Pakikipag-sap sa mga pamayanan

Ugnayan Ukol sa Anti-Racism Data Act
Sa pagitan ng Abril 2021 at Marso 2022, ang mga tao at pamayanan ay inanyayahan na sumali sa talakayan ukol sa Anti-Racism Data Act sa pamamagitan ng tatlong ugnayan:
- Ugnayang Indigenous
- Ugnayang Pinangunahan ng Pamayanan
- Online public survey
Tungkol sa Proseso
Ang inisyal na puna mula sa pamunuang Indigenous at mga eksperto mula sa racialized na pamayanan, at ganon din sa ulat ng BC Human Rights Commissioner, Disaggregated Demographic Data Collection in British Columbia: The Grandmother Perspective, ay nagbigay diin sa pangangailangang isali ang mga pamayanan sa pagbuo ng batas upang masigurong ang kanilang mga pangangailangan ay makahulugang matugunan
Ang proseso ng ugnayang ito ang naglagay sa pamunuang Indigenous at mga organisasyon sa mga racialized na pamayanan sa unahan ng proseso, at ang mga miyembro ng pamayanan ay direktang nagsasabi ng kanilang mga alalahanin, pangangailangan at prayoridad ukol sa pagkolekta, paggamit at pagbubunyag ng mga datos sa mga organisasyong ito.
Gusto naming mas matuto ukol sa :
- Pananaw ukol sa Pagkakakilanlan : kung paano gustong ipakilala o katawanin ang kanilang mga sarili
- Pinamuhay na mga Karanasan : mga nakaraang karanasan ng mga tao sa pamamahagi ng personal na impormasyon sa mga ahensya ng pamahalaan. Ito ay makakatulong upang maintindihan ang mga antas ng kaginhawaan ng mga tao sa pamamahagi ng impormasyon sa ibat’t-ibang sitwasyon, tulad ng para sa pananaliksik o upang i-access ang mga serbisyo publiko gaya ng pangkalusugan, edukasyon, o hustisya upang ang pamahalaan ay makapagtatag ng mas magandang paraan ng pangungulekta.
- Mga pananaw sa paggamit ng impormasyon: paano gusto ng mga tao na gamitin ang kanilang impormasyon upang ang gobyerno ay magawang isulong ang pagkakapantay-pantay ng lahi.
Ang input na ito ay nakatulong sa pagkilala kung ano ang importante sa mga pamayanan at upang makatulong upang maging siguradong ang impormasyong statistical ay makulekta at magamit sa pinakaligtas at epektibong paraan sa pagharap ng systemic racism.
Mahigit sa 2,900 mga tao ang sumagot sa survey at halos 10,000 mga tao ang sumali sa mga ugnayanng pamayanan na ginawa ng mga organisasyon sa pamayanan na kumakatawan sa Indigenous, Black and people of colour (IBPOC)
Ang mga puna ay nailagay sa limang mga ulat ng uganayan.
Ugnayang Indigenous
Bilang isang mahalagang bagong batas na nakahandang ipakilala ng Pamahalaan ng BC pagkatapos ipasa ang Declaration on the Rights of Indigenous Peoples Act noong Nobyembre 2019, ang makahulugang pakikipag-ugnay sa mga Idigenous Peoples – ay dati na , at patuloy na – kritikal.
Sa layuning ito, isang Indigenous engagement specialist (Quintessential Research Group), BC Association of Aboriginal Friendship Centres (BCAAFC), at Métis Nation British Columbia (MNBC) ay bawat isang tumatanggap ng pondo upang pamunuan ang mga direktang session sa mga First Nations at Métis communities.
Karagdagan pa rito, ang pamahalaang panlalawigan ay direktang nakipagtrabaho sa mga pamunuan ng mga organisasyong Indigenous – kabilang ang First Nations Leadership Council (FNLC), BCAAF at MNBC – upang masigurong ang batas na ito ay paninindigan ang mga karapatan ng Indigenous Peoples sa sariling pamamahala ng mga datos. Bilang bahagi ng trabahong ito, hinirang ng FNLC ang mga eksperto sa Indigenous Data Governance na makipagtrabaho sa pamahalaan habang binabalangkas ang batas.
Ang impormasyon ukol sa batas ay naiprisinta sa iba’t-ibang bahagi sa mga pinuno ng First Nations at mga pangkalahatang pagtitipon ng BC Assembly of First Nations, First Nations Summit ay Union of BC Indian Chiefs. Sa maagang bahagi ng 2022, ang First Nations ay inimbita para dumalo sa teknikal na pagtatagubilin upang mas marinig pa ang tungkol sa batas na ito at makapagbigay puna.


Ugnayang Pinamunuan ng Pamayanan
Base sa mga puna mula sa racialized na pamayanan, ang panlalawigang pamahalaan ay ginawang magagamit ang mga gawad sa mga karapat-dapat na pampamayang organisasyon at mga grupong nagnanais na mag-host ng sarili nilang mga ugnayan sa kanilang mga miyembro sa pamayanan .
Halos 70 mga organisasyon sa buong lalawigan ang nag-host ng mga ugnayan mula Nobyembre 2021 hanggang katapusan ng Enero 2022, nagsagawa ng 425 na mga pagpupulong – sa personal at virtual – at nakaabot ng humigit kumulang 10,000 tao.
Direktang pakikinig mula sa mga miyembro ng mga racialized na pamayanan tungkol sa kanilang mga personal na karanasan at mga alalahanin tungkol sa pangungulekta, paggamit, at pagsisiwalat ng kanilang impormasyon ay kritikal na bahagi upang masiguradong ang mga pangangailangan ng pamayanan ay naiintindihan at sumasalamin sa batas ng datos.
Online Na Pampublikong Ugnayan na Survey
Upang makarinig mula sa malawak na saklaw ng mga tao mula sa IBPOC na pamayanan sa buong lalawigan , ang pamahalaang panlalawigan ay naglunsad ng online survey. Ang survey ay ginawa mula Septyembre hanggang Enero 31, 2022 sa iba’t-ibang mga wika. Halos 3,000 mga tao ang sumagot sa survey. Ang survey ay dinisenyo upang maintindihan ang mga karanasan ng indibidwal sa paggamit ng mga serbisyong pampamahalaan at pagbibigay impormasyon ukol sa pagkakakilanlan at etnisidad.
