Tapos na ang panahon para masagutan ang BC Demographic Survey. Mahigit 200,000 katao ang sumagot nito. Maraming salamat sa lahat ng sumagot ng survey.

Mga karaniwang tanong tungkol sa Pagsisiyasat sa Demograpiko ng BC

Mga Madalas na Itinatanong


Sa panahon ng pagbuo ng Batas sa Data ng Panlaban sa Kapootang Panlahi [Anti-Racism Data Ac], ang mga Katutubo, Itim at iba pang pinaglahing mga komunidad ay nanawagan sa amin na gumawa ng isang koordinadong diskarte sa pagkolekta ng impormasyon upang ang mga indibidwal ay hindi hilingin na magbigay ng parehong impormasyon nang maraming beses.

Sinabi rin sa amin ng mga komunidad na kailangan namin ng isang organisasyon na mamuno sa pagkolekta, paggamit at pagsisiwalat ng personal na impormasyon upang makatulong na matukoy ang sistematikong kapootang panlahi. Kailangan rin naming magbigay ng malinaw na direksyon kung paano kokolektahin ang impormasyong ito sa isang ligtas na kultura.

Kailangan namin ng mga tao sa lahat ng pinagmulan upang lumahok sa pagisiyasat na ito upang matulungan kaming pabutihin ang aming mga serbisyo – upang ang lahat ay tratuhin nang may dignidad at paggalang na nararapat sa kanila.Lahat ng taong naninirahan sa B.C. simula Hunyo 1, 2023 ay hinihikayat na lumahok.

Ang mga residente ng BC na may edad 13 taong gulang at mas matanda ay kalugud-lugod na kumpletuhin ang isang pagsisiyasat. Kung ang isang batang wala pang 13 taong gulang ay gustong lumahok, ang isang magulang o legal na tagapag-alaga ay kailangang kumpletuhin ang isang pagsisiyasat para sa kanila.

Isang sapalaran na sampol ng mga samhayan sa B.C. ay makakatanggap din ng liham na humihikayat sa kanila na kumpletuhin ang pagsisiyasat.

Nais naming maunawaan ang pagkakaiba-iba ng lahat ng nakatira sa B.C. Ang mga batang wala pang 13 taong gulang ay hindi hihilingin na kumpletuhin ang pagsisiyasat mismo. Sa halip, dapat kumpletuhin ang pagsisiyasat ng magulang, tagapag-alaga, o taong may pinakamaraming kaalaman tungkol sa bata sa ngalan ng bata.

Narinig namin mula sa maraming Katutubo at iba pang pinaglahing mga tao na sila ay naiiwan dahil ang mga serbisyo ng pamahalaan ay hindi idinisenyo na nasa isip sila. Ito ay nakakapinsala at nakakasakit at pinapahina ang aming layunin na maghatid ng malakas na mga pampublikong serbisyo para sa lahat.

Masasagutan ang survey mula Hunyo 6, 2023 hanggang Oktubre 15, 2023.

  • Lunes hanggang Biyernes mula alas 9 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi (Pasipiko)
  • Sabado mula alas 9 ng umaga hanggang alas 6 ng gabi (Pasipiko) (maliban sa mga piyesta opisyal)

Ang pagisiyasat ay may hanggang 19 na seksyon:

  • Seksyon 1: Katutubong Pagkakakilanlan
  • Seksyon 2: Ninuno
  • Seksyon 3: Lugar ng Kapanganakan
  • Seksyon 4: Kadaliang Kumilos
  • Seksyon 5: Katayuan ng Pagkamamamayan at Imigrasyon
  • Seksyon 6: Wika
  • Seksyon 7: Relihiyon at Espirituwalidad
  • Seksyon 8: Pagkakakilanlan ng Lahi
  • Seksyon 9: Kultura
  • Seksyon 10: Kasarian at Sekswalidad
  • Seksyon 11: Sekswal na Oryentasyon
  • Seksyon 12: Katayuan sa Pag-aasawa
  • Seksyon 13: Edukasyon
  • Seksyon 14: Personal na Kita
  • Seksyon 15: Kita ng Pamailya
  • Seksyon 16: Kapansanan
  • Seksyon 17: Data ng Soberanya ng Katutubo
  • Seksyon 18: Ginustong Diskarte para sa Hinaharap na Pagkolekta ng Demograpiko
  • Seksyon 19: Pananaliksik sa Panlaban sa Kapootang Panlahi sa Hinaharap

