Tungo sa makaratarungan at patas na sahod para sa lahat

Edad

Hindi kasama sa datos mula sa census kung ilang taon nang nagtatrabaho ang isang indibidwal. Sa halip, ginamit ng BC stats ang variable na edad para sa pananaliksik na ito. Ito ang kadalasang ginagamit na panghalili sa dami ng taon ng karanasan sa trabaho. Habang hindi naipapakita ng edad kung ilang taong nakapagtrabaho ang isang indibidwal sa isang espesipikong posisyon, ito ang pinakaangkop na impormasyong magagamit para sa pagsusuring ito.

Karaniwang naaabot ang pinakamataas na kita ng mga indibidwal kapag sila ay itinuturing nang middle age at bumababa ito habang sila’y tumatanda. Sa pag-aaral na ito, ang mga mas matandang manggagawa ay kumita nang mas mataas kumpara sa mga mas batang manggagawa na sakop ng sample para sa sampung okupasyon. Subalit, sa tatlong okupasyon, nakitang kaugnay ang edad sa mas mataas na kita para sa mga manggagawang white ngunit hindi para sa mga racialized na manggagawa:

  • Processing at Manufacturing
  • Mga Retail at Service Supervisor
  • Mga Transport Helper at Labourer
Mga okupasyon kung saan makikita ang pataas na trend ng average na sahod habang tumatanda para sa mga manggagawang white ngunit hindi para sa mga racialized na manggagawa sa sample ng pag-aaral.
Mga okupasyon kung saan hindi nakita sa mga racialized na manggagawang bahagi ng sample ng pag-aaral na nagdudulot ng mas mataas na average na kita ang pagkakaroon ng mas mataas na antas ng edukasyon, ngunit nakita ito para sa mga manggagawang white.

Edukasyon

Karaniwang ipinapalagay na ang pagkakaroon ng mas mataas na antas ng edukasyon ay nagdudulot ng mas mataas na kita. Hinahamon ng aming mga natuklasan ang karaniwang opinyon na palaging nagdudulot ng mas mataas na kita ang pagkakaroon ng mas mataas na antas ng edukasyon.

Sa anim na okupasyong kabilang sa aming sample, ang mga racialized na indibidwal na may kaparehong antas ng edukasyon ng mga manggagawang white ay hindi nakitang nagkaroon ng ugnayan sa mas mataas na kita:

  • Processing at Manufacturing
  • Mga Retail at Service Supervisor
  • Business at Finance
  • Mga Transport Helper at Labourer
  • Technical Science
  • Mga Health Support role

Kung ipinanganak sa labas ng Canada

Sa limang okupasyon, ang mga racialized na indibidwal sa sample na ipinanganak sa labas ng Canada ay kumita nang mas mababa kumpara sa mga ipinanganak sa Canada. Totoo rin ito para sa mga manggagawang white na nasa tatlong grupo ng okupasyon.

Sa tatlong okupasyong ito, ang pagkapanganak ng isang indibidwal sa labas ng Canada ay nakapag-ugnay ng mas mababang sahod para sa mga racialized na manggagawa, ngunit hindi para sa mga manggagawang white:

  • Processing at Manufacturing
  • Mga Transport Helper at Labourer
  • Business at Finance

Paalala tungkol sa datos

Lampas lamang sa 25,000 manggagawa sa B.C. ang ginamit na sample ng team. Maliit na porsiyento lamang ng humigit-kumulang 2.4 milyong nagtatrabaho sa B.C. noong 2020 ang kinakatawan nito. Kabilang lamang ang mga full-time na manggagawa sa numerong ito. Ibig sabihin nito na ang mga self-employed at mas bulnerableng manggagawang nagtatrabaho nang part-time ay hindi kasama sa pagsusuri.

Para sa ilang okupasyon, ang limitadong sample size ay nagdulot ng mas kaunting dami ng mga manggagawa para sa isang partikular na kategorya. Ibig sabihin, hindi masusuri ng team ang kita para sa bawat grupo ng lahi dahil walang sapat na impormasyon upang mas detalyado itong masiyasat. Ang pagsasama-sama ng mga racialized na manggagawa sa isang kategorya ay nangangahulugang hindi posibleng makita kung saan mas maraming hadlang ang hinaharap ng ilang racialized na grupo kumpara sa ibang lahi sa ilang partikular na okupasyon.

