Kilalanin ang Anti-Racism Data Committee
Noong Setyembre 23, 2022, inanunsyo ng Province ang 11 miyembro, kasama ang chair, ng Anti-Racism Data Committee.

Mga Miyembro ng Komite

June Francis LLB, PhD
Chair ng Komite, Co-founder ng Co-Laboratorio (CoLab Advantage Ltd.) at Director ng Institute for Black and African Diaspora Research and Engagement, Cofounder ng Black Caucus sa SFU at isang Professor sa Beedie School of Business ng SFU
Si Francis ay isang advocate para sa equity (pagkamakatarungan), diversity at ingklusyon para sa mga racialized o mga grupong nakakaranas ng negatibong epekto ng panlahing diskriminasyon. Siya ang chair ng Hogan’s Alley Society, na ang misyon ay isulong ang panlipunan, pulitikal, ekonomiko at kultural na kapakanan ng mga indibidwal na may lahing African sa pamamagitan ng pagbibigay ng pabahay, built spaces at programming. Siya rin ang direktor ng Institute for the Black and African Diaspora Research and Engagement ng SFU, na ang mandato ay pagtibayin ang kaugnayan ng akademikong pananaliksik, polisiya at pagsasanay na kaugnay sa mga komunidad na multikultural at ng diaspora, at ng kanilang papel sa pagbuo ng mga inisyatibang may inobasyon, sustainable at ingklusibo. Ang kanyang pananaliksik ay naka pokus sa pagtatagpo o interseksyon ng racism at ng akademiya, ang merkado at marketing, diversity o pagkakaiba-iba, interculturality, pamumuno at mga participatory engagement approach at epekto nito sa komunidad, ang COVID-19 at mga grupong bulnerable at excluded, pati na rin ang pagsulong ng hindi tradisyonal na intellectual property law, kasama na ang tradisyonal na kaalaman kaugnay sa well-being o pangkalahatang kalusugan ng komunidad, at kultural at karapatang pantao.

Shirley Chau, BSW, MSW, PhD (UofT)
Associate professor, school of social work, UBC Okanagan
Si Chau ay nakatira at nagtatrabaho bilang isang settler sa mga minana (ancestral), tradisyonal at kasalukuyang sinakop (occupied) na lupain ng mga mamamayang Syilx Okanagan, na siyang mga residente at tagapangalaga ng mga lupaing ito mula pa noong unang panahon. Naging co-chair si Chau ng President’s Task Force on Anti-Racism and Inclusive Excellence (2021-2022) ng University of British Columbia (UBC) at nakaraang chair at co-chair ng Race, Ethnicity and Cultural Issues Caucus ng Canadian Association of Social Work Education (CASWE-ACFTS).
Naninilbihan siya sa United Against Discrimination Coalition Committee sa Kelowna, kung saan ang pokus niya ay ang pagsubaybay at paghanap ng solusyon sa mga isyung may kaugnayan sa diskriminasyon at kapootan, at intersectional na diskriminasyon batay sa Indigeneity (pagkakakilanlan bilang katutubo), gender, sekswal na identidad, relihiyon, edad, identidad na kaugnay sa lahi at wika (racial-linguistic), etnisidad, at iba pang identidad at salik sa Thompson Okanagan region ng B.C.

Donald Corrigal
Mamamayang Métis at isang Environmental Public Health professional
Si Don ay may malawak at makabuluhang karanasan sa trabaho, kung saan ipinapakita ang kaniyang dedikasyon sa environmental public health, Indigenous cultural safety (paggiging angkop sa kulturang Indigenous) at kagalingang pang-atleta.
Mula sa pagtiyak ng mga kagawian sa environmental public health hanggang sa pagbuo ng curriculum sa cultural health and safety para sa mga propesyonal sa health-care, nakapokus si Don sa pagtataguyod ng isang ligtas at malusog na kapaligiran kung saan umuunlad ang mga komunidad. Kasalukuyang nakapokus si Don sa pagbuo ng mga patakaran, curriculum sa kultural na kalusugan, wellness, at kaligtasan ng Indigenous people para sa pakikitungo ng mga health-care professional sa mga komunidad ng Métis, First Nations at Inuit sa B.C. Nagtuturo rin si Don ng Indigenous cultural health, safety and wellness sa mga health-care professional.
Si Don ay dati ring isang high-performance na atleta ng martial arts na lumalahok sa mga nasyonal at internasyonal na patimpalak na kilala sa buong mundo. Siya ay isang internationally certified master instructor sa karate at mayroong designasyon bilang registered professional coach ng Coaching Association of Canada sa judo, soccer at Aboriginal sports. Si Don ay may nasyonal na sertipikasyon mula sa Judo Canada bilang isang self-defence instructor at nagtuturo ng situational awareness (pag-unawa sa sitwasyon) at personal na kaligtasan sa mga grupo sa komunidad na kinakatawan ang mga bulnerableng populasyon. Sa pamamagitan nito, naipapakita niya ang kaniyang komitment sa pagtataguyod ng kaligtasan at awareness sa pamamagitan ng martial arts.
Ang dedikasyon ni Don sa serbisyong pampubliko ay naipapakita ng kaniyang kasalukuyang paglahok bilang miyembro ng inaugural advisory committee sa ilalim ng probinsiyal na Anti-Racism Data Act, kung saan nakatulong siya sa paghulma ng mga patakaran upang malabanan ang sistemiko at istruktural na rasismo.

