Taunang release para sa 2023

Noong May 29, 2023, naglabas kami ng:
Paglalathala ng estadistika
Ang mga materyal na ito ay inilabas sa ilalim ng section 19 ng Anti-Racism Data Act. Bago ito nilathala, sinuri ito ng Anti-Racism Data Committee at mga entidad para sa pamamahala ng Indigenous Peoples.

Progress report para sa unang taon
Binabalangkas ng ulat na ito ang mga nagawa namin mula noong ipinakilala ang Anti-Racism Data Act noong Hunyo 2022.
Kasama sa mga ito ay mga impormasyon tungkol sa:
- Pagbuo ng tiwala at transparency (pagiging tapat) sa Indigenous Peoples at sa Anti-Racism Data Committee
- Konsultasyon at kooperasyon kasama ang Indigenous Peoples
- Ang pagbuo ng Anti-Racism Data Committee at kung paano ito gumagana
- Paghubog sa BC Demographic Survey gamit ang feedback at engagement ng komunidad
- Pagsusuri sa mga rekomendasyon na tumulong sa pagbibigay-alam sa pagbuo ng mga priyoridad sa pananaliksik
Patnubay tungkol sa paggamit ng mga categorical variable na lahi at etnisidad
Ang teknikal na gabay na ito ay magbibigay ng siyam na rekomendasyon kung paano magagamit ang mga variable na lahi at etnisidad sa mga proyektong pananaliksik. Sinusuportahan nito ang mga gumagamit ng datos, kasama ang:
- Mga analyst
- Mga mananaliksik
- Mga data architect
- Mga data scientist
Ang patnubay na ito ay mayroon ding mga case study at mga halimbawa, pati na rin ang isang self-assessment checklist.
Nakipagtulungan kami sa mga eksperto sa paksa upang mabuo ang gabay na ito.

Karagdagang impormasyon
Inilabas din namin ang mga priyoridad sa pagsasaliksik noong May 29, 2023. Patuloy na magbasa para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano makakatulong ang mga priyoridad na itong matugunan ang sistemikong rasismo.