Habang kinokolekta na ng Pamahalaan ng Canada ang ilan sa impormasyong ito sa Sensus ng Populasyon ng Canada [Canadian Census of Population], ang impormasyon ay pinananatiling kumpidensyal ng Statistics Canada. Nangangahulugan ito na hindi namin ito magagamit upang matukoy ang mga puwang sa mga panlalawignag serbisyo.

Bagama’t nangongolekta kami ng ilang personal na impormasyon upang maghatid ng mga serbisyo sa B.C., sa pangkalahatan, hindi kami humihingi o nangongolekta ng impormasyon sa lahi, etnisidad, pananampalataya o katulad na mga salik ng pagkakakilanlan. Nangangahulugan ito na wala kaming data kung saan partikular na nahaharap ang mga tao sa mga hadlang kapag gumagamit ng mga serbisyo ng pamahalaan.

Hindi

Ang mga tanong sa pagsisiyasat na ito ay nakatuon sa mga paksa tulad ng etnisidad, kasarian, edukasyon, pati na rin ang iba pang aspeto ng pagkakakilanlan upang matulungan kaming maunawaan kung saan ang sistematikong kapootang panlahi ay nakakaapekto sa aming mga serbisyo.

Ibahagi ang iyong mga kaisipan tungkol sa kung paano mapabuti ng pamahalaan ang mga programa at mga serbisyo para matugunan ang mga pangangailangan ng mas maraming tao na nakatira sa British Columbia at tulungan kaming gawin ang B.C. na mas may pagkakapantay-pantay at mapagpabilang na lugar.

Ang pagsisiyasat na ito ay isang unang hakbang sa paggawa ng B.C. na mas inklusibo para sa lahat ng nakatira dito.

Ili-link namin ang impormasyong ibibigay mo sa pagsisiyasat sa umiiral na impormasyon upang suriin kung gaano kahusay gumagana ang iba’t ibang mga programa at mga patakaran para sa mga iba’t ibang tao. Makakatulong ito upang matukoy ang mga puwang at mga hadlang na pumipigil sa mga tao na lubos na makinabang mula sa mga pampublikong serbisyo tulad ng edukasyon, pangangalagang pangkalusugan at mga panlipunang suporta.

Gamit ang impormasyong ito, makakagawa kami ng mga may kaalamang pagbabago kung saan ang mga ito ay higit na kailangan. Makakatulong ito sa amin na mas matugunan ang mga pangangailangan ng lahat ng mga taong naninirahan sa British Columbia.

Napagtanto namin na ang ilang mga katanungan ay maaaring maramdamang personal. Mayroong ilang mga katanungan sa pagkakakilanlan na gagamitin upang patunayan ang iyong paninirahan sa B.C. at iugnay ang impormasyon ng pagsisiyasat sa iba pang impormasyong pang-administratibo tulad ng mga talaan sa kalusugan o edukasyon. Kinakailangan ang mga tugon para sa mga tanong na ito.

Para sa lahat ng iba pang mga tanong, maaari mong piliin ang ‘Hindi ko alam / hindi ako sigurado’ o ‘Mas ginustong hindi sagutin’ kung ayaw mong sagutin.

Ang lahat ng mga tugon ay pananatiling kumpidensyal. Ipapangkat ang iyong mga sagot kasama ng iba pang mga tugon at gagamitin upang makagawa ng mga pangkalahatang istatistika. Walang impormasyon ay ilalathala na maaaring makilala ang sinumang indibidwal o sambahayan.

Ang impormasyong nakolekta sa pamamagitan ng pagsisiyasat na ito ay isasama sa umiiral na impormasyon upang matukoy ang mga hadlang at mga puwang sa aming mga serbisyo. Ang mga resulta ng pagsisiyasat kasama ang mga pinabago sa kung paano namin ginagamit ang impormasyong ito ay makukuha sa unang bahagi ng 2024 sa antiracism.gov.bc.ca.

