
Kasaysayan ng Batas
Nagtatrabaho upang matugunan ang racism sa BC
Ang kasaysayan ng British Columbia, pagkakakilanlan, at lakas nito ay nakaugat sa magkakaibang populasyon. Ngunit ang mga racialized at mga marginalized na mga tao ay humaharap sa mga makasaysayan at kasalukuyang mga balakid na nakakapigil sa kanilang buong partisipasyon sa kanilang mga pamayanan, trabaho, pamahalaan, at kanilang buhay.
Bawat ministeryo ay may papel sa pagharap sa panlahing diskriminasyon at meron kaming mga proyekto sa gobyerno na naghahanap ng katugunan sa kapootang panlahi.

Anti-Racism Data Act
Nagtatrabaho kaming mabuti upang gawin ang B.C. na mas pantay-pantay, mas mapagpabilang, at mas mapagtanggap para sa lahat. Isa sa mga paraan para masuportahan ang trabahong ito ay ang Anti-Racism Data Act, na siyang magpapakilala at tutugon sa sistematikong kapootang panlahi at iba pang mga hindi pagkakapantay-pantay sa aming mga serbisyo.
Ang lehislasyon na ito, na naisabatas noong Hunyo 2, 2022, ay magiging isang mahalagang kasangkapan na magbibigay sa pamahalaan ng BC at Indigenous Peoples at mga racialized na pamayanan ng mas magandang impormasyon upang maisulong ang aksyon at pagbabago.
Bakit Kailangan ng Batas?
Alam naming merong sistematikong kapootang panlahi kahit saan, kabilang na din sa aming mga patakaran at mga programa, at ito ay dapat mabago. Ang mga datos kaugnay sa lahi, etnisidad, pananampalataya, at iba pang mga kadahilanan ay makakatulong na ilantad kung saan at paano ang mga katutubo at mga racialized na pamayanan ay nakakaranas ng sistematikong kapootang panlahi sa aming mga serbisyo. Gayunpaman, walang consistency sa pagkolekta at paggamit sa mga impormasyon na ito sa kasalukuyan.
Pakikinig sa Mga Pamayanan
Ang mga Indigenous Peoples at racialized na pamayanan ay matagal nang humihiling sa pamahalaan na pagandahin ang pagkolekta, paggamit, at access sa mga datos base sa lahi.
Ang mga pamayanang ito ay nagsabing gusto nila ng mas magandang mga datos upang maintindihan ang mga karanasan ng mga miyembro ng pamayanan ukol sa serbisyo publiko – tulad ng edukasyon, pangangalagang pangkalusugan , pabahay, at pagpupulis—upang ang systemic racism ay makilala at matugunan. Nasabi din nila na kinakailangan ang batas para masigurong makakolekta ng impormasyon, maitago at magamit ito sa ligtas na paraang kultural at hindi ito magiging dahilan ng pinsala sa mga pamayanang sinusubukan nitong tulungan.


Mga Puna Mula sa mga Kasama
Binigyan pansin din ang isyung ito ng Human Rights Commissioner sa kanyang ulat, Disaggregated Demographic Data Collection in British Columbia: The Grandmother Perspective, at binigyang diin ang kahalagahan ng pakikipagtrabaho sa mga pamayanan para masigurong kasama sila sa pangungulekta at paggamit ng kanilang mga personal na impormasyon upang maiwasan ang paglala ng umiiral na systemic na mga isyu.