
Pagkilala sa mga Alagad ng Sining
Nagbibigay-kwento ang mga Likhang Sining
Ang sining ay isang makapangyarihang paraan na makakatulong sa ating matuto tungkol sa lipunan at iba’t ibang kultura, at mapagnilayan ang ating mga pananaw tungkol sa mundo.
Sa iba’t ibang bahagi ng B.C., ginagamit ng mga alagad ng sining ang kanilang mga likha upang ipagdiwang ang kanilang mga tradisyon at itaguyod ang kanilang mga komunidad. Upang mabigyang-tuon ang kanilang mga biswal na paglalahad, hiniling namin sa mga artist na ibahagi ang kanilang mga likha upang masuportahan ang Anti-Racism Data Act. Nagpapasalamat kami sa kontribusyon ng bawat isa.
Kilalanin ang mga alagad ng sining

Adam Lewis
Si Adam Lewis ay isang artist na Kwakwaka’wakw mula sa Cape Mudge Village, B.C. Si Adam ay isang nang manlilikha mula nang siya’y bata pa at nagsimula sa paggawa ng mga acrylic canvas painting at aerosol mural. Ang Northwest Coast formline na likha ni Adam ay kaniyang maalab na interes, kung saan natutulungan siyang mapanatili ang ugnayan sa kaniyang mga ninuno at Laichkwiltach people.
Same Same
Nirerepresenta ng “Same Same” ang magkaisang sangkatauhan ng lahat ng mga nilalang. Binibigyang diin nito ang kagandahan ng pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at ipinagdiriwang ang mga paraan kung paano napapasigla ng iba’t ibang kultura at pamumuhay ang ating mundo.
Para makita pa ang ibang likha ni Adam, pumunta sa visit adamlewisart.com


Anita Cheung
Si Anita Cheung (Neets) ay isang artist, illustrator at designer. Bilang anak ng mga refugee, siya ay nagpapasalamat na naghahanapbuhay at naninirahan sa mga tradisyonal na teritoryong hindi isinuko (unceded) ng xʷməθkʷəy̓əm (Musqueam), Sḵwx̱wú7mesh (Squamish), at səlilwətaɬ (Tsleil-Waututh) Nations, na tinatawag ring Vancouver, B.C.
Palaging hinahanap ni Anita ang kamanghaan sa kaniyang paligid. Dahil dito, ang kaniyang mga likha ay nagpapakita ng kabaitan at pagiging malapit sa ating kapwa, pagkamasiyahin at ginagawa ang mga ito para sa mga pusong-bata. Gumagamit siya ng mga tradisyonal na materyales at gumugupit ng papel upang gumawa ng likhang sining na may tekstura na batay sa mga pang-araw-araw na pangyayari.
Magnolia Daydream
Ang mga magnolia ay isang uri ng halaman na sabay nangyayari ang pagbuo ng mga binhi at pamumulaklak para sa susunod na taon. Ipinapakita ng talinghagang ito na maaari nating bitiwan ang mga bagay na hindi natin mako-control habang nanatiling mayroong tiwala sa hinaharap. Sa pamamagitan ng karunungang ito na hango sa kalikasan, ang Magnolia Daydream ay nagsisilbing isang palatandaan na may kagandahan sa pagpapakawala.
Para makita pa ang ibang likha ni Anita, pumunta sa neets.art