Marion Erickson
Research manager, Health Arts Research Centre
Si Erickson ay isang babaeng Dakelh mula sa komunidad ng Nak’azdli at isa siyang miyembro ng Lhts’umusyoo (Beaver) Clan. Si Erickson ay isang candidate ng master of education sa Thompson Rivers University at nagtapos ng bachelor of public administration and community development sa University of Northern BC. Si Erickson ay kasalukuyang nanunungkulan sa B.C. Health Regulators Indigenous Student Advisory Group at nagsilbi sa komite ng trust development para sa Nak’azdli Band at City of Prince George Student Needs Committee.

Daljit Gill-Badesha
Executive Director, SACH at Instructor, SFU
Mayroong higit na 25 taong karanasan bilang isang senior na lider sa sektor ng non-profit at pampublikong sektor, dinadala ni Gill-Badesha ang kaniyang pagkadalubhasa sa pamamahalang ehekutibo, pananaliksik, knowledge mobilization, at pagbuo ng patakaran para sa mga bata at tinedyer, matatanda, imigrante and refugee settlement, at mga portfolio para sa accessibility at ingklusyon. Bumuo siya ng mga award-winning na pangmalawakang inisyatiba at estratehiya para sa pangmatagalang community planning, at nagtulak ng mga pagbabago sa mga polisiya upang gawing mas accessible ang pagkolekta at pag-uulat ng mga datos sa loob ng lokal na pamahalaan at magdagdag ng mga hakbang para sa accountability sa datos na kaugnay sa rasismo at kapootan (hate).

Jessica (t’łisala) Guss
Pinuno ng mga estratehikong hakbangin sa Indigenous Health for Health Quality BC
Si Guss ay mayroong higit 20 taon na karanasan sa business administration and management, na nakapokus sa kalusugan at kagalingan ng mga Indigenous sa nakaraang 10 taon. Siya ay tubo ng magkahalong ninuno, kasama dito ang Haida, Xaxli’p, Xwisten at Squamish Nations, ganon din ang magkahalong angkang European. Ang mga trabaho ni Guss ay nakapagpahusay sa kanyang mga kakayahan sa patakaran, mga pamantayan, pagbuo ng proseso, at analisis, partikular sa pagsulong ng mga ispesipikong mga istratehiya at layunin na anti-racism. Ang kanyang tradisyonal na pangalan ay t’łisala (Kwak\’wala, na ang ibig sabihin ay ‘magdala ng liwanang sa iba’ ). Nangingibabaw siya sa pagsusuri ng kaligtasang kultural na inisyatiba at pagtutugma ng dokumentasyon ng datos ng mga panukalang panlalawigan, at may malakas na pagnanasa para sa soberanya ng datos.

Ellen Kim
Equity and inclusion consultant
Si Kim ay isang settler na lahing Korean na naninirahan sa mga hindi isinuko (unceded) at tradisyonal na teritoryo ng mga mamamayang xʷməθkʷəy̓əm, Sḵwx̱wú7mesh at səlilwətaɬ. Siya ay isang equity and inclusion consultant at nakatrabaho ang mga pamahalaan, negosyo, unibersidad at mga non-profit na organisasyon na may pokus sa katarungan at hustisyang panlahi. Bago ito, siya ay isang frontline community worker nang sampung taon kung saan nagtrabaho kasama ang mga indibidwal na nagiging marginalized (naitutulak sa laylayan ng lipunan) dahil sa kawalang katiyakan ng tirahan at homelessness, kahirapan, kolonyalisasyon at digmaan.
Kasama si Kim sa mga namumuno ng isang grassroots collective na kumokolekta, nagsusuri, sumusubaybay at nagbabahagi ng datos na mula sa komunidad tungkol sa anti-Asian racism at mga epekto nito. Tinatala nito ang pagtaas ng mga pangyayaring ito sa buong bansa at nagsikap upang baguhin ang nasyonal na diskurso tungkol sa invisibility at pagtanggi ng anti-Asian racism.

Zareen Naqvi
Director, Institutional Research and Planning, Simon Fraser University
Si Naqvi ay nagtapos ng PhD in economics sa Boston University at nagtrabaho bilang isang akademiko at international development professional sa World Bank. Pinamumunuan niya ang equity, diversity and inclusion data working group sa SFU at siya ay nanunungkulan bilang co-chair para sa data governance council at iba pang mga kaugnay na mga proyekto. Siya ay may maalab na pasyon tungkol sa pagpapahusay ng access sa data upang matiyak na angkop ang pangangatawan para sa mga bulnerableng grupo sa mga pampublikong serbisyo at mas mataas na edukasyon.

