Taunang Pahayag
Upang matugunan ang sistemikong rasismo, kinakailangan nating makipagtrabaho sa mga Indigenous Peoples at racialized communities.
Kasama dito ang pagiging bukas tungkol sa trabaho na ginagawa namin at kung paano ito nagpapatuloy. Ito ay isang mahalagang bahagi ng Anti-Racism Data Act.
Sa ilalim ng Batas, ipinapamahagi namin ang mga update sa aming trabaho bawat taon.
Kasama dito ang:
- Mga kaalaman mula sa mga prayoridad ng aming pananaliksik ukol sa anti-racism
- Mga update sa pagpapatupad ng Anti-Racism Data Act
Paglabas ng mga estatistika 2024
Noong Mayo 30, 2024, inilabas namin ang isang ulat na bumabalangkas ng aming progreso sa pagtugon sa sistemikong rasismo. Naglalaman ito ng mga highlights sa aming trabaho sa pagitan ng Hunyo 2023 at Mayo 2024, kabilang ang:
- Mga update mula sa Anti-Racism Data Committee
- Mga detalye tungkol sa BC Demographic Survey
- Impormasyon tungkol sa aming trabaho sa mga prayoridad ng pananaliksik sa anti-racism
Mga updates sa mga prayoridad ng pananaliksik para sa 2024
Inilabas namin ang mga unang natuklasan mula sa aming mga prayoridad sa pananaliksik ukol sa anti-racism noong Mayo 30, 2024. Kasama dito ang impormasyon tungkol sa:
- Paano nakakaapekto ang karaniwang mga kondisyon sa kalusugan sa mga komunidad sa buong B.C.
- Mga pagtatalaga sa espesyal na edukasyon sa ating sistema ng K-12
- Representasyon sa BC Public Service
Paglabas ng mga estatistika ng 2023
Noong May 29, 2023, ipinahayag namin ang isang ulat tungkol sa aming trabaho sa ilalim ng Anti-Racism Data Act sa pagitan ng Hunyo 2022 at Mayo 2023.
Kasama dito:
- Ang konsultasyon at pakikipagtulungan sa mga Indigenous Peoples
- Ang paglikha ng Anti-Racism Data Committee at kung paano ito gumagana
- Paano namin binuo ang aming mga prayoridad sa pananaliksik
Naglabas din kami ng isang gabay na nagbibigay ng mga rekomendasyon para sa paggamit ng impormasyon sa lahi at etnisidad sa mga proyektong pananaliksik.