Tapos na ang panahon para masagutan ang BC Demographic Survey. Mahigit 200,000 katao ang sumagot nito. Maraming salamat sa lahat ng sumagot ng survey.
Mga karaniwang tanong tungkol sa Pagsisiyasat sa Demograpiko ng BC
Ang Pagsisiyasat sa Demograpiko ng BC ay tutulong sa amin na matukoy ang sistematikong kapootang panlahi at pagbutihin ang aming mga serbisyo. Kung ikaw ay isang residente ng B.C. na may edad 13 taong gulang o higit pa, iniimbitahan kang lumahok.
Ang pagisiyasat ay boluntaryo. Ang iyong impormasyon ay kokolektahin, poprotektahan at pananatiling kumpidensyal ng BC Stats.
Mga Madalas na Itinatanong
Ipapaalam ng pagsisiyasat na ito ang aming mga pagsisikap na tukuyin ang sistematikong kapootang panlahi sa mga programa at mga serbisyo ng pamahalaan at gawin ang B.C. na mas makakatarungan na lalawigan.
Narinig namin mula sa maraming Katutubo at iba pang pinaglahing mga tao na sila ay naiiwan dahil ang mga serbisyo ng pamahalaan ay hindi idinisenyo na nasa isip sila. Ang impormasyong kinokolekta namin sa pamamagitan ng Pagsisiyasat sa Demograpiko ng BC ay makakatulong sa pagtukoy ng mga puwang sa aming mga serbisyo upang magawa namin ang mga ito na mas madaling ma-akses at inklusibo.
Sa panahon ng pagbuo ng Batas sa Data ng Panlaban sa Kapootang Panlahi [Anti-Racism Data Ac], ang mga Katutubo, Itim at iba pang pinaglahing mga komunidad ay nanawagan sa amin na gumawa ng isang koordinadong diskarte sa pagkolekta ng impormasyon upang ang mga indibidwal ay hindi hilingin na magbigay ng parehong impormasyon nang maraming beses.
Sinabi rin sa amin ng mga komunidad na kailangan namin ng isang organisasyon na mamuno sa pagkolekta, paggamit at pagsisiwalat ng personal na impormasyon upang makatulong na matukoy ang sistematikong kapootang panlahi. Kailangan rin naming magbigay ng malinaw na direksyon kung paano kokolektahin ang impormasyong ito sa isang ligtas na kultura.
Bilang ahensya ng istatistika ng lalawigan, napili ang BC Stats upang isagawa ang pagsisiyasat na ito. Mayroon kaming higit sa 100 taong karanasan sa ligtas na pagkolekta ng impormasyon at paggamit ng data upang makatulong na mapabuti ang mga serbisyo para sa mga residente ng B.C.
Kailangan namin ng mga tao sa lahat ng pinagmulan upang lumahok sa pagisiyasat na ito upang matulungan kaming pabutihin ang aming mga serbisyo – upang ang lahat ay tratuhin nang may dignidad at paggalang na nararapat sa kanila.Lahat ng taong naninirahan sa B.C. simula Hunyo 1, 2023 ay hinihikayat na lumahok.
Ang mga residente ng BC na may edad 13 taong gulang at mas matanda ay kalugud-lugod na kumpletuhin ang isang pagsisiyasat. Kung ang isang batang wala pang 13 taong gulang ay gustong lumahok, ang isang magulang o legal na tagapag-alaga ay kailangang kumpletuhin ang isang pagsisiyasat para sa kanila.
Isang sapalaran na sampol ng mga samhayan sa B.C. ay makakatanggap din ng liham na humihikayat sa kanila na kumpletuhin ang pagsisiyasat.
Nais naming maunawaan ang pagkakaiba-iba ng lahat ng nakatira sa B.C. Ang mga batang wala pang 13 taong gulang ay hindi hihilingin na kumpletuhin ang pagsisiyasat mismo. Sa halip, dapat kumpletuhin ang pagsisiyasat ng magulang, tagapag-alaga, o taong may pinakamaraming kaalaman tungkol sa bata sa ngalan ng bata.
