Ang sistemikong rasismo ay nakapagdulot ng mga hadlang at kawalan ng katarungan sa mga serbisyo ng pamahalaan. Upang malutas ito, kailangan nating malaman kung saan ito nagaganap at kung sino ang mga naaapektuhan. Ang Anti-Racism Data Act ay nagbibigay ng mga kailangan nating impormasyon upang suriin at mapag-aralan ang mga isyung ito.
Sa ilalim ng Anti-Racism Data Act, required kaming magtalaga ng mga priyoridad sa pananaliksik kada dalawang taon. Makikita sa page na ito ang kasalukuyang priyoridad sa pananaliksik at kung paano ito nabuo. Nilalayon ng mga priyoridad na ito na matulungang gabayan ang pamahalaan tungo sa isang pananaliksik na tumutukoy sa mga sistemikong hadlang at nagre-require ng pagkilos upang maitaguyod ang racial equity o katarungang panlahi.
Binubuo namin ang mga priyoridad sa pananaliksik sa pamamagitan ng konsultasyon at kooperasyon kasama ang Indigenous People at kolaborasyon kasama ang Anti-Racism Data Committee. Ang pagtukoy ng mga priyoridad sa paraang ito ay nakakatulong na maituon ang aming pananaliksik sa mga larangan na pinakamahalaga para sa Indigenous Peoples at mga racialized na komunidad.
Ang ilang priyoridad ay maaaring nasa larangan kung saan kulang ang datos ng pamahalaan o kung saan limitado ang koleksiyon ng datos upang maiwasan na mapahamak o negatibong maapektuhan ang komunidad. Sa pamamagitan ng pagtatalaga sa mga ito bilang mga priyoridad, naimbestigahan namin ang mga kakulangan sa impormasyon at ang mga hadlang sa pagkuha ng impormasyon at nasuportahan ang mga program area upang ligtas na mapunan ang mga kakulangang ito.
Ang aming mga pagsisikap sa mga priyoridad sa pananaliksik ay ipinagpapatuloy ang kasalukuyang pag-aaral at mga rekomendasyon (halimbawa, sa In Plain Sight report na nakapokus sa anti-Indigenous racism sa sektor ng health care), at tumutulong sa ating maunawaan ang legasiya ng mga kolonyal na patakaran sa B.C. Ang pananaliksik ay ginagabayan ng pamamaraang batay sa iba-iba at natatanging katangian (distinctions-based) para sa Indigenous data sovereignty at self-determination at iba pang mga mahalagang komitment sa proseso.
Noong Mayo 30, 2025, inilabas namin ang mga priyoridad sa pananaliksik para sa 2025-2027.
Upang mabuo ang mga priyoridad na ito, sinuri ng Indigenous Peoples at ng Anti-Racism Data Committee ang feedback, mga ulat at mga rekomendasyong nakalap nitong mga nakaraang taon mula sa mga partner, miyembro ng komunidad at mga advocate.
Ipinagpapatuloy ng marami sa priyoridad sa pananaliksik para sa 2025-2027 ang mga nakaraang priyoridad at panawagan. Ipinapakita nito ang pangmatagalan at matinding katangian ng mga isyung ito at ang kanilang makasaysayan at patuloy na epekto sa mga racialized na komunidad at sa mga karapatan at interes ng Indigenous Peoples sa B.C.
Mga Priyoridad sa Pananaliksik mula sa Indigenous Peoples
Sinasalamin ng mga priyoridad sa pananaliksik para sa 2025-2027 ang mga pangkaraniwang temang naririnig natin mula sa Indigenous Peoples na lumahok sa proseso ng konsultasyon at kooperasyon. Hindi nito naipapakita ang lahat ng mga natatangi at kakaibang isyu ng sistemikong rasismo na hinaharap ng mga First Nations, Métis at Inuit na mamamayan sa iba’t ibang panig ng B.C.
