Ang aming mga priyoridad sa pananaliksik
Mga priyoridad sa pananaliksik para sa 2023 hanggang 2025
Ang mga priyoridad sa pananaliksik ay binuo sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Anti-Racism Data Committee at Indigenous Peoples. Kasama dito ang BC First Nations at Métis Nation BC.
Sa ilalim ng Anti-Racism Data Act kailangan naming ilabas kung ano mga priyoridad sa pananaliksik kada dalawang taon. Ang mga priyoridad na ito ang siyang makakatulong sa aming matutukan ang mga pinakamahalagang bagay para sa Indigenous Peoples at sa mga racialized na komunidad.
Ang aming mga pagsisikap ay hindi limitado sa mga priyoridad sa pananaliksik. Patuloy ang aming pagtugon sa sistemikong rasismo sa lahat ng aming mga programa at mga serbisyo.
Noong Mayo 30, 2024, inilabas namin ang mga update tungkol sa aming mga priyoridad sa pananaliksik para sa anti-racism na kaugnay sa:
- Pagkakaroon ng iba’t ibang lahi sa BC Public Service
- Edukasyon
- Kalusugan
Mga priyoridad sa pananaliksik na nakabatay sa sektor mula sa Indigenous Peoples
- Mga resulta ng kalusugan para sa Indigenous Peoples upang maintindihan ang mga karanasan mula sa isang intersectional at pangkalahatang pananaw
- Mga resulta ng edukasyon para sa mga estudyanteng First Nations, Métis, at Inuit mula kindergarten hanggang grade 12 upang maintindihan ang mga karanasan, kabilang ang kanilang access sa at paggamit sa mga makukuhang suporta
- Mga social determinant (panlipunang katangian) na tumutukoy sa kaligtasan mula sa isang pangkalahatang pananaw at mapunan ang mga puwang na kaugnay sa datos
Karagdagang priyoridad para sa Indigenous Peoples
Tinukoy rin ng Indigenous Peoples ang dalawa pang priyoridad na tumututok sa kung paano namin susuportahan ang Indigenous data sovereignty (karapatan ng isang Indigenous na pamahalaan na kontrolin ang datos tungkol sa kanila) at magsasagawa ng pagsasaliksik.
- Komitment sa 3.14 ng Declaration Act Action Plan
- Isasagawa ang pananaliksik gamit ang isang paraang batay sa pagkakaiba-iba na kumikilala, rumerespeto, at pinaninindigan ang mga natatanging karapatan ng mga First Nations, Metis, at Inuit
Mga priyoridad sa pananaliksik mula sa Anti-Racism Data Committee
Ang Anti-Racism Data Committee ay nag-rekomenda ng pitong larangan ng priyoridad:
- Pagkakaiba-iba ng mga lahi sa BC Public Service at equity (pagkamakatarungan) sa pagtanggap ng mga empleyado at pag-unlad sa trabaho
- Pakikipag-ugnayan sa sistema ng hustisya at pagsusuri ng ’complaints’ model
- Mga resulta ng kalusugan, ayon sa health system performance framework para maunawaan kung paano gumagana ang sistema para sa iba’t ibang demograpikong grupo
- Pag-unawa kung paano nakakakuha at gumagamit ng mga suporta sa edukasyon ang mga mag-aaral na mula sa iba’t ibang demograpikong grupo at ang mga resulta nito (mula pagkabata hanggang sa pagkatapos ng sekondaryang edukasyon)
- Wellness o pangakalahatang kalusugan ng mga bata, kabataan, at pamilya sa loob at labas ng tahanan
- Ingklusyon sa ekonomiya, kabilang ang pagsusuri ng hindi bayad na trabaho at foreign credential recognition (pagkilala sa kredensiyal mula sa ibang bansa)
- Kawalan ng tirahan, suplay at seguridad ng mga pabahay
Alam niyo ba?
Ang mga paksang ito ang magiging gabay sa aming pagtugon sa sistemikong rasismo sa mga susunod na taon.
Inanyayahan namin ang lahat ng mga B.C. First Nations at ang Métis Nation British Columbia na tumulong sa pagbuo ng mga priyoridad sa pananaliksik. Patuloy na magbasa upang malaman ang karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano ito naitatag sa pamamagitan ng partnership.