Narinig namin mula sa maraming Katutubo at iba pang pinaglahing mga tao na sila ay naiiwan dahil ang mga serbisyo ng pamahalaan ay hindi idinisenyo na nasa isip sila. Ito ay nakakapinsala at nakakasakit at pinapahina ang aming layunin na maghatid ng malakas na mga pampublikong serbisyo para sa lahat.
Upang matukoy ang mga problema sa loob ng aming mga kasalukuyang serbisyo, kailangan namin ng impormasyon tungkol sa kung ano ang gumagana, kung ano ang hindi gumagana at para kanino. Nilikha namin ang Pagisisyasat sa Demograpiko ng BC sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga Katutubo at iba pang pinaglahing mga komunidad. Makakatulong ito na ipaalam sa aming mga pagsisikap na tukuyin ang sistematikong kapootang panlahi at gawin ang B.C. na mas makatarungan na lalawigan.
Masasagutan ang survey mula Hunyo 6, 2023 hanggang Oktubre 15, 2023.
Ang pagsisiyasat ay makukuha sa online at sa pamamagitan ng telepono sa 15 mga wika, kabilang ang Ingles. Kung gusto mong kumpletuhin ang pagsisiyasat sa telepono, mangyaring tawagan kami sa: 1-833-376-2452 libreng tawag upang makipag-usap sa aming pansuportang pangkat. Mayroon kaming mga miyembro ng pangkat na magagamit:
- Lunes hanggang Biyernes mula alas 9 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi (Pasipiko)
- Sabado mula alas 9 ng umaga hanggang alas 6 ng gabi (Pasipiko) (maliban sa mga piyesta opisyal)
Ang pagisiyasat ay may hanggang 19 na seksyon:
- Seksyon 1: Katutubong Pagkakakilanlan
- Seksyon 2: Ninuno
- Seksyon 3: Lugar ng Kapanganakan
- Seksyon 4: Kadaliang Kumilos
- Seksyon 5: Katayuan ng Pagkamamamayan at Imigrasyon
- Seksyon 6: Wika
- Seksyon 7: Relihiyon at Espirituwalidad
- Seksyon 8: Pagkakakilanlan ng Lahi
- Seksyon 9: Kultura
- Seksyon 10: Kasarian at Sekswalidad
- Seksyon 11: Sekswal na Oryentasyon
- Seksyon 12: Katayuan sa Pag-aasawa
- Seksyon 13: Edukasyon
- Seksyon 14: Personal na Kita
- Seksyon 15: Kita ng Pamailya
- Seksyon 16: Kapansanan
- Seksyon 17: Data ng Soberanya ng Katutubo
- Seksyon 18: Ginustong Diskarte para sa Hinaharap na Pagkolekta ng Demograpiko
- Seksyon 19: Pananaliksik sa Panlaban sa Kapootang Panlahi sa Hinaharap
Habang kinokolekta na ng Pamahalaan ng Canada ang ilan sa impormasyong ito sa Sensus ng Populasyon ng Canada [Canadian Census of Population], ang impormasyon ay pinananatiling kumpidensyal ng Statistics Canada. Nangangahulugan ito na hindi namin ito magagamit upang matukoy ang mga puwang sa mga panlalawignag serbisyo.
Bagama’t nangongolekta kami ng ilang personal na impormasyon upang maghatid ng mga serbisyo sa B.C., sa pangkalahatan, hindi kami humihingi o nangongolekta ng impormasyon sa lahi, etnisidad, pananampalataya o katulad na mga salik ng pagkakakilanlan. Nangangahulugan ito na wala kaming data kung saan partikular na nahaharap ang mga tao sa mga hadlang kapag gumagamit ng mga serbisyo ng pamahalaan.
Ang impormasyong kinokolekta namin sa pamamagitan ng Pagsisiyasat sa Demograpiko ng BC ay makakatulong sa pagtukoy ng mga puwang sa aming mga serbisyo upang magawa namin ang mga ito na mas madaling ma-akses at inklusibo.
