Pagkilala sa mga Alagad ng Sining sa Anti-Racism Data Act
Ang Anti-Racism Data Committee ay nag-udyok sa amin na isama ang iba’t ibang komunidad sa B.C. sa gawain ng pamahalaan.
Sa pagbuo namin ng nilalaman ng inilabas namin noong Mayo 2024, pinag- isipan namin kung paano gawin ito.
Pagbibigay-diin sa mga alagad ng sining sa buong B.C.
Ang sining ay isang makapangyarihang kasangkapan upang matuto tayo tungkol sa lipunan at kultura sa paligid natin.
Sa buong B.C., ginagamit ng mga lumikha ang kanilang sining upang ipagdiwang ang kanilang kultura at itaas ang kanilang komunidad. Upang bigyang-pansin ang ilan sa mga gawaing ito, inanyayahan namin ang mga alagad ng sining na ibahagi ang kanilang gawa para sa proyektong ito.
Ang kanilang mga artistikong ekspresyon ay nakahabi sa bawat pahina ng aming Year 2 ulat. Ang mga gawang ito ay hahamon at mag-uudyok sa atin upang magbalik-tanaw sa ating sariling pag-unawa sa mundo sa paligid natin. Lubos kaming nagpapasalamat sa bawat isa sa kanila.