Anti-Racism Data Committee
Tungkol Sa Komite
Ang mga miyembro ng komite ay kumakatawan sa iba’t ibang seksiyon ng mga racialized na komunidad at mga heograpikong rehiyon ng B.C.
Ang komite ay makikipagtulungan sa Province para sa ilang inisyatiba para makatulong sa pagkilala at pagbuwag ng sistemikong rasismo sa pampublikong sektor. Kabilang sa mga ito ang:
- Mga direktiba para sa datos, upang maging gabay ng pamahalaan sa pagkolekta, paggamit at pagbahagi ng impormasyon
- Mga pamantayan para sa datos, upang matukoy kung anong uri ng personal na impormasyon ang kinokolekta, ginagamit, at ibinabahagi
- Mga priyoridad sa pananaliksik, upang maunawaan kung saan dapat munang magtuon ng pagsisikap ang Province para malaman at matugunan ang sistemikong rasismo
- Pagsusuri ng mgataunang estadistika bago ito ilathala upang maiwasan ang mga pinsala sa komunidad
Layunin ng komite na tiyaking:
Ang implementasyon ng Anti-Racism Data Act ay ginabayan ng mga karanasan at kadalubhasaan ng mga racialized na mamamayan
Ang kanilang mga pagsisikap at ginagawa ay naaayon sa mas malawak na layunin ng lehislasyon na alamin at sugpuin ang rasismo sa mga programa, polisiya at serbisyo ng gobyerno, at isulong ang katarungang panlahi
Patuloy ang koneksyon at kolaborasyon kasama ang mga racialized na komunidad
Kilalanin ang Anti-Racism Data Committee
Ang mga miyembro ng komite ay may iba’t ibang mga karanasan at kaalaman na kanilang dala sa kanilang tungkulin. Panoorin ang video na ito upang mas malaman pa ang tungkol sa Anti-Racism Data Committee. Noong May 30, 2024, inilabas ng komite ang kanilang sariling ulat tungkol sa kanilang trabaho at kung paano ito sumusuporta sa Anti-Racism Data Act.
Noong Hunyo 1, 2023, ang pamahalaan ay naglabas ng mga priyoridad sa pananaliksik ng anti-racism – kasama dito ang pitong bagay na natukoy ng Anti-Racism Data Committee.
Ang mga priyoridad na ito ay makakatulong sa pamahalaan na mapanatili ang kanilang pokus sa mga pinakamahalagang bagay para sa Indigenous Peoples at iba pang racialized na komunidad.
Dr. June Francis,
Chair ng Anti-Racism Data Committee
“Tinitiyak ng rebolusyonaryong Anti-Racism Data Act na ang B.C. ay isang province kung saan ang lahat, anuman ang kanilang lahi, ay maaaring umasenso. Ang Anti-Racism Committee ay magiging kritikal sa pagkamit ng mga hangaring ito. Itinatag ang komite upang matiyak ang representasyon ng mga Indigenous at racialized na komunidad at magsisikap nang mabuti upang matupad ang mga pangakong tugunan ang sistemikong rasismo at mga pagkukulang sa mga serbisyo ng pampublikong sektor. Kabilang dito ang patuloy na proseso ng pakikipagtulungan sa mga komunidad, kasama ang kanilang mga pananaw, at pagpapanatili ng cultural safety habang nakikipagtulungan kami sa pamahalaan upang magtatag ng mga pangunahing priyoridad sa pagsasaliksik. Ang pangunahing pokus ay ang pagkuha at pagsubaybay sa datos upang mabawasan ang mga pagkukulang na kaugnay sa racial equity na umiiral sa pampublikong serbisyo.”