Kilalanin ang Komite ng Anti-Racism Data 

Noong Septyembre 23, 2022, inianunsyo ng Lalawigan ang 11 mga miyembro, kasama ang pinuno, ng Komite ng Anti-Racism Data. 

Mga Miyembro ng Komite

June Francis LLB, PhD

Pinuno ng Komite, co-founder, Co-Laboratorio (CoLab Advantage Ltd.)  at Direktor ng Institute for Black and African Diaspora Research and Engagement, Cofounder ng the Black Caucus sa SFU at isang Associate Professor sa Beedie School of Business sa SFU 


Si Francis ay isang tagapagtaguyod para sa pagkakapantay-pantay, pagkakaiba-iba at pagsasama para sa mga grupong racialized. Siya ay pinuno ng Hogan’s Alley Society, kung saan ang misyon ay ang isulong ang panlipunan, pampulitika, pang ekonomiya, at pangkulturang kapakanan ng mga taong mula sa lahi ng mga African sa pamamagitan ng paghahatid ng pabahay, itinayong mga espasyo at programming. Siya rin ay director ng SFU’s Institute for the Black and African Diaspora Research and Engagement, kung saan ang mandato ay ang palakasin ang pagkakakonekta sa pagitan ng scholarly na pananaliksik, polisiya at gawi na may kinalaman sa mga pamayanang multicultural at diaspora, at ang kanilang papel sa pagtayo ng makabago, mapapanatili, at inclusive na mga inisyatibo. Ang kanyang pananaliksik ay naka pokus sa pagitan ng interseksyon ng racism, akademiya, merkado at marketing, pagkakaiba-iba, pagiging intercultural, pamumuno at participatory engagement approaches at epekto sa pamayanan, COVID-19 kasama ang mga mahina at di kasamang mga grupo at ganon din ang pagsulong ng hindi tradisyonal na batas ng intelektwal na ari-arian , kasama na ang tradisyunal na kaalaman kaugnay sa kapakanan ng pamayanan, at kultural at karapatang pantao.

Shirley Chau

Associate professor, school of social work, UBC Okanagan


Si Chau ay co-chair ng UBC President’s Task Force on Anti-Racism and Inclusive Excellence at dating pinuno at co-chair ng Race, Ethnicity and Cultural Issues Caucus of the Canadian Association of Social Work Education. Naninilbihan sya sa Organizing Against Racism and Hate committee sa Kelowna, kung saan ang pokus niya ay ang pagsubaybay at lutasin ang mga isyu kaugnay sa racism at intersectional discrimination ayon sa Indigeneity, kasarian, edad, wika, etnisidad, relihiyon, at kapansanan. 

Donald Corrigal

Cultural wellness manager, Métis Nation BC


Sa Métis Nation BC, si Corrigal ay responsable sa pagkikipag-ugnayan sa industriya ng pangkalusugan ukol sa iba’t- ibang mga isyu, kasali na dito ang implementasyon ng In Plain Sight na ulat, Missing and Murdered Indigenous Women and Girls na ulat, at ang Truth and Reconciliation Calls to Action na ulat. Siya ay nagtrabaho sa environmental public health mula pa noong 1976 at nagtrabaho sa iba’t-ibang mga komite sa BC Interior noong kasagsagan ng pandemyang COVID-19 tungkol sa mga isyu ng access at mga insidenteng discriminatory at racist sa mga klinika ng COVID. 

Marion Erickson

Research manager, Health Arts Research Centre


Si Erickson ay isang babaeng Dakelh mula sa pamayanan ng Nak’azdli at isang miyembro ng angkan ng Lhts’umusyoo (Beaver). Si Erickson ay isang kandidato para sa master of education sa Thompson Rivers University at natapos nya ang bachelor of public administration and community development mula sa University of Northern BC. Si Erickson ay kasalukuyang nagsisilbi sa BC Health Regulators Indigenous Student Advisory Group at nagsilbi sa komite ng trust development para sa Nak’azdli Band at City of Prince George Student Needs Committee. 

Daljit Gill-Badesha

Instructor, BC Institute of Technology, guest lecturer, SFU


Ng may higit 25 taon ng pagiging nakakataas na pamumuno sa non-profit at public sectors, si Gill-Badesha ay magdadala ng kadalubhasaan sa pamamahalang ehekutibo, pananaliksik, pagpapakilos ng kaalaman, at pagbuo ng patakaran para sa mga bata at kabataan, matatanda, immigrant and refugee settlement, at accessibility at inclusion na mga portfolio. Nakabuo sya ng award-winning, pangmalawakang mga inisyatibo at istratehiya para sa pangmatagalang pagpaplano ng pamayanan at nagbunga ng mga pagbabago sa mga polisiya upang ang pagkulekta at pag-ulat ng mga datos ay mas accessible sa lokal na pamahalaan at magbibigay ng mga hakbang – pananagutan sa datos na may kinalaman sa racism at poot. 