Kahit na mayroong nakitang malinaw na hindi pagkakapantay-pantay ang research team para sa siyam na okupasyon, maaaring mayroon ding hindi pagkakapantay-pantay sa ibang okupasyon na hindi natukoy dahil sa maliit na sample size o iba pang salik na nakaapekto sa datos.

Ang mga natuklasang ito ay mula sa taong 2020. Kahit na hindi ito pangkaraniwang taon dahil sa epekto ng pandemya ng COVID-19, ito ang pinakabagong datos na maaaring magamit ng mga mananaliksik upang mapag-aralan ang epekto ng mga salik tulad ng edad at lahi sa kita ng mga nagtatrabaho. Ikinonsidera ng team ang ibang dataset na makukuha mula sa Statistics Canada at natuklasan nilang ang paggamit ng mga ito ay hindi masusuportahan ang pagkakaroon ng parehong detalyadong pagsisiyasat tulad ng makukuhang impormasyon para sa taong 2020.

Mga susunod na hakbang

Ang pananaliksik na ito ay naglalatag ng pundasyon para sa pagsusuri ng progreso ng B.C. tungo sa ingklusyong pang-ekonomiya (economic inclusion). Maaaring mapag-aralan ng mga pananaliksik sa hinaharap kung paano nakakaapekto sa sahod ang mga dagdag na salik, tulad ng lugar ng tirahan at kanilang immigration status.

Maaaring makatulong ang mga pag-aaral mula sa mga nakaraang taon upang maunawaan ang antas ng kita sa mas pangkaraniwang panahon. Sa pamamagitan ng pagpapalawak ng pagsusuri at pagsama ng mga nagtratrabaho nang part-time at mga self-employed, walang bayad na pagtatrabaho at mga hadlang na kaugnay sa mental at pisikal na kalusugan, makakatulong rin ito upang makita natin ang mas malinaw na kalagayan ng equity o pagkamakatarungan sa iba’t ibang larangan ng labour force ng B.C.

Ang team ay nakatanggap ng feedback mula sa ilang Indigenous Peoples at gagamitin namin ito sa pagsasagawa at paraan ng pananaliksik sa hinaharap. Ang karagdagang input mula sa mga Indigenous at racialized na mamamayan ay makakatulong upang matiyak na ikinokonsidera natin ang mga karanasan ng mga mamamayan, kasabay ang paggamit ng datos mula sa Census. Para sa mga susunod na yugto, ibabahagi ang mga natuklasan sa mga komunidad at palalawakin ang pagsusuri batay sa kanilang feedback.

Sinuri ng team ang 26 na okupasyon o uri ng trabaho para sa pananaliksik na ito. Naipakita sa labinlimang okupasyon na walang pagkakaiba sa average na sahod:

  • Mga Administrative at Financial Supervisor
  • Administrative at Transport Logistics
  • Mga posisyong sumusuporta sa Art and Culture (sining at kultura)
  • Mga propesyonal at technician sa industriya ng Art, Culture and Sports (sining, kultura at isports)
  • Edukasyon at Community Support
  • Mga Health Technician
  • Law (abogasya) at Panlipunang Serbisyo
  • Mga Legislative at Senior Manager
  • Natural Resources (yamang likas) at Agrikultura
  • Public Protection at mga Paraprofessional
  • Sales at Service
  • Mga Sales Representative
  • Mga Support Role para sa Sales
  • Mga posisyon para sa Support & Supply Chain
  • Mga Transport Operator

Sa natitirang 11 okupasyon, natuklasan ng team ang pagkakaiba sa average na kita sa pagitan ng mga manggagawang racialized at white:

  • Business at Finance
  • General Trades
  • Mga Health Professional
  • Mga Health Support role
  • Middle Management
  • Natural at Applied Sciences
  • Processing at Manufacturing
  • Mga Retail at Service Supervisor
  • Technical Science
  • Mga Technical Trades at Transport Officer
  • Mga Transport Helper at Labourer