Nakapokus ang priyoridad na ito sa pag-unawa at pag-alam ng sistemikong rasismo na kaugnay sa kalusugan at well-being para sa mga mamamayang First Nations, Métis, at Inuit, pati na rin ang kanilang pag-access at mga karanasan sa sektor ng health care. Kabilang dito ang mga sumusunod na posibleng paksa sa pananaliksik:
Pag-alam kung paano naaapektuhan ng mga karanasan kaugnay sa rasismo, diskriminasyon at profiling ang pangangalaga at paggamot na natatatanggap mula sa sistema ng health care
Pagsusuri kung paano nakakaapekto ang mga magkakaugnay na iba’t ibang salik tulad ng kita, edukasyon at pabahay sa kalusugan at well-being ng mga mamamayang Indigenous
Pagsisiyasat ng mga natatanging pangkalusugang hamong nararanasan ng mga Indigenous na kababaihan, mga indibidwal na LGBTQ2S+ at iba pang mga equity-deserving group sa mga komunidad ng mga Indigenous people
Pag-unawa kung paano maaaring maisasama ang mga tradisyonal na katutubong kaalaman at kagawian upang makapagtatag ng pangangalagang pangkalusugan na angkop sa kultura (culturally safe) at ang pagsusuri ng mga epekto sa kalusugan at well-being ng mga Indigenous na mamamayan
Pagsusuri ng pag-access sa serbisyong pangkalusugan, lalo na ang mga nakatira sa mga rural at malalayong lugar
Pagsusuri kung gaano kahusay makapagbigay ng suporta sa mga Indigenous na mamamayan na naapektuhan ng isyu sa mental health at/o ng toxic drug supply
Nakapokus ang priyoridad na ito sa pag-unawa ng mga resulta sa edukasyon at sistemikong hadlang para sa mga mag-aaral na First Nations, Métis at Inuit mula early childhood (pagkabata) hanggang post-secondary. Kabilang dito ang mga sumusunod na posibleng paksa sa pananaliksik:
Pag-aaral ng mga hadlang sa pagtransisyon sa post-sekondaryong edukasyon, kabilang ang mga kailangan kredensiyal at ang pagkakaroon mga suportang naaangkop sa kultura (culturally safe)
Pagsusuri ng epekto ng mga serbisyo para sa kultura at wika ng Indigenous people at kurikulum tungkol sa pagtatagumpay sa edukasyon ng mga mag-aaral
Pagmamasid kung mayroong cultural safety training at accountability ang mga guro sa K-12
Pagsisiyasat ng epekto at pag-access sa inclusive na extra-curricular na aktibidad tulad ng sports
Maraming salik ang nakakaapekto sa kalusugan at well-being ng isang indibidwal, mula sa pagkakaroon ng ligtas na tirahan, katarungan at seguridad sa pagkain. Kapag pinagsama-sama ito, tinatawag ang mga salik na ito bilang mga panlipunang katangian ng kaligtasan (social determinants of safety).
Ipinagpapatuloy ng priyoridad na ito ang mga rekomendasyon sa pinal na ulat ng Missing and Murdered Indigenous Women and Girls para matiyak ng pamahalaan na makakakuha ng mga ligtas na serbisyo at imprastraktura ang mga Indigenous Peoples. Nagbibigay ito ng pagkakataon sa pamahalaan upang makapagpokus sa mga mas positibong resulta sa mga larangan ng kaligtasan, well-being at mas pangkalahatang pag-unawa sa sistemikong rasismo.
