Anti-Racism Legislation Community-Led Engagement Report

Ehekutibong Buod

People having a discussion at the office

Buod  

Noong 2022 ay gumawa ang Pamahalaan ng British Columbia (B.C.) ng malaking hakbang laban sa sistemikong rasismo sa pamamagitan ng pagsimula ng Anti-Racism Data Act (ARDA). Pinahintulutan nito ang pamahalaan ng province na mangolekta ng disaggregated race-based data para malaman kung ano ang mga hadlang para sa mga racialized na tao para ma-access ang mga programa at serbisyo ng pamahalaan. Batay dito, inilalaan na ngayon ng Province ang mas malawak na batas laban sa rasismo para kumilos laban sa mga natuklasan ng ARDA at ng ibang sources para tugunan at tanggalin ang sistemikong rasismo.  

Para masigurado na ang batas na ito ay mabisa at inklusibo, nagsagawa ang Province ng malawakang konsultasyon at proseso ng talakayan noong 2023. Kabilang dito ang isang public online questionnaire, targeted na konsultasyon, at pagdibelop kasama ng mga Indigenous partner at mga talakayan sa racialized communities na pinamunuan ng mga organisasyon sa komunidad sa buong B.C. Ipinakita ng co-creative approach na ito ang isang sadyang pagsisikap na magdibelop ng lehislasyon na kumikilala at aktibong nag-i-integrate ng iba’t-ibang mga perspektibo at mga karanasan para tugunan ang sistemikong rasismo. 

Sa pamamagitan ng pagkuha ng tulong mula sa mga organisasyon sa komunidad sa B.C., ipinakita nito ang kanilang mahalagang tungkulin sa pagtugon sa sistemikong rasismo at pagtaguyod sa multiculturalism at sa anti-racism.   Ang mga organisasyon na ito ay may grassroots connections at malalim na pag-unawa sa mga lokal na konteksto na nagpakita na sila’y kailangang-kailangan sa paglikha ng mga interbensyon na sensitibo sa kultura at sa pagtaguyod para sa pagbabagong patakaran. Sila’y naglalaan ng mga mahalagang platform para sa cultural healing, sinusuportahan nila ang mga paraang ginagamit para sa group-based healing, at nagtataguyod sila ng mga inisyatibo para sa awareness at inklusyon. Bukod pa rito, sila’y kritikal para masigurado na ang pamahalaan ay mananagot, magtataguyod sa talakayan ng komunidad, at para itaguyod ang balanseng pagtatag ng multiculturalism at anti-racism sa mga patakaran at mga inisyatibo ng pamahalaan. Ang kanilang mga pagsisikap ay hindi lamang nag-ambag sa pangunahing layunin na maghugis sa mabisang batas laban sa rasismo kung ‘di rin sa mas malawak na layuning magtatag ng mas inklusibo at mas pantay-pantay na lipunan sa B.C. 


Mga Pangkalahatang Tema 

Ang mga talakayang pinamumunuan ng komunidad ay nagpakita ng tatlong mahalagang tema. Ipinahiwatig ng mga temang ito ang mga lugar na dapat bigyang-diin sa iba’t-ibang mga sektor, kabilang na ang K-12 edukasyon, health care, pagpapatupad ng batas, at employment.  

Para labanan ang sistemikong rasismo, ang pinakamahalaga ay ang pangangailangan para sa komprehensibong educational frameworks, simula sa sistema ng K-12. Binigyang-diin ng mga kalahok ang kahalagahan ng pagturo ng kasayasayan ng rasismo sa Canada sa mga kabataan at ng pangangailangan para sa mga kampanya para bigyang kaalaman ang publiko nang magtaguyod ng empatiya at pag-unawa. Ang mga inisyatibong ito ay nakita bilang pundasyon sa paggawa ng mga ugnayan sa pagitan ng mga komunidad at pagtaguyod sa pagkabisa ng mga multicultural at anti-racist practices. Bukod pa rito, nagkaroon ng panawagan para sa mandatory anti-racism training at cultural competency workshops (mga workshop para sa pag-unawa ng iba’t-ibang mga kultura) para sa mga propesyonal sa public services, kabilang na ang mga guro, health care workers, at mga opisyal sa pagpapatupad ng batas. 

Binigyang-diin din ng mga talakayan ang pangangailangan para sa mga mekanismo sa pagkakaroon ng pananagutan, nang matugunan ang racial biases at diskriminasyon sa iba’t-ibang mga sektor, kabilang na ang edukasyon at sa lugar ng trabaho.  Ang pagtatag ng praktis ng pagkakaroon ng pananagutan ay nakita bilang mahalaga para sa pag-amin na may panganib na dinudulot ng rasismo at para maiwasan na mangyari ito sa ibang panahon. Kabilang dito ang pangangailangan ng pagkakaroon ng transparent reporting, independent na ebalwasyon at mga konsekwensiya para sa paglabag sa mga patakaran laban sa rasismo.  

