Ang Anti-Racism Data Act
Noong Mayo 2, 2022, ipinakilala namin ang Anti-Racism Data Act
Ang Act ay naging batas noong Hunyo 2, 2022
Tumutulong ito upang maingat naming makolekta at magamit ang mga impormasyon upang malabanan ang sistemikong rasismo. Makakatulong ito sa amin na makita ang mga pagkukulang at puwang sa aming mga programa at makapaghatid ng mas matatag na pampublikong serbisyo para sa lahat sa B.C.
Isang pagkakataong maging mas mahusay
Ang batas na ito ay binigyang-impormasyon ng mga saloobin mula sa mahigit 13,000 indibidwal sa B.C. sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga Indigenous Peoples at mga racialized na komunidad. Kasama rin dito ang mga partner tulad ng B.C. Human Rights Commissioner, First Nations Leadership Council, BC Association of Aboriginal Friendship Centres, at Métis Nation British Columbia.
Ito ay isa sa mga unang batas na binuo nang may pakikipagtulungan kasama ang Indigenous Peoples, na alinsunod sa Declaration on the Rights of Indigenous Peoples Act.
Patuloy kaming makikipagtulungan sa mga Indigenous Peoples at racialized na komunidad habang ipinatutupad namin ang batas na ito.
Ang batas ay nakapokus sa apat na pangunahing bahagi:
Patuloy na kolaborasyon kasama ang Indigenous Peoples sa paraang kinikilala ang natatanging pagkakakilanlan at identidad ng mga komunidad ng First Nations at Métis sa B.C.
Pakikipagtulungan kasama ang mga racialized na komunidad sa pagpapatupad ng batas. Kasama rito ang pagbuo ng isang provincial anti-racism data committee para makipagtulungan sa amin kung paano kokolektahin at gagamitin ang datos.
Pagpapatatag ng transparency (pagiging tapat) at accountability (pananagutan) habang pinipigilan at binabawasan ang pinsala sa mga Indigenous at racialized na komunidad
Pag-require sa pamahalaan na ilabas ang datos taon-taon, at pana-panahong suriin ang batas
Pagpapanatili ng Kaligtasan ng Iyong Datos
Noong Hunyo 2023, inilunsad namin ang BC Demographic Survey. Ang mga tugon sa survey ay sumusuporta sa aming pagsisikap na makilala at matugunan ang sistemikong rasismo sa ilalim ng Anti-Racism Data Act.
Sa ilalim ng batas na ito, tinitiyak namin na ang lahat ng impormasyon na kinokolekta ay ligtas na nakatago. Lahat ng mga proteksiyon hinggil sa privacy at seguridad sa ilalim ng Freedom of Information and Protection of Privacy Act ay ipapatupad sa mga impormasyong makokolekta o gagamitin sa ilalim ng batas na ito.
Upang masimulan ang pagtukoy sa sistemikong rasismo sa pamamagitan ng datos, gagamitin namin ang Data Innovation Program ng British Columbia at ang Five Safes model na kinikilala sa buong mundo para sa privacy at seguridad upang maprotektahan ang impormasyong ito.
Ang Five Safes model ay nakakabawas sa risk na ma-access o magamit nang hindi tama ang datos:
- Pag-alis ng mga impormasyon sa datos na nakakapagbigay ng personal na pagkakakilanlan
- Paggamit ng may seguridad na teknolohiya upang ligtas na pagsamahin ang mga datos
- Pagbigay lamang ng pahintulot sa mga proyektong mayroong malinaw na pakinabang o benepisyo para sa publiko at walang maidudulot na pinsala sa mga indibidwal o mga komunidad
- Pagbigay lamang ng access sa mga awtorisadong indibidwal
- Pagtiyak na mayroong karagdagang proteksiyon ng privacy sa mga resulta at ulat upang hindi makilala ang mga indibidwal.
Kilalanin ang Anti-Racism Data Committee
Noong Setyembre 23, 2022, ipinahayag namin ang 11 miyembro, kasama ang chair, ng Anti-Racism Data Committee.