Nag-ooverlap ang priyoridad na ito sa iba pang mga larangan ng priyoridad, kung saan nabibigyang-pansin ang magkakaugnay na katangian ng mga sistemikong hadlang. Kabilang dito ang mga sumusunod na posibleng paksa sa pananaliksik:
Paghahanap ng tirahan, kabilang ang:
Pagsusuri kung mayroong ligtas na abot-kayang pabahay, kabilang dito ang mga tirahan sa mga reserve
Kalikasan, kabilang ang:
Pag-alam sa epekto ng climate change at malapit na paninirahan sa mga infrastructure at land development project (hal. mga processing plant, riles ng tren) sa kalusugan at well-being
Pag-alam ng mga kasanayan sa environmental at resource management, pati na rin ang pamamahala ng pagresponde sa mga kalamidad at pagsuporta sa mga Indigenous na komunidad
Pagsusuri kung paano maaaring mapatatag ng mga tradisyonal katutubong kaalaman at kagawian ang mga kasanayan sa proteksiyon ng kalikasan
Pagkakaroon ng ligtas na pampublikong transportasyon, kabilang ang:
Pagsusuri kung mayroong mga ruta gamit ang pampublikong transportasyon sa mga rural at malalayong komunidad papunta sa mga paaralan, lugar kung saan maaaring mag-shopping at makakakuha ng panlipunang serbisyo mula sa pamahalaan, tulad ng income assistance
Hustisya at kaligtasan ng komunidad, kabilang ang:
Pagmamasid sa pagkaepektibo ng mga programa at ibang suporta para sa community justice at kaligtasan ng komunidad para mabawasan ang labis na representasyon ng Indigenous Peoples sa sistema ng katarungang pangkrimen (criminal justice)
Pagsusuri ng epekto ng mga training program para sa cultural safety sa ating sistema ng hustisya, kabilang ang para sa mga kapulisan
Pag-unawa sa epekto ng karanasan ng rasismo, diskriminasyon, at profiling sa sistemang pangkatarungan sa kaligtasan ng mga tao.
Ingklusyong pang-ekonomiya (economic inclusion) at pagtatrabaho, kabilang ang:
Pagsusuri ng kawalan ng katarungan sa mga pagsasanay at gawi sa pagtanggap ng mga empleyado at rasismo sa lugar ng trabaho
Pagsisiyasat kung anong mga training at resources ang maaaring maibigay para masuportahan ang mga Indigenous people na nagtatrabaho at nagbibigay kontribusyon sa ekonomiya
Eksaminasyon ng mga oportunidad sa trabaho at pagkakaroon ng kita sa loob at labas ng reserve
Food security (seguridad na makakuha ng masustansiyang pagkain), kabilang ang:
Pagtingin sa mga food desert (lugar kung saan mahirap makahanap ng masustansiya at abot-kayang pagkain) at pagsusuri ng food sovereignty (pagkakaroon ng karapatang makakuha ng masustansiyang pagkain na angkop sa kultura) upang maunawaan kung paano nakakaapekto sa kalusugan at well-being ang pagkakaroon ng access sa mga tradisyonal na mapagkukunan ng pagkain at malinis na tubig
Malinaw na ipinahayag ng mga Indigenous Peoples na kailangan nating isagawa ang mga ito sa pamamagitan ng pamamaraang batay sa iba-iba at natatanging katangian (distinctions-based approach). Titiyakin nito na kinikilala, ginagalang at itinataguyod natin ang mga natatanging karapatan ng mga mamamayang First Nations, Métis at Inuit.
Mga priyoridad sa pananaliksik mula sa Anti-Racism Data Committee
Nagrekomenda ng siyam na priyoridad para sa 2025-2027 ang Anti-Racism Data Committee. Pito sa mga ito ay ipinagpapatuloy ang mga nakaraang priyoridad, habang mayroong dalawang bagong larangan ng pananaliksik.