Ipinakita ng proseso ng konsultasyon na bagamat ang multiculturalism at anti-racism ay mga magkakaibang konsepto, sila’y may kaugnayan at maaaring kapwa magpatibay. Ang multiculturalism ay ipinagdiwang para sa pagbibigay-diin nito sa diversity at cultural exchange pero may panganib ding ituring ito bilang simbolo, nang wala noong kritikal na pag-unawa sa anti-racism. Sa kabaligtaran, ang anti-racism ay nailalarawan sa kanyang proactive at sistemikong paraan sa pagtugon sa mga hadlang, pero kadalasang itinuring din ito bilang mapanukso at nauuwi sa komprontasyon. Itinuring ng mga kalahok ang pagsama ng mga paraang ito bilang mahalaga sa pagtatag ng isang inklusibo at pantay-pantay na lipunan; kinikilala ito bilang isang patuloy na pagsisikap at responsibilidad ng lahat.  

Binigyang-diin ng mga paksang ito ang pagiging komplikado ng sistemikong rasismo at ang pangangailangan para sa isang multifaceted na paraan. Ang pagbabago sa edukasyon, lalo na sa loob ng sistema ng K-12, ay nakita bilang pundasyon para sa pangmatagalang pagbabago. Ang mga sektor ng health care, pagpapatupad ng batas, at employment, ay binanggit din bilang mga area na nangangailngan ng malaking pagbabago para masigurado na may mga pantay-pantay na serbisyo at para matugunan ang sistemikong katangian ng rasismo. Sa gayon ay naghanda ang proseso ng talakayan ng entablado para sa isang komprehensibong istratehiya na nag-uugnay sa pagbabago sa edukasyon, mga mekanismo ng accountability, at pagsasama ng multiculturalism at anti-racism para mabisang labanan ang sistemikong rasismo. 

Mga Natatanging Paksa 

Habang isinasagawa ang talakayan, naging maliwanag na ang pag-unawa ng mga ispesipikong alalahanin ng mga diverse na komunidad ay mahalaga para sa pag-unawa ng iba’t-ibang katangian ng rasismo. Ipinapakita ng mga natatanging paksa sa ibaba ang katotohanan na ang nararanasang rasismo ng iba’t-ibang marginalized communities ay hindi pare-pareho at binibigyang-diin nito ang pangangailangan para sa isang umaakma at mga bihasang pagtugon. 

Binigyang-diin ng mga Aprikano at Black Canadians ang pangangailangan para sa naka-target na inisyatibo sa anti-racism na kumikilala sa natatanging katangian ng rasismo laban sa Black Canadians at ang interseksyon nito sa iba’t-ibang mga anyo ng diskriminasyon batay sa lahi. Kabilang sa mga pangunahing focus ang healing services na sensitibo sa kultural, mga reparasyon, at pagsama ng Black history at kultura sa buhay ng publiko. Nanawagan ang komunidad para sa tuwirang pagsali at pangangatawan ng pamahalaan sa paggawa ng desisyon, pagbigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaroon ng pamahalaan ng pananagutan, lalo na sa mga interaksyon ng pulis.  

Binigyang-diin ng Asian diaspora ang mga hadlang sa wika at ang dumaraming karahasan laban sa Asyano bilang mga pangunahing alalahanin. Sinabi nila na may pangangailangan para sa support services sa iba’t-ibang mga wika at mga inisyatibo para labanan ang diskriminasyon at para tanggalin ang mga stereotype. Ang sikolohikal na suporta na umaakma sa mga naging karanasan ng racialized na imigrante at na tumutugon sa takot at sa self-censorship ng mga bagong imigrante ay binanggit din bilang mga mahahalagang isyu.  

Para sa mga South at West Asian na komunidad, ang mga hadlang sa wika, pagkilala ng foreign credentials, at suporta sa iba’t-ibang henerasyon ang naituring na mahahalagang tema. Ang mga paghahamon ng model minority stereotypes at mga internal bias sa loob ng racialized communities ay tinalakay, at binibigyang-diin ang pangangailangan para sa mas malawak na edukasyon para itaguyod ang pag-unawa ng iba’t-ibang mga komunidad sa isa’t-isa at respeto sa isa’t-isa.  

