Mga Resulta sa Kalusugan
Population Differences in Three Chronic Diseases in BC: isang pag-aaral ng mga karaniwang talamak na kundisyon sa kalusugan upang simulan ang isang mas malaking diskusyon tungkol sa hindi pantay na mga pagkakataon para sa pag-iwas at pamamahala ng kronikong sakit.
May 30, 2024
Ang mga komunidad ng mga Indigenous at gender-diverse ay labis na naapektuhan ng mga talamak na kondisyon.
Maraming tao at ang kalidad ng buhay ng kanilang pamilya dito sa B.C. ay naapektuhan ng mga talamak na kondisyon sa kalusugan tulad ng asthma, diabetes, at mga diperensya sa mood at anxiety.
Ang ating mga pagkakakilanlan ay mga pinagmumulan ng lakas at tibay, hindi mga salik ng panganib para sa mga kronikong sakit. Ang impormasyong demograpiko tulad ng lahi, etnisidad, at kasarian ay makakatulong sa amin na mas maunawaan ang mga puwang sa loob ng ating sistema ng pangangalaga sa kalusugan at matugunan ang mga pangangailangan sa kalusugan ng iba’t ibang populasyon sa B.C.
Bilang unang hakbang, aming sinusuri ang paggamit ng mga serbisyo sa pangangalaga sa kalusugan ng mga tao para sa mga kronikong sakit upang makilala ang mga puwang at sino ang pinakanaapektuhan nito.
Ano ang aming mga natutunan at ano ang mga susunod na hakbang?
Ginagawa namin ang pananaliksik na ito sa mga yugto upang siguruhing nakatuon kami sa mga larangang pinakamahalaga sa mga Indigenous at racialized na tao.
Sa unang yugto, sinuri namin kung gaano kadalas mangyari ang mga karaniwang talamak na kondisyon sa mga populasyong ito at mga identidad sa kasarian sa B.C. Ang mga kronikong kondisyon na aming tiningnan ay ang diabetes, asthma, at mga diperensya sa mood at anxiety.
Para sa pananaliksik na ito, ginamit namin ang mga tugon mula sa BC Demographic Survey (na tinimbang sa kabuuang populasyon ng BC upang suportahan ang pagiging representatibo) at pinagsama ito sa mga talaan ng kalusugan sa pagitan ng Abril 2021 at Marso 2022.
Ang aming mga resulta ay nagpapakita na maaaring mangyari ang mga kondisyong ito sa iba’t ibang rate sa buong populasyon. Halimbawa, mas malaki ang epekto sa mga Indigenous na tao itong tatlong kronikong kondisyon. Gayunpaman, mahalaga ring tandaan na ang karamihan sa populasyon ng B.C., kasama na ang mga Indigenous na tao, ay wala alinman sa tatlong mga kronikong kondisyon na ito.
May maraming mga salik na maaaring makaapekto sa kalusugan at kabutihan at magpataas ng panganib ng pagkakaroon ng mga kronikong sakit.
Para sa mga pananaliksik sa hinaharap, magpapalawak kami ng analisis upang suriin kung paano nakababahagi ang iba pang mga salik sa pagkakaiba-iba ng mga rate ng mga kronikong sakit sa mga populasyon.
Sa mga susunod na yugto ng pananaliksik, pag-aaralan namin:
Gusto naming mas maunawaan ang mga pangangailangan ng populasyon upang ang lahat ng namamahala ng isang kronikong sakit ay magkaroon ng access sa pangangalaga na kanilang kailangan, kung kailan at saan nila ito kailangan.
Para sa susunod pang analisis, isinasa-alang-alang ang iba pang mga paksa sa pananaliksik, halimbawa, pagtuklas kung paano maaaring makaapekto ang kita, kanayunan, at iba pang mga salik sa pagkalat ng talamak na kondisyon at pangangalaga para sa iba’t ibang mga grupo ng populasyon.
Tungkol sa ano ang pananaliksik na ito?
Ang pananaliksik na ito ay tumutok sa pag-unawa kung sino ang pinaka-naapektuhan ng mgatalamak na kondisyong pangkalusugan. Ang unang yugto ay nakatuon sa kung gaano kadalas ang asthma, diabetes, at mga diperensya sa mood at anxiety ay nakakaapekto sa mga tao sa iba’t ibang grupo ng populasyon sa British Columbia.
Ang ulat na ito ay isang bahagi ng paglalabas ng estadistika para sa taong 2024 tulad ng nakasaad sa Seksyon 19 ng Anti-Racism Data Act, at sa pakikipagkonsulta at kooperasyon sa mga Indigenous Peoples (Seksyon 20 ng Batas).
Bakit mahalaga ito?