Anthony Joseph
Ipinanganak nang mayroong matinding interes sa pagkukulay, lumaki sa Anthony Joseph sa Montréal, Quebec at dito siya nagkaroon ng maagang interes sa paglikha ng mga biswal na mayroong matingkad na kulay, kung saan naimpluwensiyahan siya ng mga pang-umagang cartoon na ipinapalabas kapag Sabado at fresco paintings sa simbahan kapag pinupuntahan nila ito kada linggo nang umaga. Hindi nagtagal bago lumipat si Anthony sa Vancouver, B.C. dahil sa kaniyang pagmamahal sa paglikha ng sining, kung saan nag-aral siya ng art and animation sa Emily Carr University of Art + Design. Kasalukuyang naninirahan si Anthony sa Vancouver, kung saan ginagawa niya ang iba’t ibang proyekto sa fine art, paggawa ng damit at animation.
The Crump Twins
Ang seksyon ng The Crump Twins mula sa mural na Hope Through Ashes: A Requiem for Hogan’s Alley. Lumilitaw sa gitna ng usok na may himig ay sina Ronnie at Robert Crump, na mas kilala bilang The Crump Twins. Mula pa sa murang edad, naging isa sila sa pinakakilalang mga tagapagtanghal sa Vancouver, nagtatanghal sa lokal at pambansang eksena ng musika na may kasamang pag-awit, tap dancing, at komedya.
Para makita pa ang ibang likha ni Anthony, pumunta saadoworks.net


Daphne Odjig
Si Daphne Odjig ay isang Canadian artist na may ninunong Aboriginal, na pumanaw sa Kelowna, B.C. sa edad na 97. Ilan sa mga tagumpay ni Daphne ay ang pagiging unang babaeng manlilikha na nakapag-exhibit sa National Gallery of Canada (2009), pagtanggap ng Order of Canada at Order of British Columbia, pagtanggap ng Seven Honorary Degrees at isang nasyonal na Aboriginal Achievement Award. Sinabi mismo ni Daphne na “Masaya na ako kung ang aking mga likha bilang alagad ng sining ay nakatulong upang makapagbukas ng pintuan para magkaroon ng ugnayan ang aming mga komunidad at mga non-native na komunidad.”
The Grand Entrance, 1989
Ang “The Grand Entrance” ay isang paglalarawan ng pagpasok ng mga dumadalo sa lugar ng sayawan sa simula ng isang powwow.
Para makita pa ang ibang likha ni Daphne, pumunta sa odjig.com


Dorcas Markwei
Si Dorcas Markwei ay isang multidisciplinary artist at designer na naninirahan sa Vancouver, BC. Siya ay may maalab na interes na ipagsanib ang pagiging pagkamalikhain at functionality. Mula sa kaniyang pormal na pag-aaral at pagsasanay sa fine art, fashion design, graphic design at UX design, ipinapakita niya ang malawak na pananaw sa kaniyang mga likha. Ang kaniyang pagsasanay sa iba’t ibang larangan ay nakatulong para lumikha ng mga kapansin-pansin at may layong disenyo na maunawaan ng madla. Gabay ng pilosopiyang binabalanse ang estetiko at usability, nililikha ni Dorcas ang bawat proyekto nang may empatiya, kung saan tinitiyak niyang hindi lamang maganda ang kaniyang mga gawa, ngunit may kabuluhan rin at may magandang epekto.
The Many Hats
Pinararangalan ng likhang ito ang napakaraming papel na ginaganapan natin sa ating pang-araw-araw na buhay—bilang tagapangalaga, lider, manlilikha, kaibigan at iba pa. Mula sa inspirasyon ng katatagan at kakayahang umayon ng mga indibidwal na banayad at tuloy-tuloy na papalit-palit ng mga responsibilidad, ang The Many Hats ay isang biswal na representasyon ng kalakasan, pleksibilidad at kagandahan ng pagtanggap sa bawat mukha ng ating mga sarili.
Para makita pa ang ibang likha ni Dorcas, pumunta sa lynsowcreative.com


