Mga prayoridad sa pananaliksik sa Anti-racism
Sa kasalukuyan, napakaraming tao ang nahaharap sa sistemikong rasismo sa ating mga serbisyo. Ito ay bahagi ng mga pangmatagalang epekto ng kolonyalismo at pagmamalupit.
Upang simulan ang pagtugon sa sistemikong rasismo at makamit ang racial equity sa mga serbisyo, kailangan naming malaman kung ano ang gumagana, ano ang hindi, at sino ang naapektuhan.
Noong tagsibol ng 2023, ipinakilala namin ang 10 mga prayoridad sa pananaliksik.
Ang mga ito ay nabuo sa pakikipagtulungan sa mga Indigenous Peoples at sa Anti-Racism Data Committee.
Dito makikita mo ang mga pananaliksik kaugnay ng tatlong prayoridad sa pananaliksik na ito. Ito ay isang unang sulyap at nagbibigay sa amin ng isang panimulang punto para sa hinaharap na trabaho upang maisulong ang racial equity. Ang pananaliksik na ito ay maliit ngunit mahalagang hakbang patungo sa hinaharap.
Kami ay patuloy na nagtatrabaho sa karagdagang pananaliksik at iu-update ang pahinang ito habang umuusad ang pananaliksik.
-
Ulat Tungkol sa Kalagayan ng Kalusugan sa Iba’t ibang Populasyon sa B.C.
Alam natin na maraming tao at ang kalidad ng buhay ng kanilang pamilya ay apektado ng mga talamak na kundisyon na ito. Sisimulan naming tingnan kung gaano kadalas naming makita ang mga talamak na kondisyong pangkalusugan sa iba’t ibang demograpikong grupo sa B.C.
-
Pag-access sa mga suporta sa pag-aaral para sa K-12 system ng B.C.
Nalalaman natin na mayroong sistemikong diskriminasyon sa sistema ng edukasyon sa K-12 sa B.C. Ang pananaliksik na ito ay isang simula upang matulungan tayo na maunawaan ang mga karanasan ng mga mag-aaral na Indigenous at racialized na mga estudyante at kung sila ay may pantay na access sa mga suportang kinakailangan upang magtagumpay.
-
Racial Diversity sa BC Public Service
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang magpamalas ng pantay na katarungan sa lahi sa Serbisyo Publiko ng British Columbia. Bilang unang hakbang, tinitingnan namin ang lahiang pagkakaiba-iba sa mga empleyado ng pamahalaan. Ang aming mga serbisyo ay dapat hinulma ng mga empleyadong nagpapamalas ng iba’t ibang pananaw, kaalaman, at pinamuhay na karanasan ng mga tao na aming pinagsisilbihan.