Binibigyang-tuon ng priyoridad na ito ang pagsusuri ng diversity at equity sa recruitment (pagtanggap ng empleyado), retention (pagpapanatili ng empleyado sa trabaho) at pag-unlad ng propesyonal na karera sa iba’t ibang panig ng pamahalaan ng B.C. at sa mas malawak na hanay ng serbisyo publiko. Kabilang dito ang mga sumusunod na posibleng paksa sa pananaliksik:
Pag-alam ng mga hadlang sa recruitment, retention at pag-usad ng propesyonal na karera para sa mga Indigenous at racialized na empleyado sa BC Public Service
Pag-unawa sa representasyon sa mga ahensiya, board (lupon) at komisyon ng B.C., at ang mga hadlang na hinaharap sa pag-appoint ng mga Indigenous at racialized na indibidwal
Paano natin matutunan ang mga karanasan at pagkadalubhasa ng mga Indigenous at racialized na kawani ng BC Public Service upang makapagsulong ng mga aksiyon
Tuloy-tuloy na pagsubaybay sa diversity ng mga empleyado sa BC Public Service
Nakatuon ang priyoridad na ito sa pag-unawa ng mga sistemikong kawalan ng katarungan sa sistema ng hustisya sa B.C., kabilang ang kaligtasan ng mga komunidad at pagpapatupad ng batas. Kabilang dito ang mga sumusunod na posibleng paksa sa pananaliksik:
Mga interaksiyong kasama ang mga pulis, porsiyento ng mga pagkakulong at reklamo ng mga indibidwal na nakakulong
Pagsusuri ng hustisya kabilang ang paggamit at pagkakaroon ng mga serbisyo sa legal na tulong
Pag-alam sa mga sistemikong sanhi at epekto ng karahasan, kabilang ang pagsusuri kung mayroong makukuhang angkop na suporta para sa kaligtasan ng komunidad
Ebalwasyon ng mga programa para sa restorative justice (proseso ng hustisya na hinihikayat ang komunikasyon sa pagitan ng mga biktima, may sala, at komunidad upang malutas ang mga salungatan at pinsala na dulot ng isang krimen)
Nakapokus ang priyoridad na ito sa pag-unawa ng kalusugan at well-being ng mga Indigenous at racialized na indibidwal at kanilang mga karanasan kaugnay sa sistema ng health care. Kabilang dito ang mga sumusunod na posibleng paksa sa pananaliksik:
Pag-alam sa karanasan ng mga pasyente sa mga setting ng health care, kabilang ang rasismo at mga hadlang sa pagkuha ng mga serbisyo
Pagsusuri ng pagkaepektibo ng mga training, inisyatiba, patakaran at iba pang mga hakbang para magkaroon ng accountability o pananagutan kaugnay sa anti-racism at cultural safety (paggiging angkop sa kultura) para sa mga health care worker
Karagdagan at mas malawak na pagsisiyasat sa kalusugan at well-being, kabilang ang mga kronikong pangkalusugang kondisyon at kalusugan ng mga ina at sanggol
Pagsusuri ng epekto ng toxic drug supply sa mga racialized at Indigenous na mamamayan, kabilang ang kaugnay na pananaliksik tungkol sa mga serbisyo para sa reduksiyon ng pinsala.
Pag-alam ng epekto ng rasismo sa mental health at pagsusuri ng mga hadlang sa pagkuha ng mga serbisyo sa mental health, partikular para sa kabataan
Diversity sa sistema ng health care, kabilang dito ang mga propesyonal sa health-care at mga administrator
Nakapokus ang priyoridad na ito sa pag-unawa at pag-alam ng epekto ng sistemikong rasismo sa karanasan ng mga mag-aaral at resulta ng edukasyon mula maagang pagkabata hanggang post-secondary. Kabilang dito ang mga sumusunod na posibleng paksa sa pananaliksik:
Pagsusuri ng rasismo at bullying sa paaralan
Ebalwasyon ng mga inisyatiba laban sa rasismo sa sistema ng edukasyon
Diversity sa sistema ng edukasyon, lalo na sa mga posisyon ng liderato
Pag-alam sa epekto ng mga malaking pagkakaiba o agwat sa larangan, mga pathway at suporta sa edukasyon para sa mga racialized at Indigenous na mag-aaral sa K-12
Pagsusuri ng mga pagkakaiba sa akademikong pagganap, porsiyento ng mga nagtatapos at pagtransisyon sa post-sekondaryong edukasyon
Nakapokus ang priyoridad na ito sa pag-unawa at pag-alam ng well-being o pangkalahatang kalusugan ng mga Indigenous at racialized na mga bata, kabataan at mga pamilya, lalo na ang mga nasa pangangalaga ng welfare system. Kabilang dito ang eksaminasyon ng sistemikong rasismo sa child welfare system. Kabilang dito ang mga sumusunod na posibleng paksa sa pananaliksik:
Muling pagsasasama ng mga pamilya para sa mga kabataang o nasa pangangalaga ng welfare system, kung saan partikular na tinitingnan ang labis na representasyon ng mga maliliit na bata at kabataang Indigenous na nasa pangangalaga ng sistema.