Eileen Fong
Si Eileen Fong, isang alagad ng sining na bihasa sa iba’t ibang uri ng paglikha at mula sa iba’t ibang kultura, ay ipinanganak sa bansang Tsina, lumaki sa Hong Kong at kalaunang lumipat sa Canada.
Nang makapagtapos siya sa kaniyang pag-aaral sa BCIT sa larangan ng Nuclear Medicine at kalaunan sa Chemistry, sumabak si Eileen sa sektor at industriya ng kalusugan. Sa kabila nito, ang kaniyang kagustuhang tuklasin ang mga bagong mukha ng buhay at muling balikan ang kaniyang pinagmulan ay nagtulak sa kaniyang tuklasin ang Chinese brush painting. Sa ilalim ng patnubay ng ilang master painter, hinulma niya ang kaniyang kakayahan sa pagpinta at nakahanap ng inspirasyon sa kalikasan. Naipakita ni Eileen ang kaniyang mga likha sa pamamagitan ng mga solo exhibition sa iba’t ibang bahagi ng B.C.
Serenity in Dr. Sun Yat-Sen Garden
Gamit ang watercolor at nakapinta sa rice paper, ang likhang ito ay nagpapakita ng kapayapaan sa isang classical Chinese Garden. Mayroong apat na pangunahing elemento ng disenyo sa isang classical Chinese Garden: tubig, mga bato, mga halaman at arkitektura. Binabalanse ang mga ito upang magkaroon ng harmoniya o pagkakaisa. Ito ay isang lugar kung saan maaari tayong makahanap ng kapayapaan para makapagnilay at makahanap ng inspirasyon. Ang Dr. Sun Yat-Sen Classical Chinese Garden ay itinayo ng mga artisan mula Suzhou gamit ang mga technique mula sa ika-15 siglo nang hindi gumagamit ng mga power tools, screws o pako.
Para makita pa ang ibang likha ni Eileen, pumunta sa eileenfong.com


Jamie Nole
Si Jamie Nole ay isang manlilikha mula sa Northwest Coast at mula sa Tahltan Nation at Ganada House – Frog crest ng Nisga’a Nation. Siya ay kasalukuyang naninirahan sa Terrace, B.C. Siya ay isang manlilikhang maraming talento sa paglikha ng mga eskulturang kahoy, pagpipinta, graphic designing at kadalasang paggawa ng mga likha mula sa tela at metal. Nag-aral si Jamie sa Freda Diesing School of Northwest Coast art ng Coast Mountain College. Pagkatapos mag-aral ng tatlong taon para makuha ang kaniyang advanced diploma, pinapatakbo niya ang isang eShop mula 2016. Bilang isang nanay na maraming anak at maraming kailangan gawin, nakakahanap pa rin siya ng oras para lumikha ng kaniyang sining.
Awareness and Acceptance
Nagkaroon si Jamie ng inspirasyong lumikha dahil sa kaniyang tatlong anak na na-diagnose ng autism. Nirerepresenta ng mga hugis at hitsurang nakikita sa disenyo ang kaibahan ng kaisipan ng mayroong autism kumpara sa mga neurotypical (karaniwang) kaisipan. Ang silhoutte ay ang kaniyang anak na 4 na taong gulang at mahilig magkulay ng mga bahaghari. Kinakatawan ng iba’t ibang kulay na spectrum ang autism.
Para makita pa ang ibang likha ni Jamie, pumunta sa jamienole.com


James Groening
Si James Groening, o Blue Sky, ay isang manlilikhang Cree mula sa Kahkewistahaw Band, Turtle Island na kasalukuyang naninirahan sa Burnaby. Inampon ng kaniyang lolo at lola na lahing puti noong Sixties Scoop, lumaki si James sa isang komunidad sa isang palayan sa Plains Cree Territory, na kilala rin bilang Manitoba. Pagkatapos makilala ang kaniyang biyolohikal na ina at matutunan ang kaniyang pamanang lahi, natuklasan niya ang mga uri ng Coast Salish na sining, at nagbigay ito ng inspirasyon sa kaniya upang masimulan ang kaniyang pagtahak ng landas upang i-reclaim ang kaniyang Indigenous na identidad.
Bilang isang nagiging kilalang manlilikha, nakapag-exhibit na si James sa Arts Council of New Westminster, Skwachàys Lodge Aboriginal Hotel and Gallery, at sa Massey Arts Society.
Me and Myself
Sa katahimikan ng ating mga buhay, marami tayong nagiging pagkakamali. Ngunit para magpatuloy ang buhay, kailangan nating maging panatag sa ating mga sarili na kaya nating magbago para sa mas ikabubuti. Ang nakikita sa likhang ito ay ang paglalawaran ng nararamdaman ni James kung saan mas panatag na siya sa kaniyang sarili bilang isang lalaking Indigenous mula sa panahon ng Sixties Scoop. Napakamakapangyarihan ng mga kulay at ang pagbabahagi nito ay maaaring makatulong sa paghilom ng mundo.
Para makita pa ang ibang likha ni James, pumunta sa blueskynativeart.square.site


