Pagpapahusay ng representasyon sa mga board o lupon ng B.C.
May 30, 2025

Ayon sa nakita natin sa ating kasaysayan, nakakaranas ng mga hadlang sa civic participation sa B.C. ang mga Indigenous at racialized na mamamayan at iba pang equity-deserving group. Kasama dito ang pagkakaroon ng mga patakarang itinataguyod ang diskriminasyon kung saan nalilimitahan ang kanilang abilidad na makaboto o magsilibi bilang isang inihalal na opisyal.
Hanggang ngayon ay dama pa rin ang epekto nito, lalo na’t marami sa mga komunidad na ito ang kulang sa representasyon sa mga ahensiya, board, at komisyon ng B.C. Ang mga organisasyong ito ay may mahalagang papel sa pagbibigay serbisyo sa mga mamamayan sa iba’t ibang panig ng province. May humigit-kumulang 230 organisasyon sa pampublikong sektor ng B.C. Kabilang sa mga halimbawa nito ang mga police board, health authority, at college board.
Ang mga appointeee o itinalaga ay nagbibigay ng mga payo at rekomendasyon upang makatulong sa superbisyon at pang-araw-araw na operasyon ng mga organisasyong ito, kabilang ang paghahatid ng mga serbisyo at pag-access sa makatarungang proseso ng dispute resolution (resolusyon ng mga di-pagkakasundo). May limitasyon ang mga termino ng appointment at ang representasyong ito ay magbabago kapag nagsimula o ni-reappoint ang mga indibidwal sa mga posisyon.
Bilang pamahalaan, ang aming mga pagsisikap ay kailangang nahuhubog mula sa iba’t ibang pananaw, mga tunay na karanasan, at kaalaman. Kaya mahalaga na ang mga hinirang at naitalaga sa mga ahensiya, board, at komisyon ng B.C. ay sumasalamin sa diversity o pagkakaiba-iba ng mga mamamayan sa buong province. Nakakita na tayo ng pagbabago patungo sa mas makatarungan at pantay na representasyon sa mga nakaraang taon, ngunit malinaw pa rin na mayroong patuloy na pangangailangan para sa pagpapaunlad nito.

Pananaliksik
Noong 2023, sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Anti-Racism Data Committee at Indigenous Peoples, tinukoy ng Province ang 10 priyoridad sa pananaliksik ukol sa anti-racism sa ilalim ng Anti-Racism Data Act. Isa sa mga priyoridad na ito ay ang pagpapaunlad ng racial diversity (pagkakaroon ng iba’t ibang lahi) at racial equity (katarungang panlahi) sa BC Public Service.
Upang malutas ang sistemikong rasismo sa mga serbisyo ng pamahalaan, mahalaga inirerepresenta ng mga indibidwal na gumagabay sa aming mga desisyon ang mga komunidad sa iba’t ibang bahagi ng B.C. Ang pananaliksik na ito tungkol sa representasyon ng mga appointee ay isang hakbang para maabot ang hangaring ito.
Ang Crown Agencies and Board Resourcing Office (CABRO) ng Pamahalaan ng B.C. ang nagsasagawa ng superbisyon para sa proseso ng pagtatalaga ng mga indibidwal sa mga ahensiya, board (lupon), at mga komisyon ng B.C. Noong Mayo 2024, nagsagawa ng survey ang CABRO upang maunawaan ang representasyon sa mga ahensiya, board (lupon) at komisyon ng B.C. Ang survey na ito ay ipinadala sa lahat ng indibidwal na kasalukuyang nakaluklok sa posisyon na sakop ng CABRO. Hindi dito kasama ang mga indibidwal na naninilbihan bilang board of directors sa organisasyon na nasa ilalim ng Societies Act.
Lampas 32% lamang ng 1,677 kasalukuyang appointee ang sumagot sa survey. Ang sample na ito ay kumakatawan sa rehiyonal na distribusyon ng lahat ng appointee at mayroon itong +/- 3.5% margin of error.