Hindi
Ang mga tanong sa pagsisiyasat na ito ay nakatuon sa mga paksa tulad ng etnisidad, kasarian, edukasyon, pati na rin ang iba pang aspeto ng pagkakakilanlan upang matulungan kaming maunawaan kung saan ang sistematikong kapootang panlahi ay nakakaapekto sa aming mga serbisyo.
Pinili ang mga tanong na ito batay sa aming narinig mula sa mga Katutubo, Itim at iba pang mga pinaglahing komunidad sa panahon ng pakikipag-ugnayan sa Batas sa Data sa Kapootang Panlahi [Anti-Racism Data Act]. Ang mga natuklasan mula sa ulat ng Komisyoner ng Karapatang Pantao ng BC [BC Human Rights Commissioner], ang Ang Pananaw ng Lola [The Grandmother Perspective] ay ginamit din upang hubugin ang mga tanong at ang pagtuon sa institusyonal o sistematikong kapootang panlahi.
Ngunit talagang gusto naming marinig ang tungkol sa iyong karanasan. Sa 2024 ipapakilala namin ang mas malawak na batas kontra sa kapootang- panlahi kung saan ang pamahalaan ay kailangan tumugon sa mga hindi pagkakapantay-pantay na natuklasan sa demographic survey na ito. Maaari mong idagdag ang iyong boses sa pagbuo ng batas sa pamamagitan ng paglahok sa maikling online na talatanungan.
Ibahagi ang iyong mga kaisipan tungkol sa kung paano mapabuti ng pamahalaan ang mga programa at mga serbisyo para matugunan ang mga pangangailangan ng mas maraming tao na nakatira sa British Columbia at tulungan kaming gawin ang B.C. na mas may pagkakapantay-pantay at mapagpabilang na lugar.
Ang sistematikong kapootang panlahi at iba pang anyo ng diskriminasyon ay humubog sa paghahatid ng mga pampublikong serbisyo para sa mga henerasyon. Ang impormasyong kinokolekta namin sa pamamagitan ng Pagsisiyasat sa Demograpiko ng BC ay makakatulong sa pagtukoy ng mga puwang sa mga programa at mga serbisyo upang matugunan namin ang mga pangangailangan ng mga tao sa buong B.C.
Ang pagsisiyasat na ito ay isang unang hakbang sa paggawa ng B.C. na mas inklusibo para sa lahat ng nakatira dito.
Ili-link namin ang impormasyong ibibigay mo sa pagsisiyasat sa umiiral na impormasyon upang suriin kung gaano kahusay gumagana ang iba’t ibang mga programa at mga patakaran para sa mga iba’t ibang tao. Makakatulong ito upang matukoy ang mga puwang at mga hadlang na pumipigil sa mga tao na lubos na makinabang mula sa mga pampublikong serbisyo tulad ng edukasyon, pangangalagang pangkalusugan at mga panlipunang suporta.
Gamit ang impormasyong ito, makakagawa kami ng mga may kaalamang pagbabago kung saan ang mga ito ay higit na kailangan. Makakatulong ito sa amin na mas matugunan ang mga pangangailangan ng lahat ng mga taong naninirahan sa British Columbia.
Napagtanto namin na ang ilang mga katanungan ay maaaring maramdamang personal. Mayroong ilang mga katanungan sa pagkakakilanlan na gagamitin upang patunayan ang iyong paninirahan sa B.C. at iugnay ang impormasyon ng pagsisiyasat sa iba pang impormasyong pang-administratibo tulad ng mga talaan sa kalusugan o edukasyon. Kinakailangan ang mga tugon para sa mga tanong na ito.
Para sa lahat ng iba pang mga tanong, maaari mong piliin ang ‘Hindi ko alam / hindi ako sigurado’ o ‘Mas ginustong hindi sagutin’ kung ayaw mong sagutin.
Ang lahat ng mga tugon ay pananatiling kumpidensyal. Ipapangkat ang iyong mga sagot kasama ng iba pang mga tugon at gagamitin upang makagawa ng mga pangkalahatang istatistika. Walang impormasyon ay ilalathala na maaaring makilala ang sinumang indibidwal o sambahayan.
