Anti-Racism Legislation Public Questionnaire Report
Ehekutibong Buod
Ang talakayan hinggil sa batas laban sa rasismo ay nakatatag sa Anti-Racism Data Act na kamakailan lamang dinibelop.
Layunin nitong makakuha ng impormasyon para sa mga pagsisikap ng pamahalaan sa province na tanggalin ang sistemikong rasismo at tugunan ang mga panganib na nararanasan ng mga Indigenous at racialized na mga tao sa British Columbia.
Ang isang resulta ng mga pagsisikap na ito ay ang mga batas laban sa rasismo at diskriminasyon sa province.
Kabilang sa talakayan ang public survey na ito at ang mga talakayang pinamunuan ng 68 organisasyon sa komunidad. Ang CultureAlly, ang kontratistang na-hire ng Ministry of Attorney General, ay nagbigay ng buod ng mga talakayan ng komunidad na ito sa isang hiwalay na report.
Ang report na ito ay buod ng mga natuklasan sa public survey na ginawang available online sa 15 wika; ito’y isinagawa mula Hunyo 5, 2023 hanggang Oktubre 3, 2023, at nangolekta ito ng 2,179 mga sagot sa kabuuan.
Walang tanong sa survey ang mandatory (kailangang sagutin) at ito’y binuo ng:
- 10 mga tanong sa iba’t-ibang mga paksa
- Maraming open-ended na mga tanong para mangolekta ng feedback sa mga sariling salita ng mga respondent
- 10 demograpikong katanungan kung saan maaari ring sumagot ng “Mas gustong hindi sumagot”
Batay sa mga resulta ng survey na ito, nadama ng publiko na dapat bigyang priyoridad ng pamahalaan ng province ang edukasyon at training laban sa rasismo para sa public servants nang malabanan ang sistemikong rasismo sa B.C. Katulad din nito, ang tatlong pangunahing nakasulat na iminumungkahing kilos ay ang pagtugon sa sistema at istruktura ng serbisyo sa publiko, pagpapahusay at pagpopondo ng mga suporta sa komunidad, at pagpapalawak ng edukasyon laban sa rasismo sa K-12. Ipinakita ng mga resulta ng survey na may paulit-ulit na tema ng denial ng sistemikong rasismo at racial trauma sa lahat ng mga demograpikong grupo. Ipinakita ng feedback na ito na may mga malinaw na racist na komento at hindi gaanong nahahalatang rasismo at victimhood. Sa halip na tugunan ang paksa ng denialism sa loob ng bawat tanong, nagsama ng buod ng analysis.
Ang 8-1-1|Healthlink BC o 7-1-1 at ang BC Human Rights Tribunal ay ang mga serbisyong available sa mga tao na pinaka-naaapektohan ng sistemikong rasismo. Nagbigay rin ang mga tumugon sa questionnaire ng listahan ng ibang community service providers, tulad ng Friendship Centres, First Nations Health Authority, at Resilience BC. Ang mga halimbawa ng ibang regional services na binanggit ay ang South Okanagan Immigrant and Community Services. Ang kaligtasan sa kultura, kabuluhan, pagiging kompidensyal, at user-friendliness ay ang pinakamahalagang features na inasaasahan ng mga sumagot sa survey kapag kumukuha sila ng support services.
Para sa mga sumagot sa questionnaire na nagsabing mayroon silang relihiyon, ang koordinasyon ng mga serbisyo ay ang naging pinakamahalaga.
Lampas lamang ng kalahati ng mga sumagot sa questionnaire ang nagsabing gusto nilang mag-access ng restorative justice programs para sa isang insidente ng rasismo. Ang kagustuhang mag-access ng mga ganitong serbisyo ay ang pinakamahalaga mula sa iba’t-ibang mga etnisidad, relihiyon, at kasarian.
Ang tatlong bagay na pinaka-minamahalaga nang binanggit ang salitang multiculturalism ay ang: respeto, diversity, at pagtanggap. Nang binanggit ang salitang anti-racism, ang mga bagay na pinaka-minahalaga ay ang edukasyon, respeto, at pagiging pantay-pantay. Ang respeto at inklusyon ay mga bagay na minahalaga sa mga salitang multiculturalism at anti-racism. Nang sinabihan ang mga sumagot sa questionnaire na bigyan ng ranggo ang anim na nilistang bagay na minahalaga, ang pagiging pantay-pantay at inklusyon ay ang may pinakamataas na ranggo.
Ipinahayag ng mga sumagot sa questionnaire na para mag-heal sa racial trauma, kinakailangan ang community building, sharing, at paglaan ng mga suporta para sa mga nakaranas nito, kasabay ng kamalayan at edukasyon. Laging binanggit ang temang denialism, ibig sabihin, hindi naniniwala na may racial trauma. Ang pagbigay ng mga suporta ay ang pangunahing priyoridad para sa Indigenous, Black and people of colour (IBPOC).
Bukod pa sa mga madalas na binabanggit na paksa ng denialism at rasismo, mayroon ding ibang mga temang binanggit sa buong survey, halimbawa:
- Edukasyon (lalo na sa K-12): ang pangangailangang simulan ang edukasyon laban sa rasismo mula sa simulang-simula hanggang sa pag-graduate
- Kamalayan: ang pangangailangang bigyang kahalagahan ang mga mensahe laban sa rasismo at laban sa diskriminasyon kapag nakikipagtalakayan sa publiko
- Intersectionality: ang kahalagahan ng pag-unawa kung paano nauugnay ang rasismo sa pribilehiyo at pagiging hindi pantay-pantay