Kinumpara ng CABRO ang mga resulta sa nakaraang survey na isinagawa noong 2020 upang malaman kung nagbago ang representasyon. Ikinumpara rin ng team ang representasyon sa mga board o lupon sa Census upang maunawaan kung anong mga pangkat ang mga mayroong lubos at kulang na representasyon. Mayroong limitasyon ang pamamaraang ito, ngunit ito na ang pinakamapapagkatiwalaang benchmark ng populasyon na maaaring magamit para sa panahong iyon.
Makakatulong ang impormasyong ito upang malaman ang mga oportunidad para mapahusay ang representasyon ng mga Indigenous, racialized at iba pang komunidad na kulang ang representasyon.

Mga natutunan namin
Noong 2024, nakakita kami ng mga positibong pagbabago kumpara noong 2020, kabilang dito ang mga sumusunod:
- Mas equitable na distribusyon ayon sa edad (age group), kung saan makikita ang pagbaba ng dami ng mga appointee na 55 taong gulang pataas at pagdami ng indibidwal na 35-54 taong gulang.
- Naging mahigit triple ang dami ng mga appointee na kinikilala ang sarili bilang Black
- Tumaas nang 1.5 beses ang dami ng indibidwal na kinikilala nag sarili bilang LGBTQ+
- Naging mahigit doble ang porsiyento ng mga appointee na nag-ulat ng pagkakaroon ng kapansanan
Subalit, patuloy pa ring kulang ang representasyon ng ilang grupo sa mga ahensiya, board at komisyon ng B.C. Kabilang dito ang mga indibiwal na:
- Kinikilala ang sarili bilang Chinese o Pilipino
- Mayroong mga kapansanan
- Mga caregiver o tagapangalaga para sa mga nasa hustong gulang o mga bata
- Edad 18 hanggang 34 taong gulang
- Naninirahan sa mga rehiyon ng Lower Mainland/Southwest at Thompson-Okanagan
Indigenous na identidad
Ang dami ng mga appointee na Indigenous ay katulad ang antas ng kanilang representasyon sa populasyon ng B.C.:
- Lampas 5.5% lamang ng mga appointee ang kinikilala ang sarili bilang First Nations
- Lampas 3% lamang ang kinikilala ang sarili bilang Métis
Mababa ang dami ng appointee na Inuit. Upang maprotektahan ang kanilang pagkakakilanlan, hindi ilalabas ang datos na ito. Alamin ang tungkol sa comparison to population data (datos inihambing sa populasyon) sa ibaba.
Kumpara sa lahat ng kabilang sa sample, ang mga Indigenous na appointee ay:
- Mas mataas ang pagkakataon na edad 35 hanggang 54 taong gulang
- Mas mataas ang pagkakataon na kinikilala ang sarili bilang isang babae
- Mas mataas ang pagkakataon na kinikilala ang sarili bilang LGBTQ+*
- Mas mataas ang pagkakataon na mag-ulat ng kapansanan
- Mas mataas ang pagkakataon na maging caregiver o tagapangalaga ng mga batang wala pang 18 taong gulang at ng mga nasa hustong gulang
Mahalagang ikonsidera ang mga salik na ito kapag bumubuo o nagluluklok ng mga indibidwal sa mga posisyong sakop ng CABRO, pati na rin kapag nagbibigay ng suporta para sa mga kasalukuyang appointee na Indigenous.
Ang mga indibidwal na Indigenous na naninirahan sa mga rural at malalayong lugar ay maaaring makaranas ng dagdag pang mga hadlang makakuha ng mga oportunidad at maaring kulang ang representasyon sa mga posisyong ito. Habang hindi tiningnan ng team ang pagkakaiba-iba ng representasyon sa iba’t ibang rehiyon para sa pananaliksik na ito, ikokonsidera ito sa mga ulat sa hinaharap.
*Tandaan na ang Two-Spirit ay isang espesipikong Indigenous na identidad. Tinanong sa survey ng CABRO ang tungkol sa identidad bilang Two-Spirit na nakahiwalay sa mga identidad na LGBTQ+. Iilan lamang ang mga indibidwal na kinikilala ang sarili bilang Two-Spirit. Upang maprotektahan ang kanilang pagkakakilanlan, hindi ilalabas ang datos na ito.


