Paano kami nakikipagtulungan sa Indigenous Peoples
Ang bawat bahagi ng Anti-Racism Data Act ay binuo kasama ang Indigenous Peoples at iba pang mga racialized na komunidad.
Habang isinusulong ito, patuloy bubuin ang bawat bahagi kasama ang Indigenous Peoples at iba pang mga racialized na komunidad.
Dedikado kaming makipagtulungan sa mga mamamayang First Nations, Metis at Inuit upang matugunan ang sistemikong rasismo sa mga programa at mga serbisyo.
Ang Anti-Racism Data Act ay nagbibigay-daan sa pagkolekta at paggamit ng mga personal na impormasyon upang makatulong sa pagtugon sa sistemikong rasismo at isulong ang katarungang panlahi.
Ang pagkikilala sa Indigenous data sovereignty (karapatan ng isang Indigenous na pamahalaan na kontrolin ang datos tungkol sa kanila) ay isang mahalagang bahagi ng patuloy na konsultasyon sa mga Indigenous governing entity (IGE) sa ilalim ng Anti-Racism Data Act. Ipagpapatuloy namin ang pakikipagtulungan kasama ang mga Indigenous na pamahalaan sa lahat ng mga inisyatiba sa datos na binuo sa ilalim ng Act, kasama na dito ang:
- Mga direktiba at mga pamantayan upang magabayan kung paano at ano ang mga datos na kokolektahin
- Mga priyoridad sa pananaliksik na tututukan ng aming pagsisikap sa mga pinakamahalagang isyu para sa mga mamamayang First Nations, Metis, at Inuit at iba pang mga racialized na komunidad.
- Ang paglathala ng mga estadistika ng pananaliksik o iba pang impormasyon upang malaman ng mga komunidad ang tungkol sa ano mang impormasyon na aming ilalathala.
Sinusuportahan ng Batas na ito ang mga patuloy na pagsisikap para sa rekonsilyasyon sa ilalim ng Declaration on the Rights of Indigenous Peoples Act.
Update ng Progreso – Hunyo 2025

Paglikha ng bagong data standard para sa Indigenous na identidad
Noong Spring 2023, iminungkahi ng Indigenous Peoples ang ilang priyoridad sa pananaliksik ukol sa anti-racism upang maituon ang aming mga pagsisikap na tugunan ang sistemikong rasismo sa mga programa ng pamahalaan. Kasabay nito, binigyang-diin ng mga Indigenous Peoples ang kahalagahan ng pagsasagawa ng pamamaraang batay sa mga iba-iba at natatanging katangian (distinctions-based approach) sa pagsasagawa ng pagsisikap na ito. Ibig sabihin na ang ating pananaliksik tungkol sa anti-racism ay dapat isagawa sa paraang kinikilala, iginagalang, at itinataguyod ang mga natatanging karapatan ng mga mamamayang First Nations, Métis, at Inuit.
Nang nagsimula ang 2024, nakikipagtulungan kami sa mga Indigenous partners upang bumuo ng isang bagong data standard (pamantayan para sa datos). Magiging gabay ito ng pamahalaan para sa pangangalap at paggamit ng impormasyon tungkol sa Indigenous na identidad.
Papalitan ng bagong pamantayan ang hindi na updated na Aboriginal Administrative Data Standard na ipinakilala noong 2007. Ang mga pagbabago sa pamantayan ay makakatulong upang:
- Bumuo ng isang batayang pamamaraan at makapagbigay ng hindi nagbabagong gabay sa mga ministry at ahensiya ng province tungkol sa pangangalap o pagkolekta ng datos kaugnay sa pagkakakilanlan ng Indigenous Peoples o mga katutubo
- Gamitin ang salitang “Indigenous” mula sa dating ginagamit na “Aboriginal”, maliban na lamang kung may partikular na kahulugang legal ang salita, tulad ng sa Konstitusyon
- Ipakilala ang pamamaraang batay sa iba-iba at natatanging katangian (distinctions-based approach) sa pangangalap ng datos na kumikilala sa mga natatanging pagkakakilanlan ng mga mamamayang First Nations, Métis, at Inuit.
Ang bagong pamantayan na ito ay makakatulong upang mabawasan ang nag-iiba-iba at nakakapinsalang pamamaraan ng pangangalap ng datos, pati na rin ang pagsuporta sa Indigenous data sovereignty (karapatan ng Indigenous Peoples na kontrolin ang datos tungkol sa kanila) at self-determination (karapatan ng Indigenous Peoples na malayang makapagtatag ng sariling paraan ng pamamahala).
Kinokonsulta namin ang Indigenous People at nakikipagtulungan kasama ang iba pang mga partner upang mabuo at mahubog ang bagong pamantayang ito. Inaasahan naming mailathala ang bagong pamantayan at ang mga kaugnay na gabay sa susunod na taon. Kasabay nito, kami ay nagsisikap sa iba’t ibang panig at larangan sa pamahalaan upang masuportahan ang implementasyon nito. Ang patnubay na ito ay magbibigay-tuon sa mga paraan ng pangangalap, paggamit, at pagsisiwalat (disclosure) ng demograpikong impormasyon sa mga paraang naaangkop sa kultura (culturally safe) at nakapipigil ng pinsala.
Ang gabay ay magtutuon sa kung paano mangalap, gumamit, at magbunyag ng impormasyon ng demograpiko sa mga paraang ligtas para sa kultura at nakapipigil ng pinsala.
Ano ang data standard?
Ang mga data standard o pamantayan sa datos ay tumutulong upang matiyak na hindi pabago-bago ang paraan ng pangangalap ng datos ng pamahalaan.
Ang mga pamantayan na nilikha sa ilalim ng Anti-Racism Data Act ay magsisilbing gabay kung anong personal na impormasyon ang maaaring kolektahin upang matukoy at mapuksa ang sistemikong rasismo at maisulong ang racial equity o katarungang panlahi.
Pagsusuporta sa Indigenous data sovereignty at self-determination
Sa ilalim ng Action 3.14 ng Declaration Act Action Plan, kami ay nakatuon sa pagpapahusay at pagsulong ng pangangalap at paggamit ng disaggregated (pinaghiwa-hiwalay) na demograpikong datos, na ginagabayan ng pamamaraang batay sa iba-iba at natatanging katangian (distinctions-based approach) upang maitaguyod ang Indigenous data sovereignty (karapatan ng Indigenous Peoples na kontrolin ang datos tungkol sa kanila) at self-determination (karapatan ng Indigenous Peoples na malayang makapagtatag ng sariling paraan ng pamamahala). Kabilang dito ang pagsuporta sa pagtatatag ng First Nations Leadership Council upang bumuo ng isang regional information governance centre na may mandato at pinamumunuan ng mga First Nations na alinsunod sa First Nations Data Governance Strategy.