Representasyon ng mga Indigenous at racialized na indibidwal sa child welfare system, kasama ang mga maliliit na bata, kabataan at mga nagtatrabaho sa sistemang ito.
Pagtuklas sa epekto ng child welfare system sa mga resultang pangkalusugan at wellness ng mga maliliit na bata at kabataang nasa pangangalaga ng sistema.
Nakapokus ang priyoridad na ito sa pag-unawa at pag-alam ng kawalan ng sistemikong katarungan na nararanasan ng mga Indigeous at racialized na indibidwal sa trabaho at kaugnay sa kanilang kita. Kabilang dito ang mga sumusunod na posibleng paksa sa pananaliksik:
Kita, pagkakaiba-iba sa yaman at paghahanapbuhay, kabilang ang anumang mga intergenerational na trend o pagbabago
Datos patungkol sa paghahanapbuhay at suweldo sa iba’t ibang sektor, uri at antas ng trabaho (hal. entry level, management, leadership)
Eksaminasyon ng sistemikong rasismo sa pagtatrabaho, kabilang ang pagsisiyasat na kaugnay sa pagkilala ng mga propesyonal na kredensiyal mula sa ibang bansa at ang epekto ng antas ng edukasyon sa pagtatrabaho
Pag-alam ng mga kawalan ng katarungang nararanasan ng mga self-employed na manggagawa, kabilang ang pagkakaroon ng access sa capital o puhunan at kung sistemikong rasismo sa trabaho ang nagtulak sa kanilang maging self-employed
Nakapokus ang priyoridad na ito sa pag-unawa ng mga sistemikong kawalan ng katarungan sa paghahanap ng tirahan, walang seguridad at hindi sapat na tirahan, at homelessness o pagkawala ng tirahan. Kabilang dito ang mga sumusunod na posibleng paksa sa pananaliksik:
Porsiyento, sanhi at epekto ng homelessness o pagkawala ng tirahan sa iba’t ibang demograpikong grupo, at mayroong partikular na pokus sa mga kabataan at mga pagkakaiba ng bawat rehiyon
Pag-alam sa mga karanasan ng mga umuupa kaugnay sa rasismo
Ebalwasyon ng mga programa para sa housing support (tulong kaugnay sa pagkakaroon ng tirahan), kabilang ang pagiging available ng mga ito sa iba’t ibang rehiyon
Nakapokus ang priyoridad na ito sa pag-unawa ng sistemikong rasismo kaugnay sa paglahok sa sports at ang epekto nito sa well-being ng mga kabataan. Kabilang dito ang mga sumusunod na posibleng paksa sa pananaliksik:
Mga hadlang sa pag-access sa inclusive sports at equity sa pamamagitan ng pagpopondo
Diversity sa liderato at iba pang posisyon sa loob ng mga organisasyong pang-isports
Pagsiyasat sa rasismo sa mga organized sports
Isports bilang isang mekanismo o paraan para sa pag-unlad at ingklusyon ng kabataan
Nakapokus ang priyoridad na ito sa pagtuklas at pagsusuri ng mga makukuhang datos, mga kulang na datos sa iba’t ibang panig ng pamahalaan, at kung ano ang mga hadlang sa pagkuha ng datos na ito. Ito ang unang hakbang upang matulungan ang mga ministry na mabawasan ang kasalukuyang agwat o pagkakaiba-iba ng datos at maibahagi ang kasalukuyang datos sa iba’t ibang bahagi ng pamahalaan at sa mas malawak na hanay ng pampublikong sektor upang maisulong ang pananaliksik tungkol sa sistemikong rasismo. Kabilang sa mga pagsisikap na ito ang:
