Taunang release para sa 2024

Noong May 30, 2024, naglabas kami ng :
- Mga update para sa tatlo ng aming mga priyoridad sa pananaliksik ukol sa anti-racism
- Isang ulat tungkol sa aming pamamaraan para sa BC Demographic Survey
- Isang progress report tungkol sa pagpapatupad ng Anti-Racism Data Act
Paglalathala ng estadistika
Ang mga materyal na ito ay inilabas sa ilalim ng section 19 ng Anti-Racism Data Act. Bago ito nilathala, sinuri ito ng Anti-Racism Data Committee at mga entidad para sa pamamahala ng Indigenous Peoples.

Ulat Tungkol sa Kalagayan ng Kalusugan sa Iba’t ibang Populasyon sa B.C.
Isang pag-aaral ng mga karaniwang talamak na kundisyon sa kalusugan upang simulan ang isang mas malaking diskusyon tungkol sa hindi pantay na mga pagkakataon para sa pag-iwas at pamamahala ng kronikong sakit.
Pag-access sa mga suporta sa pag-aaral para sa K-12 system ng B.C.
Isang pag-aaral na sinusuri ang porsiyento ng pagpopondo para sa espesyal na edukasyon para sa mga mag-aaral sa iba’t ibang grupo ng lahi upang malaman kung paano kinikilala ng mga paaralan ang kanilang iba’t iba at natatanging pangangailangan.


Racial Diversity sa BC Public Service
Isang pag-aaral na sinusuri ang panlahing representasyon sa BC Public Service at mga trabaho para sa mga intern na lumahok sa Indigenous Youth Internship Program.
BC Demographic Survey
Ang ulat na ito ay nagbibigay ng mas maraming impormasyon tungkol sa aming pamamamaraan ukol sa BC Demographic Survey, kabilang ang:
- Kung paano namin dinisenyo ang mga tanong
- Aming paraan para maabot ang iba’t ibang demograpiko
- Kung paano tumutugma ang mga sagot sa 2021 Census

Mga ibang inisyatiba
Alamin ang aming mga nagawa sa loob ng nakaraang taon sa iba pang mga proyekto sa ilalim ng Anti-Racism Data Act.

Ulat ng Progreso para sa Ikalawang Taon
Ang ulat na ito ay naglalaman ng mga update sa trabaho namin upang tugunan ang sistemikong rasismo sa aming mga programa at mga serbisyo.
Kasama dito :
- Ang aming patuloy na trabaho sa pagpapatayo kasama ang mga Indigenous Peoples at ang Anti-Racism Data Committee
- Mga unang natuklasan mula sa aming mga prayoridad sa pananaliksik ukol sa anti-rasismo
- Ang aming pamamaraan sa BC Demographic Survey at ano ang natutunan namin
- Paano namin itinataguyod ang pangkulturang kaligtasan sa aming pananaliksik
Karagdagang impormasyon
Noong Mayo 29, 2023, inilabas namin ang aming unang ulat sa aming trabaho sa ilalim ng Anti-Racism Data Act. Gayundin, nagpuwesto kami ng isang gabay upang matulungan ang mga mananaliksik na maunawaan kung paano gamitin ang lahi at etnisidad sa kanilang trabaho.