Mayroong iba-ibang porsiyento ng kronikong kondisyon ang iba’t ibang grupo ng populasyon sa province. Kailangan nating matukoy at maunawaan ang mga dahilan ng pagkakaibang ito.
Gamit ang impormasyong ito, maaari nating talakayin kung paano makakapaghatid ng suportang angkop sa kultura (culturally safe) para sa prebensiyon at pamamahala ng mga sakit. Susuportahan nito ang ating layunin na mapabuti ang mga resulta ng kalusugan para sa mga mamamayan sa British Columbia.
Anong mga datos ang aming ginamit?
Ang Kagawaran ng Kalusugan ay gumawa ng analisis gamit ang mga sumusunod na datos:
- BC Demographic Survey
- Impormasyon sa demograpiko at rehistro ng kronikong sakit na kinokolekta ng Kagawaran ng Kalusugan.
- Data mula sa sensus na kinolekta ng Statistics Canada.
Ang pananaliksik na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng Data Innovation Program ng BC.
Pag-aralan ang mga resulta.
Ang mga natuklasang ito ay batay sa impormasyong mula sa 196,800 kataong sinagutan ang BC Demographic Survey. Ipinapakita ng survey sample ang mas mahusay na representasyon ng populasyon ng B.C. Iba ang mga natuklasang impormasyong ito kumpara sa ibang pampublikong estadistika na batay sa mga administrative dataset na kumakatawan sa lahat ng taong naninirahan sa B.C.
Para sa diabetes, tiningnan namin kung ang isang tao ay na-diagnose ng kondisyong ito. Para sa asthma, at mga diperensya sa mood at anxiety, kinalkula namin ang mga rate batay sa kung ang isang tao ay naghanap ng pangangalaga para sa kondisyon sa pagitan ng Abril 2021 at Marso 2022.
Ang mas mataas na mga rate ng kronikong sakit para sa isang grupo ng populasyon sa pangkalahatan ay nagpapahiwatig ng mas malaking pasanin ng sakit at kaugnay na pangangailangan sa pangangalaga sa kalusugan. Gayunpaman, maaari rin itong magpahiwatig na ang ilang mga grupo ng populasyon ay mas may kadalasang humahanap ng pangangalaga at mayroong na-diagnose na kondisyon. Sa kabilang banda, ang mas mababang mga rate ng kronikong sakit ay maaaring sanhi ng mas mababang pasanin ng sakit sa isang grupo ng populasyon ngunit maaari rin itong magpahiwatig ng mga balakid sa pag-access sa pangangalaga sa kalusugan.
Sa unang yugto ng pagsusuri na ito, inilarawan ang mga pagkakaiba-iba sa mga rate ng kronikong sakit sa pagitan ng mga grupo ng populasyon ngunit hindi pinag-uusapan ang mga salik na nagiging dahilan ng mga pagkakaiba.
Anong mga datos ang aming ginamit?
Ang Kagawaran ng Kalusugan ay gumawa ng analisis gamit ang mga sumusunod na datos:
- BC Demographic Survey
- Impormasyon sa demograpiko at rehistro ng kronikong sakit na kinokolekta ng Kagawaran ng Kalusugan.
- Data mula sa sensus na kinolekta ng Statistics Canada.
Ang pananaliksik na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng Data Innovation Program ng BC. Ang programang ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mananaliksik na ligtas na makapagtrabaho sa sensitibong datos.
Sino ang nagsasagawa ng proyektong ito?
Ang unang yugto sa pananaliksik na ito ay isinagawa ng Kagawaran ng Kalusugan. Sa mga susunod na yugto, makikipagtulungan kami sa iba pang mga sektor kasama ang , ngunit hindi limitado sa:
- First Nations Health Authority
- Metis Nation British Columbia
- Provincial Health Services Authority
- Regional health authorities
Sinuportahan ng BC Stats ang proyektong ito sa pamamagitan ng Data Innovation Program ng BC, sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga konsultasyon kasama ang Anti-Racism Data Committee at Indigenous Governing Entities, at sa pamamagitan ng pagpapadali ng mga publikasyon.
Nais mo bang mas matuto?
Noong May 30, 2024, inilabas namin ang isang teknikal na ulat tungkol sa proyektong pananaliksik na ito. Alamin ang ulat na ito upang mas makilala ang aming pamamaraan at mga proseso para sa proyektong ito.
Ang teknikal na ulat ay nagbibigay rin ng impormasyon tungkol sa mga serbisyo na magagamit sa B.C. upang suportahan ang kalusugan at kagalingan sa paraan na espesipiko sa kultura at sensitibo sa kasarian, pati na rin ang mga gabay upang suportahan ang edukasyon, pagsusuri, at pamamahala ng mga kondisyon na ito.