Pagbuo ng isang imbentaryo o listahan ng datos at impormasyon na mayroon ang pamahalaan
Pag-alam kung paano nagagamit ang kasalukuyang datos at pag-alam ng mga kakulangan sa datos na kailangan sa pananaliksik tungkol sa sistemikong rasismo
Maraming oras at pagsisikap ang kailangang igugol para matukoy ng mga priyoridad sa pananaliksik. Maaaring mahirap pagnilayan ang mga karanasan ng rasismo, at nakakapekto ang gawaing ito sa ating emosyon at nararamdaman. Nagpapasalamat kami sa mga partner at mga indibidwal na nagbigay ng kontribusyon, at sa kanilang bukas-loob na pagbabahagi at pagtitiwala sa amin ng kanilang mga rekomendasyon.
Sa pamamagitan ng kanilang mga may konsiderasyong input, bumuo kami ng isang listahan ng mga priyoridad na sinasalamin ang interes ng mga Indigenous at racialized na komunidad, at makakatulong na magtulak ng pananaliksik sa iba’t ibang bahagi ng pamahalaan. Ang listahang ito ay isang malaking bahagi ng aming kasalukuyang pagsisikap upang matukoy at malutas ang sistemikong rasismo at maisulong ang panlahing katarungan sa mga susunod na taon.
Paano isasagawa ang pananaliksik?
Sa ilalim ng Anti-Racism Data Act, ninanais naming madagdagan ang tiwala, transparency, at accountability (pananagutan). At kasabay nito, mahalagang maiwasan at mabawasan ang mga pinsala sa Indigenous Peoples at mga racialized na komunidad.
Nakipagtulungan kami sa Anti-Racism Data Committee, at Indigenous Peoples para mabuo ang limang komitment sa pagsasagawa ng proseso. Ang mga komitment na ito ay ia-apply sa bawat proyekto ng pananaliksik na isasagawa sa ilalim ng Act.
Indigenous data sovereignty
Ginagabayan ito sa paraang batay sa pagkakaibaiba ukol sa Indigenous data sovereignty (karapatan ng isang Indigenous na pamahalaan na kontrolin ang datos tungkol sa kanila) at self-determination (sariling determinasyon).
Data justice
Parehong kinikilala ng data justice ang pinsalang nagawa sa mga komunidad, ganon din ang positibong epekto ng datos para maisulong ang equity (pagkamakatarungan) at panlipunang hustisya.
Ang isang indibidwal ay maaaring makaranas ng mahigit sa isang uri ng diskriminasyon at/o marginalisasyon.
Dapat isaalang-alang ng pananaliksik ang buong pagkakakilanlan o identidad habang ginagamit ang anti-racism at gender-based lens.
Transparency
Upang magkaroon ng tiwala, dapat tayong maging malinaw tungkol sa layunin at benepisyo ng pangongolekta ng datos.
Nangangahuluguan ito na makikipagtulungan tayo sa mga komunidad upang maunawaan kung paano at kailan magbahagi ng datos, pamamaraan, at mga natuklasan.
Patuloy na pakikilahok
Patuloy naming bubuuin at pagtitibayin ang mga ugnayan sa mga komunidad at mga partner.
Matitiyak nito na ang mga pangangailangan, karanasan, at kaalaman ng Indigenous Peoples at ibang pang mga racialized na mga indibidwal ang gagabay sa pagkolekta ng datos at pananaliksik.