Ang impormasyong nakolekta sa pamamagitan ng pagsisiyasat na ito ay isasama sa umiiral na impormasyon upang matukoy ang mga hadlang at mga puwang sa aming mga serbisyo. Ang mga resulta ng pagsisiyasat kasama ang mga pinabago sa kung paano namin ginagamit ang impormasyong ito ay makukuha sa unang bahagi ng 2024 sa antiracism.gov.bc.ca.
Pagkuha ng Pagsisiyasat
Kung nakatanggap ang iyong sambahayan ng isang liham ng imbitasyon, maaari mong i-scan ang QR code gamit ang kamera sa iyong mobile na aparato upang makuha ang pagsisiyasat o ilagay ang link ng pagsisisyasat sa address bar (hindi ang search bar) sa itaas ng iyong web browser.
Ang pagsisiyasat ay makukuha sa online at sa pamamagitan ng telepono sa 15 mga wika, kabilang ang Ingles. Kung gusto mong kumpletuhin ang pagsisiyasat sa telepono, mangyaring tawagan kami sa: 1-833-376-2452 libreng tawag upang makipag-usap sa aming pansuportang pangkat. Mayroon kaming mga miyembro ng pangkat na magagamit:
- Lunes hanggang Biyernes mula alas 9 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi (Pasipiko)
- Sabado mula alas 9 ng umaga hanggang alas 6 ng gabi (Pasipiko) (maliban sa mga piyesta opisyal)
Oo.
Upang kumpletuhin ang pagsisiyasat sa telepono, mangyaring tumawag sa 1-833-376-2452 nang libre upang makipag-usap sa isang ahente ng telepono. Mayroon kaming mga ahente na makukuha:
- Lunes hanggang Biyernes mula alas 9 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi (Pasipiko)
- Sabado mula alas 9 ng umaga hanggang alas 6 ng gabi (Pasipiko) (maliban sa mga piyesta opisyal)
Ang pagsisiyasat ay tatagal ng humigit-kumulang 15 minuto sa bawat miyembro ng sambahayan.
Oo.
Ang bawat miyembro ng sambahayan ay kailangang kumpletuhin ang isang hiwalay na pagsisiyasat kung nais nilang lumahok. Maaari mong punan ang pagsisiyasat sa ngalan ng ibang tao sa iyong sambahayan. Kung ang isang batang wala pang 13 taong gulang ay gustong lumahok, ang isang magulang o legal na tagapag-alaga ay kailangang kumpletuhin ang isang pagsisiyasat para sa kanila.
Iminumungkahi namin na mayroon ka ng iyong pinagsamang Lisensya sa Pagmamaneho sa BC o Kard ng Mga Serbisyo sa BC [BC Services Card] kasama ang iyong Personal Numero ng Pangkalusugan [Personal Health Number] na magagamit. Hihilingin sa iyo na magpasok ng ilang impormasyon sa pagkakakilanlan upang makumpirma na ikaw ay residente ng B.C. at upang paganahin ang pag-uugnay sa umiiral nang administratibong impormasyon.
Hindi
Hindi mo kailangang ibigay ang iyong Personal na Numero ng Pangkalusugan. Gayunpaman, hinihikayat ka naming ibigay ito kung kumportable ka.
Ito ay magbibigay-daan sa amin na pagsamahin ang impormasyong ibinibigay mo sa Pagsisiyasat sa Demograpiko ng BC sa iba pang impormasyon tulad ng mga rekord ng kalusugan o edukasyon. Makakatulong ito sa amin na mas maunawaan kung aling mga serbisyo ang iyong ginagamit at kung paano namin mapapabuti ang mga ito.
Hindi
Ang lahat ng personal na impormasyon tulad ng mga pangalan at tirahan ay ihihiwalay sa mga sagot sa pagsisiyasat. Walang impormasyon ay ilalathala na maaaring makilala ang isang indibidwal o sambahayan.
