Taunang release para sa 2025

Noong Mayo 30, 2025, inilabas namin ang mga bagong natuklasan mula sa anti-racism research. Nakatuon ang mga ito sa:
- Update tungkol sa racial diversity at equity sa BC Public Service
- Representasyon sa iba’t ibang ahensiya, board at komisyon ng B.C.
- Pagkakaiba-iba ng sweldo (wage disparity) ng mga trabaho sa iba’t ibang bahagi ng B.C.
Paglabas ng estatistika
Ang mga materyal na ito ay inilabas sa ilalim ng section 19 ng Anti-Racism Data Act. Bago ito nilathala, sinuri ito ng Anti-Racism Data Committee at mga entidad para sa pamamahala ng Indigenous Peoples.

Pagpapahusay ng representasyon sa mga board o lupon ng B.C.
Isang pag-aaral ng mga ahensiya, board at komisyon ng B.C. upang malaman kung paano nagbago ang representasyon sa paglipas ng panahon.
Tungo sa makaratarungan at patas na sahod para sa lahat
Isang pagsusuri ng mga sahod para sa 26 trabaho sa B.C. upang malaman ang pagkakaiba ng bayad sa pagitan ng mga racialized at white na manggagawa.


Tungo sa mas diverse na BC Public Service
Isang in-update na pag-aaral na sinusuri ang representasyon ng mga lahi ng mga empleyado ng BC Public Service noong 2024.
Karagdagang impormasyon
Noong Mayo 30, 2024, naglabas kami ng ilang ulat na kaugnay sa aming mga pagsisikap sa ilalim ng Anti-Racism Data Act. Kabilang dito ang:
- Mga updates sa tatlong priyoridad ng pananaliksik sa anti-racism
- Ulat ng Progreso para sa Ikalawang Taon
- Isang ulat tungkol sa aming pamamaraan sa BC Demographic Survey
