Mga Nakaraang Priyoridad sa Pananaliksik ukol sa Anti-Racism

Mga priyoridad sa pananaliksik mula 2023 hanggang 2025

Mga priyoridad sa pananaliksik na nakabatay sa sektor mula sa Indigenous Peoples

  • Mga resulta ng kalusugan para sa Indigenous Peoples upang maintindihan ang mga karanasan mula sa isang intersectional at pangkalahatang pananaw
  • Mga resulta ng edukasyon para sa mga estudyanteng First Nations, Métis, at Inuit mula kindergarten hanggang grade 12 upang maintindihan ang mga karanasan, kabilang ang kanilang access sa at paggamit sa mga makukuhang suporta 
  • Mga social determinant (panlipunang katangian) na tumutukoy sa kaligtasan mula sa isang pangkalahatang pananaw at mapunan ang mga puwang na kaugnay sa datos

Karagdagang priyoridad para sa Indigenous Peoples

“Pagsulong ng koleksiyon at paggamit ng disaggregated o pinaghiwahiwalay na demograpikong datos, na ginagabayan ng isang paraang nakabatay sa pagkakaiba para sa Indigenous data sovereignty at self-determination, kabilang ang pagsuporta sa pagtatatag ng isang pangrehiyon at may mandatong governance centre na pinapamahalaan ng First Nations, alinsunod sa First Nations Data Governance Strategy”

Mga priyoridad sa pananaliksik mula sa Anti-Racism Data Committee

  • Pagkakaiba-iba ng mga lahi sa BC Public Service at equity (pagkamakatarungan) sa pagtanggap ng mga empleyado at pag-unlad sa trabaho
  • Pakikipag-ugnayan sa sistema ng hustisya at pagsusuri ng ’complaints’ model 
  • Pag-unawa kung paano nakakakuha at gumagamit ng mga suporta sa edukasyon ang mga mag-aaral na mula sa iba’t ibang demograpikong grupo at ang mga resulta nito (mula pagkabata hanggang sa pagkatapos ng sekondaryang edukasyon) 
  • Wellness o pangakalahatang kalusugan ng mga bata, kabataan, at pamilya sa loob at labas ng tahanan
  • Ingklusyon sa ekonomiya, kabilang ang pagsusuri ng hindi bayad na trabaho at foreign credential recognition (pagkilala sa kredensiyal mula sa ibang bansa)
  • Kawalan ng tirahan, suplay at seguridad ng mga pabahay