Mga suporta
Ang nilalaman ng site na ito ay maaaring magdulot ng sakit at pagkabigo, lalo na sa mga nagsikap na maging matatag ngunit naaapektuhan ng mga sistemikong hadlang at rasismo sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
Ang page na ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa kung paano makakakuha ng suporta at mga kaugnay na link tungkol sa karapatang pantao at paglutas ng rasismo sa B.C.

Kung kailangan mo ng pang-emosyonal na suporta, maaaring lumapit sa:
- B.C. Mental Health & Crisis Response Line, tumawag sa 310-6789 (hindi na kailangan ng area code) para sa 24/7 na pang-emosyonal na suporta, impormasyon at resources
- KUU-US Crisis Line, tumawag sa 1-800-588-8717 para sa 24/7 na suporta sa mental health na espesipiko para sa Indigenous people
- Hope for Wellness Help Line, tumawag sa 1-855-242-3310 o mag-chat online para sa 24/7 na pang-emosyonal na suporta na espesipiko para sa Indigenous people
- National Indian Residential School Crisis Line, tumawag sa 1-866-925-4419 para makakuha ng 24/7 suportang pang-emosyonal at krisis para sa mga survivor ng mga residential school at kanilang mga pamilya
- Métis Crisis Line, tumawag sa 1-833-638-4722 para makakuha ng suporta 24/7
- Missing and Murdered Indigenous Women and Girls Crisis Line, tumawag sa 1-844-413-6649 para makakuha suporta 24/7 para sa mga naapektuhan ng isyung Missing and Murdered Indigenous Women and Girls (mga nawala at pinatay na babae at mga batang babaeng Indigenous)
- Healing In Colour para humanap ng isang propesyonal sa mental health na mayroong anti-racist at intersectional na pananaw
Kung nakaranas ka o nakasaksi ng akto ng rasismo, tumawag sa:
- Racist Incident Helpline sa 1-833-457-5463 para sa suporta sa mahigit 240 wika (Lunes hanggang Biyernes, 9 am – 5 pm (PT))
Kung naghahanap ka ng impormasyon upang maunawaan kung ano ang iyong mga karapatang pantao o para magsampa ng reklamo ukol sa karapatang pantao, pumunta sa:
- BC Human Rights Tribunal para makakuha ng impormasyon at suporta
Mga kaugnay na link
Upang mabasa ang mga kaalaman, tools at iba pang resources tungkol sa anti-racism, bisitahin ang:
- Anti-Racism para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga pagsisikap na ginagawa ng Pamahalaan ng B.C. upang lutasin ang rasismo sa buong province
- Declaration Act upang maunawaan kung paano isinusulong ng pamahalaan ang rekonsilyasyon sa pamamagitan ng Declaration Act Action Plan
- HelpStartsHere para sa impormasyon, tools at resources kaugnay sa mental health
- K-12 Anti-Racism Action Plan ng B.C. para mabasa ang resources at mga suporta para sa mga mag-aaral at mga guro
- Resilience BC, ang anti-racism network ng province
- Office of the Human Rights Commissioner ng B.C. para sa impormasyon at pananaliksik tungkol sa mga karapatang pantao