Kasalukuyang progreso ng Anti-Racism Data Committee
Kilalanin ang Anti-Racism Data Committee
Ang mga miyembro ng komite ay may iba’t ibang mga karanasan at kaalaman na kanilang dala sa kanilang tungkulin. Panoorin ang video na ito upang mas malaman pa ang tungkol sa Anti-Racism Data Committee. Noong May 30, 2024, inilabas ng komite ang kanilang sariling ulat tungkol sa kanilang trabaho at kung paano ito sumusuporta sa Anti-Racism Data Act.
Ang Anti-Racism Data Committee ay nakikipagtulungan sa pamahalaan sa maraming proyekto na makakatulong na malaman at matugunan ang sistemikong rasismo sa pampublikong sektor. Ginanap ang unang pagpupulong ng komite noong Oktubre 2022.
Sa kanilang unang anim na pulong, nakatuon ang komite sa paglikha ng isang kapaligiran na may respeto at angkop sa iba’t ibang kultura kung saan ang lahat ng miyembro ay pinahahalagahan at pinakikinggan.
Inirekomenda rin ng komite ang pitong priyoridad sa pananaliksik na nagpapakita ng mga pinakamakabuluhan para sa mga pangangailangan ng mga racialized na komunidad. Inilabas ang mga priyoridad na ito noong Mayo 29, 2023. Ito ang magiging gabay namin sa aming pananaliksik tungkol sa sistemikong rasismo sa loob ng susunod na dalawang taon.
Naiibang paraan sa pagsasagawa ng mga bagay-bagay
Narinig namin mula sa maraming Indigenous at mga racialized na mamamayan na sila ay napag-iiwanan dahil ang mga serbisyo ay idinisenyo nang hindi sila isinasaalang-alang.
Binuo ang komite upang makipagtulungan sa pamahalaan para malaman kung paano nating ligtas na magagamit ang mga personal na impormasyon upang malaman at mabuwag ang sistemikong rasismo sa aming mga programa at serbisyo. Upang masuportahan ang pagsisikap na ito, ang komite ay nagbigay din ng payo para sa BC Demographic Survey. Ang survey na ito ay makakatulong upang ang B.C. ay maging isang province na mas makatarungan.
Ang pagsasalubong ng karanasan at kadalubhasaan
Ang mga miyembro ng komite ay mula sa malawak na seksyon ng mga racialized na komunidad at mga heograpikong rehiyon ng B.C.
Dinadala ng mga miyembro ang kanilang iba’t ibang kadalubhasaan at mga karanasan sa pagsisikap na ito. Ang mayamang pananaw na ito ay nakakatulong sa pamahalaan upang matiyak na ang pagpapatupad ng Anti-Racism Data Act ay binigyang kaalaman ng mga racialized na komunidad, kasama ang mga First Nations, Inuit, at Métis.
Alam niyo ba?
Binuo ang Anti-Racism Data Committee bilang bahagi ng Anti-Racism Data Act.