Paano binuo ang mga priyoridad sa pananaliksik ng anti-racism
Noong Hunyo 1, 2023, inilabas namin ang 10 priyoridad sa pananaliksik batay sa mga sektor, at dalawa pang priyoridad. Ang mga priyoridad na ito ay makakatulong para matukoy at matugunan ang sistemikong rasismo sa aming mga programa at mga serbisyo.
Binuo ang mga priyoridad sa pananaliksik sa pamamagitan ng pakikipagtulungan kasama ang Anti-Racism Data Committee at Indigenous Peoples. Kasama dito ang B.C. First Nations at Métis Nation BC.
Pananaliksik
Sinuri namin ang mahigit sa 60 ulat para matukoy ang mga rekomendasyon, pagkukulang o oportunidad kaugnay sa mga datos. Kasama dito ang mga ulat mula sa:
- B.C. Human Rights Commissioner
- B.C. Representative for Children and Youth
- Pakikipag-ugnayan sa komunidad tungkol sa Anti-Racism Data Act
- Iba pang mga organisasyon na nagsisikap para mapahusay ang equity (pagkamakatarungan) at diversity (pagkakaibaiba)
May natukoy na walumpung potensiyal na mga priyoridad na paksa.
Kolaborasyon
Ibinahagi namin ang 80 priyoridad na mga paksa sa Anti-Racism Data Committee, Métis Nation British Columbia at B.C. First Nations. Nakatulong ang impormasyong ito para gabayan ang aming mga talakayan tungkol sa kung anong mga pinakamahalagang priyoridad sa pananaliksik.
Ang mga paksang napili ay kumakatawan sa mga pinakamahalagang bagay para sa mga naaapektuhan ng sistemikong rasismo.
Pakikipag-ugnayan sa mga komunidad
Ang bawat partner ay nagbigay ng ilang rekomendasyon.
Ginamit ang mga ito para makabuo ng pinal na listahan ng 10 priyoridad sa pananaliksik batay sa sektor, at dalawa pang priyoridad.
Alam niyo ba?
Parehong mahalaga ang paraan ng pagsasaliksik at ang mga paksa. Patuloy na magbasa upang malaman kung paano isasagawa ang mahalagang pananaliksik na ito, at kung sino ang mga kasali.