Gagamit ang BC Stats ng mga personal na pagkakakilanlan para sa mga layunin ng panloob na pagkakaugnay. Halimbawa, maaari naming pagsamahin ang iyong impormasyon mula sa pagsisiyasat na ito sa administratibong impormasyon tulad ng mga rekord sa kalusugan o edukasyon. Aalisin ang mga personal na pagkakakilanlan kapag nakumpleto na ito.
Mayroong ilang mga katanungan sa pagkakakilanlan na kinakailangan upang patunayan ang iyong paninirahan sa B.C. at iugnay ang impormasyon ng pagsisiyasat sa impormasyong pang-administratibo. Ang iba pang mga tugon ay boluntaryo.
Gayunpaman, ang bawat tanong ay nangangailangan ng sagot upang walang mga sagot na hindi sinasadyang nakaligtaan. Magkakaroon ka ng opsyong piliin ang ‘Mas gustong hindi sagutin’ o ‘Hindi ko alam / hindi ako sigurado’ kung hindi mo masagot o ayaw mong sagutin ang isang partikular na tanong.
Hindi
Ito ay isang boluntaryong pagsisiyasat at hindi mo kailangang kumpletuhin ito. Kung pipiliin mong hindi kumpletuhin ang pagsisiyasat, hindi mo kailangang ipagbigay-alam sa amin.
Oo.
Kapag sinimulan mo na ang pagsisiyasat, maaari mong i-klik ang buton na ‘Tumigil at ipagpatuloy mamaya’. Ihuhudyat kang maglagay ng email adres kung saan papadalhan ka namin ng dalawang email. Ang unang email ay maglalaman ng isang link upang bumalik sa talatanungan at ng isang akses code. Makakatanggap ka ng password sa isang hiwalay na email.
Upang makuha muli ang pagsisiyasat, i-klik ang link ng pagsisiyasat na ibinigay sa email at ilagay ang iyong akses code at password.
Ipapasok ka muli sa pagsisiyasat mula sa kung saan ka tumigil. Maaari mo ring gamitin ang impormasyong ito upang ipagpatuloy ang iyong pagsisiyasat sa isang ahente ng telepono.
Sa pamamagitan ng pag-klik sa ‘Isumite’ na buton, isusumite mo ang iyong mga sagot sa Pagsisiyasat sa Demograpiko ng BC. Kung nais mong baguhin ang iyong mga tugon, punan ang isa pang pagsisiyasat at isasaalang-alang namin ang iyong mga pinakahuling tugon bilang pinakatumpak.
Kadaliang Ma-akses at Wika
Ang pagsisiyasat ay iaalok sa 15 mga wika kabilang ang Arabo, Intsek (Tradisyonal at Pinasimple), Ingles, Farsi, Pranses, Hindi, Hapon, Koreano, Portuges, Punjabi, Espanyol, Tagalog, Urdu at Vietnamese.
Oo.
Ang pagsisiyasat ay naa-akses para sa mga mambabasa ng screen.
Kung kailangan mo ng tulong, mangyaring tawagan kami sa: 1-833-376-2452 libreng tawag upang makipag-usap sa aming pansuportang pangkat. Mayroon kaming mga miyembro ng pangkat na magagamit:
- Lunes hanggang Biyernes mula alas 9 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi (Pasipiko)
- Sabado mula alas 9 ng umaga hanggang alas 6 ng gabi (Pasipiko) (maliban sa mga piyesta opisyal)
Maaaring kumpletuhin ang pagsisiyasat sa anumang mobile na aparato o desktop na kompyuter na may magagamit na internet.
Kung kailangan mo ng tulong, mangyaring tawagan kami sa: 1-833-376-2452 libreng tawag upang makipag-usap sa aming pansuportang pangkat. Mayroon kaming mga miyembro ng pangkat na magagamit:
- Lunes hanggang Biyernes mula alas 9 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi (Pasipiko)
- Sabado mula alas 9 ng umaga hanggang alas 6 ng gabi (Pasipiko) (maliban sa mga piyesta opisyal)
Pagkapribado at Pagiging Kompidensyal
Kinikilala namin ang mga kolektibong karapatan ng mga Katutubong Tao at ginagabayan kami ng isang diskarte na batay sa pagkakaiba sa data ng soberanya ng Katutubo at pagpapasya sa sarili. Sinusuportahan namin ang pagtatatag ng isang sentro ng pamamahala ng data sa rehiyon na pinamamahalaan at ipinag-uutos ng First Nations.