Jessica (t’łisala) Guss

Leader of strategic initiatives in Indigenous Health for the BC Patient Safety and Quality Council


Si Guss ay mayroong higit sa 20 taong karanasan sa business administration and management, pati rin 7 taon sa Indigenous health and wellness. Magkahalong Haida, Xaxli’p, Xwisten, at Squamish Nations ang kanyang mga ninuno at meron din syang halong European na ninuno. Ang karanasan nya sa trabaho ay nakapagpalakas sa mga abilidad nya sa pagbubuo ng polisiya, sukatan, at proseso at pag-analisa sa mga mga advanced na lugar na sang-ayon sa anti-racism na mga estratehiya at mga layunin. 

Ellen Kim

Equity and inclusion consultant


Mula sa Korea, si Kim ay nakapagtrabaho sa pamahalaan, negosyo at not-for-profit na mga organisasyon na naka pokus sa anti-racism. Siya ay co-lead sa isang samahan ng mga katutubong mga babaeng Asian na nangungulekta, nag-aanalisa, sumusubaybay at nagbabahagi ng mga datos sa anti-Asian racism na galing sa pamayanan at ang epekto nito. Bago dito, si Kim ay nagtrabaho ng 10 taon sa pagbibigay ng community development at frontline social service sa mga pamayanang nakakaranas ng kawalan ng katarungan.

Zareen Naqvi

Director, Institutional Research and Planning, Simon Fraser University


Si Naqvi ay nagtapos ng PhD in economics sa Boston University at nagtrabaho bilang isang academic at international development na propesyonal sa World Bank. Pinamumunuan nya ang grupo na nagtatrabaho sa mga datos ukol sa pagkakapantay-pantay, pagkakaiba-iba, at pagsasama sa SFU at sya rin ay co-chair sa data governance council at iba pang mga kaugnay na mga proyekto. Siya ay passionate pagdating sa pagpapabuti ng access ng mga datos para masigurong ang mga mahinang grupo ay may mahusay na kinakatawan sa serbisyong pampubliko at mataas na edukasyon. 

Smith Oduro-Marfo

Lead author and researcher, Black in B.C. report


Si Oduro-Marfo ay merong a PhD in political science mula sa University of Victoria. Ang kanyang lugar ng interes sa akademiko mula noong 2016 ay tungkol sa mga isyu ng privacy, pagpoprotekta sa mga datos, mga sistema sa pagmamatyag at pagkilala . Siya ang pangunahing may-akda at tagasaliksik para sa Black in B.C. na ulat na pinondohan ng pamahalaan ng BC at inilabas noong Pebrero 2022. Siya ay kasama sa tagapayong komite para sa programang Ending Violence Association of B.C.’s anti-racism and hate response at miyembro din siya ng Tagapayong Komite ng Greater Victoria Police Diversity . 

Jacqueline Quinless

CEO, Quintessential Research Group


Isa siyang sociologist, mananaliksik ng IBPOC at biracial na tao at merong Irish/British at Indian na etnisidad, si Quinless ay malawakang nagtrabaho sa mga pamayanang Indigenous ng mahigit 20 taon gamit ang balangkas na pag-aanalisa batay sa kasarian. Noong 2013, siya ay kinilala ng Canadian Sociological Association at Angus Reid Foundation para sa kanyang community-based research na nagsulong sa kapakanan ng tao para sa mga Indigenous na tao sa Canada. Nakapagtrabaho siya para sa First Nations na mga pamayanan sa kapasidad ng pananaliksik, pati na ang pagbabalangkas ng mga tagapagpahiwatig ng mga datos at mga kasangkapan sa pagsukat. 

Sukhi Sandhu

co-founder, Wake Up Surrey; master’s student, diversity, equity and inclusion, Tufts University


Si Sandhu ay isang aktibistang pampamayanan at isang founding member ng Wake Up Surrey, isang katutubong organisasyong pampamayanan na binuo noong 2018 bilang tugon sa dumaraming gang violence at sinsadyang pamamaril na kinasasangkutan ng mga South Asian na kabataan. Pinangunahan nya ang outreach ng grupo sa pamamagitan ng paglahok sa mahigit 150 na pagpupulong sa lahat ng antas ng pamahalaan, mga awtoridad sa pagpupulis, mga stakeholder sa pamayanan, mga tagapagturo, mga eksperto sa kalusugang pangkaisipan, at mga pamilya ng biktima. Maraming taon din ang karanasan ni Sandhu sa global sports management.