Paano isasagawa ang pananaliksik?
Sa ilalim ng Anti-Racism Data Act, ninanais naming madagdagan ang tiwala, transparency, at accountability (pananagutan). At kasabay nito, mahalagang maiwasan at mabawasan ang mga pinsala sa Indigenous Peoples at mga racialized na komunidad.
Nakipagtulungan kami sa Anti-Racism Data Committee, at Indigenous Peoples para mabuo ang limang komitment sa pagsasagawa ng proseso. Ang mga komitment na ito ay ia-apply sa bawat proyekto ng pananaliksik na isasagawa sa ilalim ng Act.
Indigenous data sovereignty
Ginagabayan ito sa paraang batay sa pagkakaibaiba ukol sa Indigenous data sovereignty (karapatan ng isang Indigenous na pamahalaan na kontrolin ang datos tungkol sa kanila) at self-determination (sariling determinasyon).
Data justice
Parehong kinikilala ng data justice ang pinsalang nagawa sa mga komunidad, ganon din ang positibong epekto ng datos para maisulong ang equity (pagkamakatarungan) at panlipunang hustisya.
Intersectionality
Ang isang indibidwal ay maaaring makaranas ng mahigit sa isang uri ng diskriminasyon at/o marginalisasyon.
Dapat isaalang-alang ng pananaliksik ang buong pagkakakilanlan o identidad habang ginagamit ang anti-racism at gender-based lens.
Transparency
Upang magkaroon ng tiwala, dapat tayong maging malinaw tungkol sa layunin at benepisyo ng pangongolekta ng datos.
Nangangahuluguan ito na makikipagtulungan tayo sa mga komunidad upang maunawaan kung paano at kailan magbahagi ng datos, pamamaraan, at mga natuklasan.
Patuloy na pakikilahok
Patuloy naming bubuuin at pagtitibayin ang mga ugnayan sa mga komunidad at mga partner.
Matitiyak nito na ang mga pangangailangan, karanasan, at kaalaman ng Indigenous Peoples at ibang pang mga racialized na mga indibidwal ang gagabay sa pagkolekta ng datos at pananaliksik.
Alam niyo ba?
Noong Hunyo 1, 2023, naglabas din kami ng isang progress report at isang gabay sa paggamit ng mga categorical variable na lahi at etnisidad para sa pananaliksik. Patuloy na magbasa upang magkaroon ng karagdagang impormasyon at para i-download ang mga dokumento.