Lahi
Two-thirds sa kanila ay white at halos one-third lamang ang racialized
Ang survey ay nagbigay ng 12 opsyon para sa lahi o lahing pinagmulan, pati na rin ang sagot na “Hindi alam” (Don’t know) o “Piniling hindi sabihin” (Prefer not to answer).
Habang karamihan ng mga racialized na grupo ay nabibigyang representasyon ayon sa kanilang porsiyento kumpara sa populasyon ng B.C., ang mga Chinese at Pilipino ay mas mababa ang representasyon.
Upang maabot ang representasyon ayon sa antas ng census, kailangang dumoble ang mga appointee na Chinese at dapat na tumaas nang limang beses ang dami ng mga Pilipinong appointee.
Ang mga racialized na appointee sa sample ay:
- Mas mataas ang pagkakataon na edad 35 hanggang 54 taong gulang
- Mas mataas ang pagkakataon na komportableng gumamit ng dalawang wika sa trabaho
- Mas mataas ang pagkakataon na maging caregiver o tagapangalaga ng batang wala pang 18 taong gulang at ng mga nasa hustong gulang
- Mas mataas ang pagkakataon na naninirahan sa rehiyon ng Lower Mainland/Southwest
Ito ay mga mahalagang konsiderasyon kapag bumubuo o nagluluklok ng mga indibidwal sa mga posisyong sakop ng CABRO, pati na rin kapag nagbibigay ng suporta para sa mga kasalukuyang appointee na racialized.
Edad
Para sa mga appointee noong 2024:
- 62% ay 55 taong gulang pataas – kumpara sa 41.8% ng populasyon
- 33% ay 35 hanggang 54 taong gulang – ito ay kapantay ng populasyon
- 3.5% ay 18 hanggang 34 taong gulang – kumpara sa 26.4% ng populasyon
Kumpara sa lahat ng kabilang sa sample, ang mga appointee na 55 taong gulang pataas ay:
- Mas mababa ang pagkakataon na kilalanin ang sarili bilang First Nations o racialized
- Mas mababa ang pagkakataon na kilalanin ang sarili bilang LGBTQ+
- Mas mababa ang pagkakataon na mag-ulat ng kapansanan
- Mas mababa ang pagkakataon na maging caregiver o tagapangalaga ng batang wala pang 18 taong gulang
- Mas mataas ang pagkakataon na naninirahan sa rehiyon ng Vancouver Island/Coast


Gender
42.6% ang kinikilala ang sarili bilang lalaki, 55.4% ang kinikilala ang sarili bilang babae
Kumpara sa lahat ng kabilang sa sample, ang mga appointee na kinikilala ang sarili bilang babae ay:
- Mas mataas ang pagkakataon na kinikilala ang sarili bilang First Nations
- Mas pantay ang distribusyon sa pagitan ng mga age group na 35-54 at 55 taong gulang pataas
- Mas mataas ang pagkakataon na maging caregiver o tagapangalaga ng mga batang wala pang 18 taong gulang
- Iilan lamang ang mga indibidwal na kinikilala ang sarili bilang non-binary. Upang maprotektahan ang kanilang pagkakakilanlan, hindi ilalabas ang datos na ito.
Paalala sa paggamit ng datos tungkol sa populasyon
Ginamit ng research team ang datos mula sa Census upang ikumpara ang porsiyento ng representasyon sa populasyon ng mga nasa hustong gulang sa B.C. Habang nakakatulong ito upang makapagbigay ng pananaw tungkol sa diversity, ipinapalagay rin nito na ang lahat ng kasama sa populasyon ay kwalipikadong mag-apply sa isang posisyon ng CABRO.
Sa katotohanan, mas kaunti ang dami ng mga kwalipikadong kandidato dahil ang mga posisyon ay maaaring nagre-require ng mga appointee na mayroong nakaraang karanasan, edukasyon, training o abilidad na bumiyahe para sa nasabing posisyon. Ibig sabihin nito na ang ilang indibidwal ay maaaring hindi maikonsidera sa pag-apply, partikular para sa mga caregiver o tagapangalaga at mga naninirahan sa mga rural at malalayong komunidad.
