Mga Ulat sa Kanilang Mga Narinig 

Mula Septyembre 2021 hanggang Marso 2022, mahigit 13,000 na tao ang lumahok sa ugnayan upang suportahan ang Anti-Racism Data Act. Ang mga napag-alaman sa mga uganyang ito ay inilagay sa limang mga ulat. Tingnan ang mga napag-alaman ng groundbreaking na ugnayang ito sa limang mahahalagang ulat.

Ulat ng BC Association of Aboriginal Friendship Centres Engagement

Sa kabuoan may 36 na mga kalahok ang dumalo sa dalawang mga session, kasama ang mga miyembro ng Elders Council, Peer Review Committee at ang Provincial Aboriginal Youth Council. 

Ulat ng Community-led Engagement 

Halos 70 Indigenous at organisasyon ng mga racialized na pamayanan ang nabigyan ng gawad mula sa Pamahalaan ng BC upang mag-host ng anti-racism data na ugnayan sa buong lalawigan. 

Ulat ng First Nations Engagement 

Isinali ng Pamahalaan ang BC First Nations mula Disyembre 2021 hanggang Marso 2022. Ang intensyon ng pagsasali nila dito ay upang bigyan ng pagkakataon ang mga kalahok ng BC First Nations na maibahagi ang kanilang kaalaman at magbigay input sa batas ukol sa anti-racism data.

Ulat mula sa Métis Nation BC Engagement 

Métis Nation British Columbia (MNBC) , sa pakikipagpartner sa pamahalaan ng lalawigan ng BC, ay nagsagawa ng mga pang pamayanang konsultasyon sa ginagawang batas sa anti-racism data bilang tugon sa mga panawagan tungkol sa Indigenous-specific racism. 

Ulat sa Online Engagement 

Mula Septyembre 9, 2021 hanggang Enero 31, 2022 ang Pamahalaan ng British Columbia ay nagsagawa ng online survey para suportahan ang batas sa anti-racism data. Kinalap sa survey na ito ang mga sagot tungkol sa mga karanasan sa pagbibigay ng pagkakakilanlan at etnisidad na datos kapag gumagamit ng mga serbisyo ng pamahalaan.