Pagkuha ng Pagsisiyasat


Kung nakatanggap ang iyong sambahayan ng isang liham ng imbitasyon, maaari mong i-scan ang QR code gamit ang kamera sa iyong mobile na aparato upang makuha ang pagsisiyasat o ilagay ang link ng pagsisisyasat sa address bar (hindi ang search bar) sa itaas ng iyong web browser.

  • Lunes hanggang Biyernes mula alas 9 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi (Pasipiko)
  • Sabado mula alas 9 ng umaga hanggang alas 6 ng gabi (Pasipiko) (maliban sa mga piyesta opisyal)

Oo.

  • Lunes hanggang Biyernes mula alas 9 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi (Pasipiko)
  • Sabado mula alas 9 ng umaga hanggang alas 6 ng gabi (Pasipiko) (maliban sa mga piyesta opisyal)

Ang pagsisiyasat ay tatagal ng humigit-kumulang 15 minuto sa bawat miyembro ng sambahayan.

Oo.

Ang bawat miyembro ng sambahayan ay kailangang kumpletuhin ang isang hiwalay na pagsisiyasat kung nais nilang lumahok. Maaari mong punan ang pagsisiyasat sa ngalan ng ibang tao sa iyong sambahayan. Kung ang isang batang wala pang 13 taong gulang ay gustong lumahok, ang isang magulang o legal na tagapag-alaga ay kailangang kumpletuhin ang isang pagsisiyasat para sa kanila.

Iminumungkahi namin na mayroon ka ng iyong pinagsamang Lisensya sa Pagmamaneho sa BC o Kard ng Mga Serbisyo sa BC [BC Services Card] kasama ang iyong Personal Numero ng Pangkalusugan [Personal Health Number] na magagamit. Hihilingin sa iyo na magpasok ng ilang impormasyon sa pagkakakilanlan upang makumpirma na ikaw ay residente ng B.C. at upang paganahin ang pag-uugnay sa umiiral nang administratibong impormasyon.

Hindi

Hindi mo kailangang ibigay ang iyong Personal na Numero ng Pangkalusugan. Gayunpaman, hinihikayat ka naming ibigay ito kung kumportable ka.

Hindi

Ang lahat ng personal na impormasyon tulad ng mga pangalan at tirahan ay ihihiwalay sa mga sagot sa pagsisiyasat. Walang impormasyon ay ilalathala na maaaring makilala ang isang indibidwal o sambahayan.

Gagamit ang BC Stats ng mga personal na pagkakakilanlan para sa mga layunin ng panloob na pagkakaugnay. Halimbawa, maaari naming pagsamahin ang iyong impormasyon mula sa pagsisiyasat na ito sa administratibong impormasyon tulad ng mga rekord sa kalusugan o edukasyon. Aalisin ang mga personal na pagkakakilanlan kapag nakumpleto na ito.

Mayroong ilang mga katanungan sa pagkakakilanlan na kinakailangan upang patunayan ang iyong paninirahan sa B.C. at iugnay ang impormasyon ng pagsisiyasat sa impormasyong pang-administratibo. Ang iba pang mga tugon ay boluntaryo.

Gayunpaman, ang bawat tanong ay nangangailangan ng sagot upang walang mga sagot na hindi sinasadyang nakaligtaan. Magkakaroon ka ng opsyong piliin ang ‘Mas gustong hindi sagutin’ o ‘Hindi ko alam / hindi ako sigurado’ kung hindi mo masagot o ayaw mong sagutin ang isang partikular na tanong.

Hindi

Ito ay isang boluntaryong pagsisiyasat at hindi mo kailangang kumpletuhin ito. Kung pipiliin mong hindi kumpletuhin ang pagsisiyasat, hindi mo kailangang ipagbigay-alam sa amin.

Oo.