Upang higit pang maiayon ang aming pangangasiwa sa impormasyong nakolekta sa pamamagitan ng Pagsisiyasat sa Demograpiko ng BC sa Batas ng Deklarasyon sa mga Karapatan ng mga Katutubong Tao [Declaration Act on the Rights of Indigenous Peoples], kami ay gumagawa ng pagkakataon para sa mga taong kinikilala bilang First Nations, Métis o Inuit na nagpapahintulot na ibahagi ang impormasyong ibinibigay nila sa kanilang pamahalaan.
Makikipagtulungan kami sa mga organisasyon ng First Nations at Métis sa B.C. upang bumuo ng isang modelo sa paggawa ng desisyon at hindi gagamit ng impormasyon o ilathala ang mga istatistika tungkol sa mga Nation nang walang direksyon ng mga Nation na iyon. Magbasa nang higit pa tungkol sa aming mga pangako sa data ng soberanya ng Katutubo para sa mga tao ngFirst Nations at Métis.
Ang Pagsisiyasat sa Demograpiko ng BC ay kompidensyal ngunit hindi anonimo.
Ang impormasyon na iyong ibibigay ay ipapangkat kasama ng iba pang mga tugon at gagamitin upang makagawa ng mga pangkalahatang istatistika. Walang impormasyon ay ilalathala na maaaring makilala ang sinumang indibidwal o sambahayan.
Ang BC Stats ay may higit sa 100 taong karanasan sa ligtas na pagkolekta ng impormasyon at paggamit ng data upang makatulong na mapabuti ang mga serbisyo para sa mga residente ng B.C. Ang lahat ng mga tugon sa pagsisiyasat na ito ay pananatiling kumpidensyal at ligtas na maiimbak na may limitadong paggamit sa mga piling empleyado lamang ng BC Stats.
Ang lahat ng mga empleyado ng BC Stats ay nanumpa sa ilalim ng Batas ng Istatistika [Statistics Act]. Sa ilalim ng Seksyon 9 ng Batas ng Istatistika, hindi maaaring ibunyag ng BC Stats ang impormasyon na maaaring magamit upang tukuyin ang isang indibidwal na pagbabalik sa sinumang tao, institusyon o ahensya ng pamahalaan. Ang Batas ng Istatistika ay nagsasaad ng mahigpit na mga parusa sa pananalapi, at sinumang empleyado na lalabag sa mga probisyon ng lihim ay pagmumultahin at tatanggalin sa trabaho.
Ang Seksyon 30 ng Batas ng Kalayaan sa Impormasyon at Proteksyon sa Pagkapribado [Freedom of Information and Protection of Privacy Act (FOIPPA)] ay nangangailangan sa atin na protektahan ang personal na impormasyon sa pamamagitan ng paggawa ng makatuwirang kaayusan sa seguridad laban sa mga panganib tulad ng hindi awtorisadong pag-akses, koleksyon, paggamit, pagsisiwalat o pagtatapon. Ang mga patakaran at pamamaraan ng BC Stats, pati na rin ang mga hakbang sa teknikal at pisikal na seguridad, ay nasa lugar upang maprotektahan laban sa mga panganib na ito.
Ang impormasyong nakolekta sa pamamagitan ng pagsisiyasat na ito ay isasama sa umiiral na impormasyon upang matukoy ang mga hadlang at mga puwang sa aming mga serbisyo.
Sa impormasyong ito, gagawa kami ng may kaalamang mga pagbabago sa aming mga serbisyo at mga target na suporta kung saan ang mga ito ay pinaka-kailangan upang mas mahusay na mapaglingkuran ang lahat ng mga taong naninirahan sa British Columbia.
Ang mga resulta ng pagsisiyasat kasama ang mga pinabago sa kung paano namin ginagamit ang impormasyong ito ay makukuha sa unang bahagi ng 2024 sa antiracism.gov.bc.ca.