Tapos na ang panahon para masagutan ang BC Demographic Survey. Mahigit 200,000 katao ang sumagot nito. Maraming salamat sa lahat ng sumagot ng survey.

Ang pagkakaiba ng anti-racism questionnaire at ng BC Demographic Survey

Pagpapanagot sa pamahalaan

Para masuportahan ang pagkolekta ng mga datos at paggamit nito, gumagawa kami ng mas malawak na lehislasyon para sa anti-racism.

Mahalaga ang input niyo!

Dahil dito, inilulunsad namin ang isang online questionnaire upang marinig ang saloobin ng mga mamamayan mula sa lahat ng background kung paano dapat tugunan ng pamahalaan ang sistemikong rasismo sa B.C.

Anonymous ang iyong feedback at matutulungan kami nito upang ang province ay maging mas maunlad para sa lahat.

Kailangan ng humigit-kumulang 7 – 12 minuto para masagutan ang questionnaire at masasagutan ito sa 15 wika.

Ano ang pagkakaiba ng BC Demographic Survey at ng anti-racism questionnaire?

Ang feedback na matatanggap namin sa pamamagitan ng anti-racism questionnaire ay makakatulong upang maunawaan namin kung anong mga suporta ang kailangan ng mga mamamayan upang mag-heal mula sa mga kasalukuyang kolonyal at panlahing trauma at kung papaano matutugunan sa pinakamabuting paraan ang sistemikong rasismo sa pamahalaan.

Anong uri ng mga tanong ang nakalagay sa questionnaire?

Tatanungin ang mga respondente kung paano dapat tugunan ng gobyerno ang rasismo, anong mga serbisyo ang pinakamakakapagbigay ng benepisyo kapag kinakaharap ang mga racist na insidente at ano ang mga pinakamahalagang salik sa pagbuo ng mga patakaran laban sa rasismo.

Anonymous ang lahat ng mga impormasyong nakalap at ang mga resulta ay ibabahagi sa publiko sa fall 2023.

Pwede ko bang sagutan ang questionnaire, kahit na hindi ako Indigenous o racialized (negatibong naaapektuhan ng panlahing diskriminasyon)?

Kahit na limitado ang aming ilang engagement para sa lehislasyong ito para sa Indigenous at racialized na mga mamamayan, alam naming mayroong iba’t ibang karanasan at mga opinyon ang bawat tao kung paano dapat tugunan ng pamahalaan ang sistemikong rasismo.

Mahalaga ang input ng lahat, at makakatulong ito sa amin na gawing mas maunlad at mas ingklusibo ang province.

Naghahanap ng karagdagang impormasyon?