Kapag sinimulan mo na ang pagsisiyasat, maaari mong i-klik ang buton na ‘Tumigil at ipagpatuloy mamaya’. Ihuhudyat kang maglagay ng email adres kung saan papadalhan ka namin ng dalawang email. Ang unang email ay maglalaman ng isang link upang bumalik sa talatanungan at ng isang akses code. Makakatanggap ka ng password sa isang hiwalay na email.

Upang makuha muli ang pagsisiyasat, i-klik ang link ng pagsisiyasat na ibinigay sa email at ilagay ang iyong akses code at password.

Ipapasok ka muli sa pagsisiyasat mula sa kung saan ka tumigil. Maaari mo ring gamitin ang impormasyong ito upang ipagpatuloy ang iyong pagsisiyasat sa isang ahente ng telepono.

Sa pamamagitan ng pag-klik sa ‘Isumite’ na buton, isusumite mo ang iyong mga sagot sa Pagsisiyasat sa Demograpiko ng BC. Kung nais mong baguhin ang iyong mga tugon, punan ang isa pang pagsisiyasat at isasaalang-alang namin ang iyong mga pinakahuling tugon bilang pinakatumpak.

Kadaliang Ma-akses at Wika


Ang pagsisiyasat ay iaalok sa 15 mga wika kabilang ang Arabo, Intsek (Tradisyonal at Pinasimple), Ingles, Farsi, Pranses, Hindi, Hapon, Koreano, Portuges, Punjabi, Espanyol, Tagalog, Urdu at Vietnamese.

Oo.

Ang pagsisiyasat ay naa-akses para sa mga mambabasa ng screen.

  • Lunes hanggang Biyernes mula alas 9 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi (Pasipiko)
  • Sabado mula alas 9 ng umaga hanggang alas 6 ng gabi (Pasipiko) (maliban sa mga piyesta opisyal)

Maaaring kumpletuhin ang pagsisiyasat sa anumang mobile na aparato o desktop na kompyuter na may magagamit na internet.

  • Lunes hanggang Biyernes mula alas 9 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi (Pasipiko)
  • Sabado mula alas 9 ng umaga hanggang alas 6 ng gabi (Pasipiko) (maliban sa mga piyesta opisyal)

Pagkapribado at Pagiging Kompidensyal


Makikipagtulungan kami sa mga organisasyon ng First Nations at Métis sa B.C. upang bumuo ng isang modelo sa paggawa ng desisyon at hindi gagamit ng impormasyon o ilathala ang mga istatistika tungkol sa mga Nation nang walang direksyon ng mga Nation na iyon. Magbasa nang higit pa tungkol sa aming mga pangako sa data ng soberanya ng Katutubo para sa mga tao ngFirst Nations at Métis.

Ang Pagsisiyasat sa Demograpiko ng BC ay kompidensyal ngunit hindi anonimo.

Ang impormasyon na iyong ibibigay ay ipapangkat kasama ng iba pang mga tugon at gagamitin upang makagawa ng mga pangkalahatang istatistika. Walang impormasyon ay ilalathala na maaaring makilala ang sinumang indibidwal o sambahayan.

Ang BC Stats ay may higit sa 100 taong karanasan sa ligtas na pagkolekta ng impormasyon at paggamit ng data upang makatulong na mapabuti ang mga serbisyo para sa mga residente ng B.C. Ang lahat ng mga tugon sa pagsisiyasat na ito ay pananatiling kumpidensyal at ligtas na maiimbak na may limitadong paggamit sa mga piling empleyado lamang ng BC Stats.

Ang impormasyong nakolekta sa pamamagitan ng pagsisiyasat na ito ay isasama sa umiiral na impormasyon upang matukoy ang mga hadlang at mga puwang sa aming mga serbisyo.

Sa impormasyong ito, gagawa kami ng may kaalamang mga pagbabago sa aming mga serbisyo at mga target na suporta kung saan ang mga ito ay pinaka-kailangan upang mas mahusay na mapaglingkuran ang lahat ng mga taong naninirahan sa British Columbia.

Ang mga resulta ng pagsisiyasat kasama ang mga pinabago sa kung paano namin ginagamit ang impormasyong ito ay makukuha sa unang bahagi ng 2024 sa antiracism.gov.bc.ca.