Tapos na ang panahon para masagutan ang BC Demographic Survey. Mahigit 200,000 katao ang sumagot nito. Maraming salamat sa lahat ng sumagot ng survey.
Tumulong sa pagtugon sa mga puwang sa mga serbisyo ng pamahalaan ng B.C.
Bawat isa ay may karapatan na ma-access ang matatag na mga serbisyo publiko. Sa pamamagitan ng paggawa sa BC Demographic Survey, makakatulong ka sa pagtugon sa sistematikong kapootang panlahi sa B.C. at gawing mas pantay-pantay at mapagpabilang ang mga serbisyo publiko
15 minuto lamang ang kailangan para dito
Do your part!
Kung ikaw ay nakatira sa B.C. na may edad 13 gulang pataas, imbitado kang lumahok. Ang mga magulang o legal na mga tagapag-alaga ay maaaring gawin ang survey sa ngalan ng mga batang mas mababang edad sa 13.
Upang makilala ang sistematikong kapootang panlahi at iba pang mga anyo ng diskriminasyon sa institusyon, kailangan naming kilalanin kung saan ito nagaganap. Upang magawa ito, kailangan natin ng mas maraming impormasyon kung sino ang mga gumagamit ng mga serbisyo sa B.C., at kung paano ito gumagana para sa mga tao.
Gayunpaman, kinikilala at nirerespeto din namin ang karapatan ng tao sa privacy – lalo na tungkol sa kanilang pagkakakilanlan.
Kaya naman hinihiling namin sa mga tao na bulontaryong sagutin ang BC Demographic Survey, kesa magsagawa ng sapilitang census or pagtatanong ng mga impormasyong ito para lang ma-access ang mga serbisyo.
Sa pagpiling gawin ang survey – tumutulong ka upang gawing mas matibay at mas accessible ang mga serbisyo para sa lahat sa B.C.
Ang BC Demographic Survey ay may mga tanong tungkol sa etnisidad, kasarian, edukasyon, kita, at iba pang mga aspeto ng pagkakakilanlan. Lahat ng mga sagot sa survey ay mananatiling kumpidensyal/lihim.
Ang survey ay mayroon sa 15 mga wika:
- English
- Français
- 中文(简体)
- 中文(繁體)
- हिंदी
- عربى
- 日本語
- 한국어
- Português
- ਪੰਜਾਬੀ
- Español
- Tagalog
- اردو
- Tiếng Việt
- فارسی
Amg mga impormasyong kukolektahin namin para sa survey ay maiuugnay sa mga umiiral na impormasyon para makilala ang mga serbisyo kung saan nakakaranas ng mga hadlang o hindi nakakatanggap ng pantay-pantay na access.
Mga karaniwang tanong tungkol sa Pagsisiyasat sa Demograpiko ng BC
Ang Pagsisiyasat sa Demograpiko ng BC ay tutulong sa amin na matukoy ang sistematikong kapootang panlahi at pagbutihin ang aming mga serbisyo. Kung ikaw ay isang residente ng B.C. na may edad 13 taong gulang o higit pa, iniimbitahan kang lumahok.
Gustong malaman ang higit pa kung paano lumahok sa pagsisiyasat o kung paano gagamitin ang iyong impormasyon?
Declaration on the Rights of Indigenous Peoples Act
Ang survey na ito ay nabuo at inihahatid ng naaayon sa Declaration on the Rights of Indigenous Peoples Act kasama na dito ang mga karapatan ng mga katutubo na tukuyin ang kanilang sarili at pagmamay-ari ng kanilang mga datos.
Kaligtasan ng mga Datos
Ang iyong mga impormasyon ay kukolektahin, poprotektahan, at pananatilihing kumpidensyal/lihim ng BC Stats.
Ang impormasyong ibibigay mo ay kokolektahin sa ilalim ng:
Ang mga impormasyon na ibabahagi mo sa survey ay maaaring gamitin para sa ibang mga layuning pang istatistika at pananaliksik at/o maaaring ipagsama sa ibang survey o impormasyong pang-administratibo tulad ng edukasyon o mga talaan ng kalusugan.
Lahat ng mga impormasyong makakapagpakilala ay aalisin para maprotektahan ang privacy. Kapag ilalathala ang mga resulta ng survey, ang iyong mga sagot ay ipagsasama sa mga sagot ng iba upang ikaw ay hindi makikilala.
Tungkol sa BC Stats
Ang BC Stats ang siyang namumuno sa trabaho ng pangungolekta ng mga impormasyong ito.
Sila ang pinagkakatiwalaan naming pinanggagalingan ng istatistika tungkol sa mga tao at ekonomiya sa B.C.
Paano ka makakatulong sa pagtugon sa sistematikong kapootang panlahi sa B.C.
Dr. June Francis, Pinuno, Anti-Racism Data Committee, ay magbabahagi ng kanyang mga kaisipan sa kahalagahan ng pagkumpleto sa B.C. Demographic Survey.
Alam mo ba?
Noong June 1, 2023, naglabas kami ng mga prayoridad sa pananaliksik sa kapootang panlahi upang matulungan kaming itutok ang aming mga pagsisikap sa mga mahahalagang isyu para sa mga tao sa B.C. Ang mga impormasyon na kinulekta namin sa pamamagitan ng survey na ito ay gagamitin para makamit ang mga layunin sa mga prayoridad na ito.