Ang maraming taon ng mga kolonyal at racist na patarakan tulad ng Indian Act, mga residential school at Chinese head tax ay nakapagbigay rin ng limitasyon sa paglago ng populasyon at nagpaalis ng ilang henerasyon ng mga Indigenous at racialized na mamamayan.
Ang mga epekto ng mga patakaran at mga aksiyon na ito ay patuloy na nakakaapekto sa laki ng mga Indigenous at racialized na komunidad sa B.C. at nagtulak rin ng kakulangan ng tiwala sa proseso ng koleksiyon ng datos. Ibig sabihin, pinili ng ilang indibidwal o komunidad na hindi lumahok sa Census.
Ang datos na ipinapakita sa census ay maaaring hindi nagbibigay ng tunay na paghahambing para sa ebalwasyon ng representasyon. Ang pagtala ng datos ng Statistics Canada ay nangangahulugang ang ilang racialized na indibidwal ay hindi maayos na nabibigyang representasyon kung kinikilala nila ang kanilang sarili na kabilang sa mahigit isang panlahing grupo. Halimbawa, kung ang isang indibidwal ay kinikilala ang sarili bilang parehong “White” at “Latin American”, hindi sila maitatala sa ilalim ng grupo para sa “Latin American”.
Nagreresulta ito sa regular na undercounting ng mga Indigenous at racialized na indibidwal at maaaring makaaepekto sa pag-access sa mga serbisyo, pagpopondo o oportunidad kung ibinabase sa datos sa populasyon ang mga desisyon. Noong 2021, inestima ng Statistics Canada na lampas 10% ng mga mamamayang naninirahan sa mga reserve sa British Columbia ay hindi kabilang sa pagbilang ng census.
Ang Statistics Canada ay nagsasagawa ng kasalukuyang engagement upang mabawasan ang pinsala at mapahusay ang proseso ng koleksiyon ng datos.

Mga susunod na hakbang
Malinaw na may ilang grupong nakararanas ng hadlang na maitalaga sa mga ahensiya, board, o komisyon ng B.C. Ang mga natuklasan ay nagsisilbing panimulang sukatan na maaari nating gamitin para sa paghahambing sa hinaharap upang maunawaan kung paano nagbabago ang representasyon sa paglipas ng panahon. Sa tulong ng impormasyong ito, makakakilos ang CABRO upang maalis ang mga hadlang at mapahusay ang representasyon.
Ipagpapatuloy ng CABRO ang pagsasagawa ng survey kada dalawang taon. Makakatulong ang mga resulta upang matulungan kaming masubaybayan ang aming hangarin na maisalamin ang diversity ng B.C. sa ating mga ahensiya, board at komisyon. Makikipagkolaborasyon rin kami sa mga komunidad na kulang ang representasyon upang matukoy kung paano matutugunan ang mga hadlang na ito.
Kinikilala namin na ang estadistikang ito ay hindi ipinapakita ang kabuuang sitwasyon. Bukod pa dito, mahalagang maunawaan kung paano ang distribusyon ng mga appointee mula sa mga equity-deserving group sa iba’t ibang board o lupon, kung saang mga posisyon sila nakaluklok at kung nararamdaman ba nilang sila ay nasusuportahan at nae-empower sa kanilang mga posisyon.
Para sa mga survey sa hinaharap, mangangalap ang CABRO ng impormasyon tungkol sa mga karanasan ng mga indibidwal na naitalaga sa mga posisyong ito at magsasagawa ng mas detalyadong pagsusuri sa antas ng rehiyon at board. Makakatulong ito upang matukoy kung saan pa tayo maaaring makapagbigay ng higit pang suporta sa mga nag-a-apply at nagtatrabaho sa mga posisyong ito.
Karagdagang Impormasyon
Basahin ang buong ulat upang magkaroon ng karagdagang impormasyon tungkol sa proyektong pananaliksik na ito, kabilang ang karagdagang impormasyon tungkol sa survey at mga detalyadong natuklasan tungkol sa mga board appointee.
Interesadong mag-apply sa isang posisyon sa isang board, agency o commission ng B.C.? Pumunta sa website ng CABRO upang makita ang mga kasalukuyang oportunidad at mag-apply.