin ang makasaysayang Punjabi Market commercial district. Sa pamamagitan ng sining, natagpuan niya ang kanyang tinig at isang bagong pagpapahalaga sa kanyang kultura at pagkakakilanlan.

Bisitahin ang www.jagnagra.com upang makita ang iba pang mga gawa ni Jag.

Priscilla Yu, Vancouver, B.C

Si Priscilla Yu ay isang multi-disciplinary na alagad ng sining, ilustrador, at muralist na naninirahan at nagtatrabaho sa unceded na teritoryo ng xʷməθkwəy̓əm (Musqueam), Skwxwú 7mesh (Squamish), at Səl̓ ílwətaʔ/Selilwitulh (Tsleil-Waututh) Nations, na kilala rin bilang Vancouver, B.C.


Sa kanyang karakteristikong mga makulay na pagpipinta, ang kanyang sining ay hango sa mga malinaw na padron na makikita sa pang-araw-araw na buhay sa pamamagitan ng mga tela, disenyo, at arkitektura pati na rin sa mga pangkalahatang padron ng kalikasan sa malalaki at mikroskopikong antas.

Sa pamamagitan ng abstraktong mga punto ng perspektiba at isang heometriko na wika, nililikha niya ang mga mundong naninirahan sa isang kakaibang kaselanan.

Bisitahin ang www.priscillayu.com upang makita ang iba pang mga gawa ni Priscilla.

Sade Alexis, Vancouver, B.C.  

Si Sade Alexis ay isang babaeng Black na alagad ng sining, manunulat, at guro; at kumikilos sa mundo bilang inapo ng mga ninakaw na tao (mga inalipin na Afrikano at indentured na mga Indian), dinala sa ninakaw na lupa (Trinidad at Grenada), at ng mga naninirahan, na nakinabang mula sa dominasyon at kolonisasyon ng lupa (Turtle Island) at ng mga tao. Si Sade ay ipinanganak at lumaki sa tinatawag na “Vancouver” at nakilala ang lupa na minahal at inalagaan ng mga taong ʷməθkʷəy̓əm, Sḵwx̱wú7mesh, səlilwətaɬ.


Ang kasanayan sa sining ni Sade ay umiikot sa paggamit ng matitingkad na mga kulay, tropikal na flora at fauna, at masalimuot na mga disenyo bilang paraan ng pagdiriwang at pagpapataas ng mga karanasan ng Black.

Para kay Sade, ang paggawa ng sining ay dapat na maging abot-kaya para sa lahat ng tao at may matinding pagmamahal siya sa pagdadala ng sining sa mga komunidad ng Black at Indigenous na madalas ay hindi kasama sa mga espasyo ng sining.

Bisitahin ang www.sadealexis.com para makita ang iba pang mga gawa ni Sade.

Clayton Gauthier, Prince George, B.C

Si Clayton Gauthier ay may dugong Cree at Dakelh. Sa kanyang paglalakbay bilang isang alagad ng sining, marami siyang natutunan tungkol sa kanyang sarili at sa sining. Ang sining na kanyang nililikha ay umiikot sa mga aral ng lupa, hayop, tubig, at langit.


Natutunan ni Clayton ang maraming aral at biyaya mula sa mga Nakatatanda at Espiritu sa kanyang saloobin. Sa kabuuan ng paglalakbay niya sa sining, nakumpleto na niya ang maraming logo, mural, tambol, kaluskos, mga ukit, tatu, digital art, at siya rin ay isang nai-publish na may-akda.

Ang sining sa buhay na ito ay nagbibigay kay Clayton ng pakiramdam ng katahimikan na walang anumang makakapalit. “Ang sining ay salamin ng kaluluwa.”

Bisitahin ang www.facbook.com/claytongauthierartist para makita ang iba pang mga gawa ni Clayton

Patricia ‘PJ’ Gilhuly, Cranbrook, B.C

PJ Gilhuly ay ipinanganak sa mga magulang na Ktunaxa na naninirahan sa Cranbrook, B.C. Inampon ng mga magulang na Ingles/Irish, lumaki siya sa karamihan ng kanyang buhay sa Ontario. Pagkatapos ng mahigit na 30 taon na paglayo mula sa kanyang bayan, bumalik siya sa Cranbrook kasama ang kanyang mga anak at namuhay sa maliit na lungsod at nagsimula ng karera bilang isang self-taught na alagad ng sining


Si PJ ay kilala sa kanyang mga geo-still/acrylic na pagpipinta, kung saan niya inilalarawan ang mukha at katawan ng tao sa isang ekspresibo at kadalasang abstraktong estilo.

Karamihan sa kanyang mga unang dibuho at likha sa uling ay nagpapakita ng hugis tao sa mga eksena na nagpapahiwatig ng kalungkutan at pagdurusa. Ang kanyang ekspresibong gawa ay itinuturing na isa sa pinaka- kakaiba at kaakit-akit , at mahusay na kinakatawan bilang isang Ktunaxa na alagad ng sining.

Maaaring subaybayan si Patricia sa @pj.gilhuly sa Instagram

Marzieh Sadeghi, Vancouver, B.C

Si Marzieh Sadeghi, mula sa Iran, lumipat sa Vancouver, Canada upang mag-aral sa Emily Carr University of Art and Design.


