Mga Ulat sa Pakikilahok
Noong 2021 hanggang 2022, isinagawa namin ang engagement sa buong province tungkol sa Anti-Racism Data Act. Mahigit 13,000 katao ang lumahok dito. Hinulma ng mga natutunan natin dito ang Anti-Racism Data Act na naging batas sa B.C. noong Hunyo 2022.

Noong 2023 hanggang 2024, mas marami pang saloobin at pananaw ang aming nakuha. Nakipagkolaborasyon rin kami kasama ang:
- Mga Indigenous partners
- Mga racialized na komunidad
- Mga residente ng B.C.
Naging kritikal ang inyong feedback para makabuo ng isang bago at mas malawak na lehislasyon laban sa rasismo.
Iniimbitahan namin kayong matuto pa tungkol sa mga engagement na ito.
Anti-Racism Data Act
Engagement Report ng BC Association of Aboriginal Friendship Centres
36 na kalahok ang kabuuang dami ng dumalo para sa dalawang sesyon. Kabilang dito ang mga miyembro ng Elders Council, Peer Review Committee at Provincial Aboriginal Youth Council.
Ulat ng mga Pakikilahok na Pinamunuan ng Komunidad
Halos 70 Indigenous at racialized na organisasyon sa komunidad ang nakatanggap ng mga grant o gawad mula sa Pamahalaan ng B.C. upang magsagawa ng mga anti-racism data engagement session kasama ang mga miyembro ng komunidad sa iba’t ibang panig ng province.
Engagement Report ng First Nations
Nakipag-ugnayan ang pamahalaan sa mga First Nations sa BC mula Disyembre 2021 hanggang Marso 2022. Layon ng engagement na mabigyan ng oportunidad ang mga kalahok mula sa mga First Nations sa BC upang makapagbahagi sila ng kanilang kaalaman ang makapagbigay ng opinyon para sa anti-racism data legislation.
Engagement Report ng Métis Nation BC
Kaisa ang Métis Nation British Columbia, nagsagawa kami ng mga konsultasyon kasama ang komunidad tungkol sa nalalapit na anti-racism data legislation bilang tugon sa panawagan na lutasin ang nakadirektang rasismo sa mga Indigenous people.
Ulat ng Online Engagement
Mula Setyembre 2021 hanggang Enero 2022, nagsagawa kami survey tungkol sa anti-racism data legislation. Nais naming malaman ang inyong karanasan sa pagbabahagi ng iyong datos ukol sa identidad at etnisidad ayon sa konteksto ng aming mga serbisyo.
Lehislasyon Laban sa Rasismo
Ulat ng First Nations Leadership Council
Pinagtitipon ng First Nations Leadership Council ang mga political executive ng BC Assembly of First Nations, First Nations Summit at Union of First Nations Indian Chiefs. Binabalangkas ng ulat na ito ang mga pangunahing interes at hangarin sa polisiya ng mga First Nations sa B.C. kaugnay sa lehislasyon laban sa rasismo.
Ulat ng Alliance of BC Modern Treaty Nations
Kabilang sa Alliance of BC Modern Treaty Nations ang walong First Nations na nagpapatupad ng Modern Treaties sa British Columbia. Ipinapahayag sa ehekutibong buod na ito ang mga kolektibong interes ng Modern Treaty Nations para sa bagong lehislasyon laban sa rasismo.
Ulat ng Métis Nation British Columbia
Ang Métis Nation British Columbia ay isang organisasyong kinakatawan ang 39 na Métis Chartered Communities sa B.C. Kasama sa ulat na ito ang feedback ng kanilang mga mamamayan tungkol sa lehislasyon laban sa rasismo.
Ulat ng mga Pakikilahok na Pinamunuan ng Komunidad
Iginawad namin ang mga grant sa halos 70 organisasyon sa komunidad mula sa iba’t ibang panig ng B.C. upang matulungan silang magsagawa ng mga engagement session kasama ang mga Indigenous at racialized na komunidad. Kasama sa mga paksa ng diskusyon ang sistemikong rasismo, mga healing program at pananagutan ng pamahalaan. Mahigit 5,000 katao ang lumahok sa mahigit 225 event mula Hulyo hanggang Setyembre 2023.
Ulat ng Online Public Questionnaire
Mula Hunyo hanggang Oktubre 2023, nagsagawa kami ng isang online questionnaire. Nais naming malaman kung paano dapat lutasin ang sistemikong rasismo sa B.C.