Paano namin ginagamit ang BC Demographic Survey

Alam namin na mayroong sistemikong rasismo sa mga serbisyong pampamahalaan ngunit upang ayusin ito, kailangan naming malaman ng eksakto kung ano ang gumagana, ano ang hindi, at sino ang naapektuhan.

Saan dapat tumutok para sa mga pagpapabuti sa serbisyo

Bagamat kumokolekta ang pamahalaan ng ilang personal na impormasyon upang ipatupad ang mga programa, hindi kami nagtatanong ng mga tanong kaugnay ng pagkakakilanlan. Ibig sabihin, hindi namin alam nang eksakto kung sino ang nahaharap sa mga balakid at kung saan ito nangyayari.

Ang BC Demographic Survey ay ang unang hakbang upang mas mabuti naming maunawaan kung saan namin kailangang pabutihin ang mga serbisyo.

Ngayon, pinagsama na namin ang natutunan sa survey sa iba pang impormasyon na meron kami. Napagpapares namin nang ligtas ang mga sagot ng mga 97% sa umiiral na antas ng impormasyon ng serbisyo.

Ito ay tutulong sa amin na makilala ang mga kakulangan sa ating mga serbisyo.

Narinig namin mula sa mahigit sa 200,000 na tao!

Ang survey ay bukas sa lahat sa B.C. mula Hunyo hanggang Oktubre 2023. Upang maabot ang mas maraming tao , malawakang itinaguyod namin ang survey sa pamamagitan ng digital at pampapel na media. Bukod dito, nagpadala rin kami ng 1.3 milyong imbitasyon sa mga random na sambahayan sa buong lalawigan.

Higit sa 204,000 na tao ang sumagot sa BC Demographic Survey. Ang mga tugon ay nagmula sa buong B.C.

Pag-aralan ang mga resulta.


Pagtulong sa pag-asinta ng aming pananaliksik

Ang mga natutunan namin mula sa survey ay tutulong sa amin na makilala ang sistemikong rasismo sa aming mga serbisyo at palakasin ang mga ito para sa lahat sa B.C.

Binuo na namin ang mga tugon sa survey sa iba pang impormasyon ng programa na aming hawak, tulad ng mga tala sa kalusugan at edukasyon upang mas maunawaan ang mga puwang sa aming sistema. Ito ay sumusuporta sa aming trabaho sa mga prayoridad ng pananaliksik sa anti-racism.

Natapos na namin ang unang yugto ng pananaliksik. Nakatuon kami sa tatlong larangan ng interes na natukoy sa aming mga prayoridad sa pananaliksik:

  • Edukasyon
  • Kalusugan
  • Pagkakaiba-iba ng lahi sa Serbisyo Publiko ng BC

Nitong susunod na taon, magpapatuloy kami sa aming mga gawain batay sa aming mga natuklasan at magsisimula ng pananaliksik sa mga karagdagang prayoridad.

Pagpapanatiling Ligtas sa Inyong Personal na Impormasyon

Ang anumang impormasyon na aming kinokolekta at ginagamit sa ilalim ng Anti-Racism Data Act ay dapat na ligtas na nakaimbak. Ito ay maaaring gamitin lamang upang matukoy at solusyunan ang sistemkong rasismo. Lahat ng proteksyon sa privacy at seguridad sa ilalim ng Freedom of Information and Protection of Privacy Act ay naaangkop din sa impormasyong ito.

Ang mga tugon sa BC Demographic Survey ay idini-de-identify at iniimbak sa Data Innovation Program, ang aming ligtas na kapaligiran para sa analytics. Ginagamit ng programang ito ang kinikilala sa buong mundo na privacy at security Five Safes model upang protektahan ang impormasyong ito.

Ang Paglahok ng Komunidad ay Mahalaga

Tayo ay hindi makakagawa ng makabuluhang pagbabago maliban kung tayo ay magtulungan upang gawing mas maganda ang buhay para sa lahat sa British Columbia.

Ang aming paraan sa pagsasagawa ng survey ay nabuo batay sa mga narinig namin sa pakikipag-ugnayan sa Anti-Racism Data Act. Kami rin ay malapit na nakipagtrabaho sa mga katutubong katuwang at sa Anti-Racism Data Committee upang tiyakin na tama ang aming mga tanong.

Upang itaguyod ang survey, isinagawa namin ang higit sa 10 na mga kaganapan sa buong lalawigan. Kasama rito ang mga kaganapan sa pamayanan sa Prince George, Nelson, Kelowna, at Nanaimo. Inihayag din namin ang mga poster at iba pang mga nakalimbag na materyales sa mga organisasyon sa komunidad at mga pampublikong aklatan.

Nagbibigay kami ng mga grant sa 80 na mga organisasyong komunidad sa buong B.C. Ginamit ng mga organisasyon ang mga grant na ito upang itaguyod ang survey sa mga komunidad na kanilang sinusuportahan sa pamamagitan ng mga aktibidad tulad ng:

  • Mga Social media posts sa iba’t-ibang mga wika
  • Mga kaganapan sa komunidad upang magbigay impormasyon tungkol sa survey
  • Direktang suporta upang tulungan ang mga miyembro ng komunidad na makumpleto ang survey

Nais mo bang mas matuto?

  • Paano namin dinisenyo ang mga tanong
  • Paraan namin sa pag-abot sa iba’t-ibang mga grupong demograpiko at mga komunidad
  • Paano nagtugma ang mga tugon sa 2021 Census