Mga report tungkol sa mga nalaman namin

Noong 2021 hanggang 2022 ay naglunsad kami ng talakayan sa buong province para sa Anti-Racism Data Act. Mahigit sa 13,000 tao ang lumahok. Ang natutunan namin ang siyang humugis sa Anti-Racism Data Act, na siyang naging batas sa B.C. noong Hunyo 2022. 

  • Indigenous partners
  • Racialized communities
  • B.C. residents

Ang inyong feedback ay naging mahalaga sa paggawa ng isang bago at mas malawak na batas laban sa rasismo.    

Iniimbita namin kayong makakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga talakayang ito.    


Ang Anti-Racism Data Act 

Ulat sa Engagement ng BC Association of Aboriginal Friendship Centres

Dinaluhan ng kabuuang 36 na kalahok sa dalawang session, kasama ang mga miyembro ng Elders Council, Peer Review Committee at Provincial Aboriginal Youth Council.

Ulat sa Community-led Engagement

Halos 70 organisasyon ng Indigenous Peoples at ng mga racialized na komunidad ang nabigyan ng mga grant mula sa Pamahalaan ng B.C. upang mag-host ng mga anti-racism data engagement session sa buong province.

Ulat ng First Nations Engagement 

Nakipag-ugnayan ang Pamahalaan sa BC First Nations mula Disyembre 2021 hanggang Marso 2022. Intensyon ng pakikipag-ugnayang ito na magbigay ng pagkakataon sa mga kalahok na miyembro ng BC First Nations na maibahagi ang kanilang kaalaman at magbigay ng input ukol sa anti-racism data legislation.

Ang Métis Nation British Columbia Engagement Report 

Nagsagawa kami kasama ng Métis Nation British Columbia ng community consultations tungkol sa parating na anti-racism data legislation bilang pagtugon sa mga panawagan para tugunan ang rasismong ispesipikong nakatutok sa mga Indigenous na tao. 

Online Engagement Report

Mula Setyembre 2021 hanggang Enero 2022 ay nagsagawa kami ng survey tungkol sa anti-racism data legislation. Ninais naming makakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa inyong karanasan sa pagbahagi ng datos tungkol sa identidad at etnisidad sa konteksto ng aming mga serbisyo. 


Batas Laban sa Rasismo 

First Nations Leadership Council Report

Ang First Nations Leadership Council ay pagpupulong ng mga politikal na ehekutibo ng BC Assembly of First Nations, First Nations Summit, at Union of First Nations Indian Chiefs. Binabalangkas ng report na ito ang mga minamahalaga at mga layunin sa patakaran ng First Nations sa B.C. hinggil sa batas laban sa rasismo. 

Alliance of BC Modern Treaty Nations Report

Kabilang sa Alliance of BC Modern Treaty Nations ang walong First Nations na nagsasagawa ng Modern Treaties sa British Columbia. Ang mga pinagsamang bagay na minamahalaga ng Modern Treaty Nations sa bagong batas laban sa rasismo ay inilalarawan sa ehekutibong buod na ito.   

Métis Nation British Columbia Report

Ang Métis Nation British Columbia ay isang organisasyon na kumakatawan sa 39 Métis Chartered Communities sa B.C. Ang feedback ng kanilang mga mamamayan tungkol sa batas laban sa rasismo ay kasama sa report na ito. 

Community-Led Engagement Report

Nagbigay kami ng mga grant sa halos 70 organisasyon sa komunidad sa buong B.C. para tulungan silang mamuno sa engagement sessions kasama ng Indigenous at racialized communities. Ang mga naging paksa ng talakayan ay ang sistemikong rasismo, programs, at government accountability (mananagot ang pamahalaan). Mahigit sa 5,000 tao ang lumahok sa mahigit sa 225 events sa pagitan ng Hulyo at Setyembre 2023. 

Online Public Questionnaire Report

Mula Hunyo hanggang Oktubre 2023 ay naglunsad kami ng isang questionnaire. Ninais naming makakuha sa inyo ng karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano sa palagay ninyo dapat naming tugunan ang sistemikong rasismo sa B.C.