Mike Alexander
Si Mike Alexander ay isang nagiging kilalang visual artist at manunulat na Anishinaabe. Siya ay mula sa Swan Lake First Nation sa Treaty #1 Territory at kasalukuyang naninirahan at naghahanapbuhay sa Vancouver, B.C. Pinaampon sa isang pamilyang hindi Indigenous pagkatapos maipanganak, si Mike ay survivor ng Sixties Scoop at isang second-generation survivor mula sa panahon ng mga Residential School na lumaki sa Winnipeg bago lumipat sa B.C. noong 2015.
Nakatanggap si Mike ng iba’t ibang grant mula sa Kamloops Arts Council, First Peoples Cultural Council, BC Arts Council at pati na rin sa Canada Council for the Arts, at siya ay kasalukuyang nagsasanay bilang isang full time artist na mayroong mga likhang naibenta sa iba’t ibang bansa. Ipinagdiriwang ni Mike ang kaniyang kasalukuyang reklamasyon ng kultura sa pamamagitan ng sining bilang isang proseso ng dekolonisasyon, paghilom at muling pagbuhay ng kultura (cultural revitalization).
Continuum
Ang likha ni Mike ay isang tuloy-tuloy na proseso ng muling pagsasama at pagkakaisa ng kultura at pamilya; ito ang pagdiriwang ng kaniyang karanasan sa paghilom upang mamuhay nang marangal. Sa likhang pinta na ito, nais ipahayag ni Mike ang katatagan na kaniyang nakikita sa mga indibidwal at ang pag-asang kaniyang nararamdaman. Ipinapaalala nito sa atin na hindi tayo nag-iisa at posibleng mangyari ang muling pagkakaroon ng ugnayan.
Para makita pa ang ibang likha ni Mike, pumunta sa thunderclouddesigns.org


Rozita Moini-Shirazi
Isang Iranian Canadian interdisiplinary artist, tinutuklas ni Rozita Moini-Shirazi ang mga panlipunan at kultural na kontemporaryong isyu sa pamamagitan ng pagpipinta, ilustrasyon, potograpiya at paggawa ng installation art. Siya ay nanirahan sa Iran hanggang siya ay 21 taong gulang kung saan naranasan niya ang digmaang Iran at Iraq at nakitang makulong o mapatay ng bagong tatag na Islamic na pamahalaan ang kaniyang mga mahal sa buhay. Nangako siyang gagamitin ang kaniyang sining upang wasakin ang kawalan ng katarungan, magtatag ng pagkakaisa, pagkakapantay-pantay at pagmamahal.
Matapos lumipat sa Germany noong 1984 at sa Canada noong 1990, nag-aral siya ng Communication Design at nakapagtapos ng BFA mula sa Emily Carr Univerisity, MFA mula sa Tehran Azad University, at M.Ed. mula sa University of Victoria. Siya ay kasalukuyang naninirahan sa Richmond, B.C. at nagtuturo sa Emily Carr at nagsasagawa ng mga exhibit na bahagi ng mga pribado at pampublikong koleksiyon.
Togetherness
Tinutuklas ng likhang pintang ito ang pagkakaisa, pagkamatatag at ang kapangyarihan ng diversity o pagkakaiba-iba. Sinisimbulo ng mga pekulyar ngunit magkakaugnay na hugis ang isang mundong pinapatatag ng mga pagkakaiba kaysa pinaghihiwalay nito. Sa gitna ng mga hamong kinakatawan ng pulang ahas, nananaig ang pagkakaisa sa pamamagitan ng karunungan at pagkakaunawaan. Sinasalamin nto ang pagiging bahagi, pakikisama at ang pangmatagalang katatagan ng komunidad.
Para makita pa ang ibang likha ni Rozita, pumunta sa rozitamoinishirazi.com