Ang mga Indigenous na komunidad ay nagbigay-diin sa pagbigay ng lakas sa Indigenous Nations nang mapamunuan nila ang kanilang mga sariling sistema at masigurado nila ang accountability nang may mga tunay na konsekwensiya para sa rasismo sa mga sektor tulad ng health care at kriminal na hustisya. Ang kahalagahan ng health care na sensitibo sa kultura at ang mga tradisyonal na healing practice, at pati na rin ang mga reporma sa sistemang kriminal na hustisya ay lumabas din bilang mga pangunahing elemento.  

Ang mga kabataang nasa edad ng pagpasok sa paaralan sa British Columbia ay malakas na nagtaguyod para magkaroon ng isang K-12 curriculum na diretsong tumutugon sa rasismo at diskriminasyon; nanawagan din sila para sa specialized training sa cultural sensitivity at anti-racism para sa mga guro. Ang kahalagahan ng inklusibo at pangangatawan sa iba’t-ibang lahi sa loob ng sistema ng paaralan ay binigyang-diin, kasama na ang pangangailangan para sa cultural exchange programs at mga pantay-pantay na patakaran para sa mga batang imigrante.  

Ang mga estudyanteng nasa edad ng pagpasok sa unibersidad, lalo na ang international students, ay nagpahayag ng mga alalahanin tungkol sa racial biases sa akademiya, kabilang na ang diskriminasyon sa wika at takot na maaaring may maghiganti dahil sila’y nagreport ng mga insidente ng rasismo. Binigyang-diin nila ang pangangailangan para sa mas malawak na sistemikong suporta, kabilang na mga pantay-pantay na patakaran sa tuition at pinahusay na mekanismo para tugunan ang rasismo.  

Sa mga rural na lugar, ang transportasyon, mga paghahamon ng imprastruktura, ang tungkulin ng mga lokal na negosyo, at ang pagkakaroon ng mas nahahalatang rasismo ay mga malalaking isyu. Ang pagpapabuti ng transportasyon para sa publiko, ang access sa mga kinakailangang serbisyo, at ang edukasyon tungkol sa kasaysayan ng colonization ay binanggit bilang mga mahahalagang hakbang patungo sa pagkakaroon ng kapantayan at inclusion.  

Ang mga relihiyosong komunidad ay maraming hinarap na mga hadlang dahil sa lahi, etnisidad, at relihiyon. Binigyang-diin nila ang pangangailangan para sa mga inklusibong patakaran sa relihiyon, positibong pangangatawan ng media, at pag-navigate sa societal norms (mga pamantayan sa lipunan). Ang diskriminasyon laban sa nakikitang kasuotan para sa relihiyon at ang kawalan ng positibong pangangatawan sa iba’t-ibang mga relihiyon ay nakita rin bilang malalaking alalahanin.  

Malinaw na naipakitia ng mga iba’t-ibang uri ng karanasan na walang one-size-fits-all na paraan para tugunan ang rasismo. Ang mga natatanging karanasan sa rasismo ng bawat komunidad ay nananawagan ng mga ispesipiko at may-kaalamang aksyon na kumikilala at tumutugon sa mga iba’t-ibang uri ng diskriminasyon sa lahi.  Ang bihasang pag-unawa na ito ay mahalaga sa pagdibelop ng mga mabisang istratehiya at mga patakaran laban sa rasismo na talagang inklusibo at tumutugon sa mga pangangailangan ng Indigenous at ibang racialized communities sa British Columbia.  


Konklusyon 

Binigyang-diin ng proseso ng talakayan na pinamumunuan ng komunidad sa British Columbia ang kailangang-kailangang tungkulin ng mga organisasyon sa komunidad sa paghugis ng mabisang batas laban sa rasismo. Ang kanilang mga malalim na koneksyon at komprehensibong pag-unawa sa natatangi at mga unibersal na karanasan ng rasismo sa loob ng iba’t-ibang mga komunidad ay naglaan ng mga mahahalagang insight. Sa pamamagitan ng pagsama-sama ng mga perspektibong ito mula sa iba’t-ibang mga komunidad, nangangahulugan na kinikilala ng proseso ang multi-faceted na katangian ng sistemikong rasismo. Sinigurado rin nito na ang batas ay maaaring iakma para matugunan ang karaniwan at mga naiibang paghahamon na hinaharap ng iba’t-ibang mga grupo. Ang inklusibong paraan na ito na may pagtutulungan ay nagbigay ng halimbawa para sa paglikha ng isang batas na tumutugon sa pangangailangan, na kumakatawan sa mga pangangailangan ng mga diverse na komunidad para magtaguyod ng isang pantay-pantay at inklusibong province.