Hiniling ng Indigenous Peoples na muli nating pagtibayin ang ating mga pagsisikap ukol sa aksiyong ito sa pamamagitan ng pagtukoy nito bilang isang priyoridad sa pananaliksik sa ilalim ng Anti-Racism Data Act.
Ang pagsisikap ukol sa Regional Information Governance Centre ay pinangungunahan ng BC First Nations sa pamamagitan ng First Nations Leadership Council (FNLC) at First Nations Data Governance Working Group. Sinusuportahan ng Pamahalaan ng B.C. ang FNLC at ang working group ang mga aktibidad upang mabuo ang sentrong ito.
Ang Regional Information Governance Centre ay lilikha ng systemic value sa pamamagitan ng pagbibigay ng access at kapangyarihang gamitin ang datos para sa pamamahala at para maprotektahan ang kanilang sariling datos. Alinsunod ang mga ito sa mga karapatan ng Indigenous Peoples na makontrol ang datos tungkol sa kanila at magkaroon ng self-determination o malayang makapagtatag ng sariling paraan ng pamamahala.
Makikipagtulungan din ang sentro sa pamahalaan ng B.C. at iba pang mga organisasyon, pati na rin sa mga sentro mula sa iba’t ibang panig ng bansa upang magpatupad ng mga bagong etikal na paraan para sa pagkakaroon ng batayan sa pangangalap, pagsusuri, at pagbibigay ng First Nations data, na nakokontrol lahat ng mga pamahalahaan ng First Nations.
Kasalukuyang isinasagawa ang unang yugto ng pagsisikap na ito, at kabilang ang mga sumusunod na hakbang na pinangunahan ng First Nations Leadership Council:
- Pagpili sa 11 Nation-led data na mga proyekto, na magreresulta sa mga kasangkapan at produkto na mapapakinabangan ng lahat ng First Nations.
- Pagbibigay ng libreng training sa mga Nations na kalahok sa data capacity needs-assessments
- Pagbuo ng “Build Your Own Data Centre“, bilang haligi ng digital infrastructure na Inviting First Nations (DOC) sa B.C. upang makakuha ng maagang pag-access sa platform ng “Build Your Own Data Centre”. Layon nito ang pagsasagawa ng user testing at malayang paggamit sa mga makabagong paraan at imprastraktura kaugnay sa mga datos

Mga priyoridad sa pananaliksik
Noong Mayo 30, 2025, inilabas namin ang mga priyoridad sa pananaliksik para sa 2025-2027. Makakatulong ang mga ito sa paggabay sa aming pananaliksik tungkol sa anti-racism at equity (pagkamakatarungan) sa susunod na dalawang taon.
Inimbitahan ang lahat ng miyembro ng First Nations at Metis Nation BC na naninirahan sa B.C. para tumulong sa pagbuo ng mga priyoridad sa pananaliksik.
Pagtatatag ng mga ugnayan
Nakatuon kami sa pangmatagalang rekonsilyasyon kasama ang mga komunidad ng First Nations, Métis, at Inuit.
Upang masuportahan ang mga pagsisikap na ito, kami’y nagsasagawa ng data circles kada buwan kasama ang mga Indigenous na pamahalaan bilang isang espasyo para sa bukas at transparent na diskusyon tungkol sa mga paksang may kaugnayan sa Act o sa mga datos na may kinalaman sa mga Indigenous na komunidad. Inaanyayahang lumahok ang lahat ng mga First Nations at miyembro ng Metis Nation BC sa mga pagpupulong na ito.

Naghahanap ng karagdagang impormasyon?
Patuloy na magbasa ng karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano kami nakipagtulungan kasama ang mga mamamayang First Nations at Métis upang buuin ang Anti-Racism Data Act.