Tungkol sa team
Ang website na ito ay nilikha ng mga empleyado ng pampublikong serbisyo upang magbigay ng mga update sa tuloy-tuloy na pagsisikap ng pamahalaan ng B.C. sa pagtugon sa sistemikong rasismo at pagsusulong ng racial equity o katarungang panlahi.

Ang mga indibidwal na nagsisikap buuin ang website na ito ay mayroong iba’t ibang pinagmulan, antas ng edukasyon, at karanasan sa rasismo at iba pang uri ng diskriminasyon. Kabilang ang mga miyembro ng team na Indigenous, racialized at white, mga magulang ng mga racialized (may lahing minorya) na bata; mga imigrante o anak ng mga racialized immigrants at iba pang tumira sa mga lugar na iba ang kultura sa Canada at mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Marami sa mga miyembro ng team ay mga mananaliksik o analista at may karanasan sa pag-aaral ng datos at mga proyekto sa panlipunang pananaliksik sa komunidad. Ang iba naman ay may karanasan sa pagbuo ng ugnayan kasama ang Indigenous people, mula sa larangan ng komunikasyon, web design at iba pang mga inisyatibang naglalayong malabanan ang sistemikong rasismo. Natapos din ng mga miyembro ng team ang training upang higit pang maunawaan ang mga prinsipyo ng anti-racism, mga Indigenous o katutubong pananaw, at kung paano isagawa ang pananaliksik tungkol sa racial equity o katarungang panlahi sa ligtas na paraan.
Kaakibat ang lahat ng karanasang ito sa paglikha ng nilalaman ng site na ito at sa mas malawak na gawain sa Anti-Racism Data Act.
Alam namin na maaaring maapektuhan ng aming sariling karanasan ang paraan ng aming pagsulat, paglalarawan, at pagsusuri sa nilalaman. Kinikilala namin na ang gawaing ito ay isang patuloy na proseso ng pagkatuto. Kami ay dedikado sa tuloy-tuloy na pag-aaral at naglalayong isagawa ang aming tungkulin nang may bukas na kaisipan at kababaang-loob, upang mabigyang-galang at pagnilayan ang mga pananaw ng magkakaibang komunidad sa B.C.
Makipag-ugnayan sa Amin
Kung mayroon kang feedback tungkol sa nilalaman ng site na ito, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa data-act@gov.bc.ca

Pagkilala sa Teritoryo
Bilang isang team na nagtatrabaho sa iba’t ibang panig ng British Columbia, kinikilala naming isinasagawa ang mga tungkulin ito sa mga lupaing saklaw ng maraming First Nations. Naiintindihan namin ang mga responsibilidad na kaakibat ng pagtatrabaho sa mga lupaing ito at kami ay nakatuon sa patuloy na pag-aaral, pakikinig, at pagbuo ng ugnayan sa Indigenous Peoples. Pinagninilayan namin ang nakaraan, kasalukuyan, at kinabukasan ng mga Indigenous na komunidad at ang katatagan ng kanilang mga kultura, wika, at sistemang pamahalaan.