Nakatapos ng Bachelor of Media Arts sa larangan ng 2D + Experimental Animation, ipinapakita niya ang kanyang kakayahan sa pagkukuwento sa pamamagitan ng kanyang mga makulay na ilustrasyon at animasyon, na nagbibigay-buhay sa kanyang malikhaing mundo.

Bisitahin ang www.marsinmotion.ca para makita ang iba pang mga gawa ni Marzieh.

Sandeep Johal, Vancouver, B.C

Si Sandeep Johal ay isang Canadian visual artist na gumagamit ng guhit/dibuho, collage, mga tela, at malalaking mural sa kanyang sining.


Sa pamamagitan ng kanyang Indo-folk na pambabaeng estetiko, hinaharap niya ang mga tema ng kalungkutan, desperasyon, at kawalan ng kagandahan kasama ang kanilang mga kasalungat: liwanag, pag-asa, at kagandahan. Karaniwan, ang kanyang sining ay nakatuon sa mga kuwento ng mga kababaihan, at bagaman binibigyang-diin niya ang paghihirap ng mga babae sa maraming anyo, ang mga ito ay sa huli’y mga kuwento ng paglaban at katatagan.

Si Sandeep ay may Diploma sa Fine Arts (may parangal) mula sa Langara College (2007) at may Degree sa Education mula sa University of British Columbia (2002).

Bisitahin ang www.sandeepjohal.com para makita ang iba pang mga gawa ni Sandeep.

Cheyenne Manning, Vancouver, B.C.

Si Cheyenne ay isang graphic designer, alagad ng sining , at improviser na nakabase sa Vancouver. Siya ay isang Trinidadian-Ojibway-White na dayuhan. Ang kanyang pag-aaral sa Visual Communications (BA, CapU) ay nagbigay sa kanya ng inspirasyon na pagsamahin ang sining at kultura sa makulay na paraan.


Ang pagkakaroon ng mga ugat sa Pacific Northwest ay nagbibigay ng inspirasyon sa kanya araw-araw. Mahal niya ang pagpapalitaw ng kwento ng isang tao o brand sa pamamagitan ng maingat at organikong mga ilustrasyon o matatapang na disenyo na may mayamang mga kulay.

Si Cheyenne ay nagtrabaho para sa mga kliyente tulad ng National Film Board ng Canada (NFB), ang BC Provincial Government, BC Women’s Health Foundation, at Arc’teryx. Pinahahalagahan niya ang iba’t ibang karanasan sa buhay. Sa mga mas mainit na buwan, maaari mo syang makita na nagba-bike-packing sa Squamish, nagro-road trip papunta sa States at nagka- camping. Sa mga mas malamig na buwan, gusto niyang matuto sa pagtahi at mag-ski.

Maaaring subaybayan si Chetenne sa @thecheyennekid sa Instagram

Odera Igbokwe, Vancouver, B.C.

Si Odera Igbokwe (Sila/Sila) ay isang ilustrador at pintor na matatagpuan sa unceded at tradisyunal na teritoryo ng Musqueam, Squamish, at Tsleil-Waututh First Nations.


Si Odera ay mahilig magsiyasat ng pagkukwento sa pamamagitan ng mitolohiya, mga reklamasyon, at mga transpormasyon. Ang kanilang gawain ay isang pagdiriwang ng kabuuan ng sarili, ang kapangyarihan ng pag-iisip, at pantasya bilang isang daanan patungo sa paghilom mula sa kolektibong at henerasyonal na mga trauma.

Si Odera ay ipinanganak sa mga magulang na Nigerian na nangibang-bayan sa Estados Unidos, at bilang resulta, ang kanilang gawain ay naglalayong alamin ang mahika ng Black Queer imagination at tumugon sa mga pagkawasak na nagaganap sa pamamagitan ng pangingibang-bayan at paglisan. Si Odera ay may BFA sa Illustration mula sa Rhode Island School of Design at nag-aral ng West African Dance Movement at Theatre Arts sa Brown University kasama ang New Works/World Traditions.

Bisitahin ang www.odera.net para makita ang iba pang mga gawa ni Odera.

Raven Tacuara (Collective), Northwest B.C.

Ang Raven-Tacuara collective ay binubuo nina Facundo Gastiazoro, Amanda Hugon, Stephanie Anderson, at Travis Hebert na lahat ay naninirahan sa Skeena-Bulkley Valley region ng British Columbia.


Ang mga ito ay nagdadala ng impluwensya mula sa tradisyunal at makabagong Katutubong estilo ng mga Coastal First Nations, kasama ang mga tema ng abstraksyon, ilustrasyon, kapaligiran, at kultura. Ang mga alagad ng sining na ito ay lumilikha ng mga gawa na nagbibigay-buhay sa pakiramdam na nabibilang o bahagi ng komunidad.

Ang proseso ng kanilang mga pagsasama ay ang ebolusyon ng mga ideya, bukas sa opinyon at re-interpretasyon ng bawat isa. Kapag hinaharap nila ang bawat bagong pader, sila ay nagkakaisa upang ilatag ang kulay at mga suson na nagdadala sa isang blangkong pader tungo sa isang bagong pahayag para sa kamalayan at kasiyahan. Ang prosesong ito ang batayan ng bawat proyekto na binubuhay ng kolektibong ito.

Bisitahin ang www.facebook.com/RavenTacuara para makita ang iba pang mga gawa ni Raven-Tacuara