Smith Oduro-Marfo
Lead author and researcher, Black in B.C. report
Si Oduro-Marfo ay may PhD sa political science mula sa University of Victoria. Ang kanyang pang-akademikong interes mula noong 2016 ay tungkol sa mga isyu ng privacy, proteksiyon ng data, mga sistema ng surveillance (pagmamasid) at identification (pagkakakilanlan). Siya ang pangunahing may-akda at mananaliksik para sa Black in B.C. report na pinondohan ng pamahalaan ng B.C. at inilabas noong Pebrero 2022. Kasama siya sa advisory committee for Ending Violence Association ng anti-racism and hate response program ng B.C. at miyembro din siya ng Greater Victoria Police Diversity Advisory Committee.

Jacqueline Quinless
PhD, Data Justice Advocate, Quintessential Research Group
Isang pampublikong sociologist at mananaliksik ng BIPOC, si Jacqueline ay isang biracial na tao na may Indian etnicity (Secunderbhad/Hyderbhad) at Irish/British na ninuno na namumuhay sa tradisyonal at teritoryong ansestral ng mga taong ang wika ay Lekwungen, Wsanec at Esquimatt Nations sa Vancouver Islands kasama ang kanyang mga anak.
Si Jacqueline ay may PhD sa Sociology na nakapokus sa kalusugan, di pagkakapantay-pantay, anti-racism, intersectionality, decolonizing data, applied statistics at kasarian mula sa University of Victoria. Si Jacquiline ay nagtrabaho sa Statistics Canada ng 10 taon sa Gathering Strength Initiative at nagturo ng pag-analisa ng data ng malawakan sa mga Indigenous na komunidad sa buong Canada at Inuit Nunangat ng dalawang dekada.
Siya ay nagtrabaho ng malawakan sa Black, Indigenous and People of Colour na mga komunidad ng mahigit 20 taon gamit ang gender-based analysis (GBA+) na balangkas. Noong 2013, kinilala siya ng Canadian Sociological Association at ang Angus Reid Foundation para sa pananaliksik niya batay sa komunidad na nagsulong ng kapakanan ng mga Indigenous Peoples sa Canada.
Nakumpleto din ni Jacqueline ang data fellowship habang siya ay nagtatrabaho ng post doctoral sa Council on Library and Information Resources (CLIR) sa Washington, DC at sa University of Victoria kung saan nagpokus siya sa pananaliksik ng data management practices, ethics, at data curation. Isa rin siyang adjunct professor ng Sociology, at isang associate faculty sa Centre for Indigenous Research and Community Engagement (CIRCLE), sa University of Victoria. Masaya siyang nagtuturo ng kursong undergraduate at graduate sa University of Victoria at Camosun College sa Victoria Island.

Sukhi Sandhu
co-founder, Wake Up Surrey; master’s student, diversity, equity and inclusion, Tufts University
Si Sandhu ay isang aktibista sa komunidad, at isang masugid na advocate para sa Anti-Racism sa nakalipas na 25 taon. Siya ang nagtatag ng Equity Project at kasalukuyang kinontrata ng Sport Canada bilang isang panlabas na konsultant upang pangunahan ang Racial Equity at Anti-Racism Environmental Scan, kung saan maipapakita ang mga kasalukuyang pagkukulang at puwang, pagsasaliksik para sa mga pinakamahusay na pamamaraan, at pagbibigay ng rekomendasyon para sa implementasyon.
Natapos ni Sandhu ang kaniyang Masters in Diversity, Equity and Inclusion sa Tufts University sa Boston, kung saan tinutukan niya sa kaniyang graduate research ang Advancing Racial Equality (pagsulong ng pagkakapantay-pantay ng lahi) para sa Match Officiating sa English Football. Siya rin ay isa sa mga tagapagtatag ng Wake Up Surrey, isang grassroots na organisasyon sa komunidad na binuo noong 2018 bilang tugon sa pagtaas sa karahasan ng gang at mga pagbaril na may kinalaman sa kabataang South Asian. Binigyang-diin ng kaniyang grupo ang pangangailangan ng pagtanaw sa maraming mukha ng panlipunang problemang ito gamit ang isang racial equity lens, at nakilahok sa higit 150 pagpupulong kasama ang lahat ng antas ng pamahalaan, mga awtoridad sa pagpapatupad ng batas, mga stakeholder ng komunidad, mga guro, mga eksperto sa mental health, at pamilya ng mga biktima.
Noong 1997, si Sandhu rin ay naging chairperson ng Intercultural Inclusivity Task Force para sa City of Surrey at ang ulat ay tumanggap ng National Race Relations Award at naging template para sa maraming Parks and Recreation Departments para sa maayos na pakikipag-ugnayan at pakikilahok sa mga komunidad ng iba’t ibang etnisidad.
Maraming taon ang karanasan ni Sandhu sa global sports management kabilang ang pagtatrabaho sa FIFA World Cup, Olympic Games, at Commonwealth Games.